Twenty- One

212 8 0
                                    

Chapter 21.

Classmate.

Nanginginig at nanlalamig ang kamay na inaabot ang malamig na katawan ng aking ina na tinatakpan ng puting tela... sa bawat paghakbang ko palapit sa hinihigaan niya ay ang pagkirot ng puso ko na animo'y may nakatusok na milyo-milyong karayom sa aking puso.

"Mama..." tawag ko sa kaniya, nagbabakasakaling baka biro lang 'to lahat.

The sobs of my brother ached my heart, wala na sana akong balak na umiyak pero nang marinig ang masakit na paghagulhol ni Harvey... tumulo na naman ang mga namuong luha sa mata ko.

I slowly removed the white blanket that's covering the face of my beautiful mother who's now sleeping peacefully. Umiiyak kong hinaplos ang malambot at maputla niyang pisngi. I kneeled down and cried very hard. Hindi ko kayang tingnan sa ganitong sitwasyon si Mama... hinding-hindi ko talaga kaya.

"B-bakit iniwan m-mo kami kaagad, Ma?" I almost screamed those words and that made my little brother cried even more. Naramdaman ko ang paglapit niya sa'kin.

"Ate..." he called me but I just cried.

Bakit gano'n? Bakit ganito pa ang nangyari?

Harvey told me that Mama already gave up so as her heartbeat. 'Di ko pa naintindihan dahil habang sinasabi niya sa akin ang dahilan, umiiyak siya. Ang naintindihan ko lang ay nagpasalamat si Mama sa lahat. My brother took a video of her earlier before she sleep. I don't want to accept everything.

Pero may magagawa bah ako?

Wala.

Iyak lang ang nagawa namin ni Harvey sa loob ng kalahating oras. I wiped my cheeks and let my brother rest his head on my shoulder. Pinunasan ko ang gilid ng kaniyang noo dahil sa puno ito ng pawis.

Kaming dalawa ang pinakaapektado rito... wala na kaming ama at ina na mag-aaruga sa amin. Ang meron lang sa amin ay ang isa't-isa na hindi ko alam kung kakayanin ko bah. Thinking that our lives must go on without Mama... parang imposible.

Napakaimposible.

'Di ko napansin na umiiyak na pala ang apat na lalaki na nasa gilid ng silid kung saan kami ngayon. Nakaawang ang bibig na pinagmamasdan sila.

Parang may humaplos sa puso ko dahil hindi ko inakalang nakikiramay na sila sa amin... Manuel kept wiping his cheeks, Kyson was looking away but his eyes and nose were red, Saul was covering his mouth using his arm and Gio... siya ang humahagulhol habang takip-takip ang bibig. I wonder what Mama did to them to cry like this infront of me. Walang nasabi sa akin si Harvey na bumibisita pala ang mga kaibigan ni Evan...

Lastly, si Evan ang nilapitan ko. Pinaubaya ko na muna si Harvey kila Saul. Nanghihina kong tiningnan si Evan at nang buksan niya ang dalawang braso para sa isang yakap, mabilis kong sinunod ang gusto niya.

"Bakit ganito pa ang nangyari, Evan?" I cried while asking him.

He didn't speak a word, marahan niya lang na hinaplos ang buhok ko. I just felt him kissed the top of my head. Mas lalo kong sinubsob ang sariling mukha sa kaniyang dibdib, hinayaan niya naman ako. His warm heartbeat... and warm embrace kinda gave me a comfort.

Bakit ganito pa kasi ang nangyari? Ginawa ko naman ang lahat para mabuhay si Mama, ah? Hindi pa bah sapat iyon para sumuko nalang siya ng ganoon nalang?

Sana may magandang dahilan kung bakit 'to nangyari...

"A-ayos na bah ang camera, anak?" my tears immediately formed when I saw Mama removed her oxygen. She looked very weak.

Just A PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon