Chapter 37.
Vacation.
Blue waves in the ocean. A slight cold breeze of the winds. Fighting yellow and orange colors in the sky... the sun is not that very high. Sunset were occupied staring at the couples holding hands so tight. Me and Evan are now walking in the boardwalk where I ended everything to us before but now... we are just quiet, letting the winds made a sound.
I felt relieved...
Relieved that the results of my CT scan happened earlier is very good. The doctor said that I just need enough rest at dapat uminom ako ng vitamins to help my immune system become stronger.
"Evan..." marahang tawag ko sa aking kasama na ngayon ay hawak-hawak ang beywang ko.
"Hmmm?" he boredly responded.
Ngumuso ako. "Masayang-masaya ako..." tugon ko at napabaling ang tingin sa nag-aagawang dilaw at kahel na langit. "Ikaw? Masaya ka bah?" nakangiting tanong ko.
Biglang humigpit ang pagkakahawak niya sa'kin. We stopped from walking and I saw him crouched a bit to have a sniff on my neck. Nagulat ako pero huli na para pigilan ko siya dahil gusto ko naman ang gagawin niya. Inamoy niya lang saglit ang leeg ko at pagkatapos no'n ay umayos na ng tayo.
"Sino ang hindi masisiyahan sa naging resulta? Damn it, Niah... I was really worried for you... kinabahan ako na parang tanga kaya hindi ko nagawa ang ilan sa mga trabaho ko." sagot niya.
"You what?" sa dami ng sinabi niya ay ang huling pangungusap lang ang naintindihan ko.
Nawalan siya ng imik kaya ako naman ang naging dahilan sa pagtigil namin sa paglalakad para makaharap siya nang maayos.
"Ulitin mo nga ang sinabi mo," nanliliit ang matang ani ko.
He looked away and pouted. "It's normal that I got worried for you..." panlalaban niya.
Kinurot ko ang tagiliran niya. "Hindi mo na sana dinamay ang trabaho mo! Alam ko kung gaano kaimportante sa iyo ang kompanyang tinayo ng magulang mo kaya dapat ay pinagbuti mo ang trab--" I wasn't able to finish my words when he suddenly kissed me and immediately stepped backward.
My eyes widened because of that sudden action. It was just a peck but it left me dumbfounded. Para akong tangang natameme sa ginawa niya.
"You talked too much, baby... you should slow down." saad niya at ngumisi pa talaga.
Lumunok ako at masama siyang tiningnan. Umirap ako at tinalikuran na siya. Mabilis na paglalakad ang ginawa ko pero naabutan niya pa rin ako. Naiinis kong pinalo ang brasong nakapulupot ulit sa beywang ko.
"Bitawan mo nga ako!" pagpupumiglas ko.
I heard him chuckled. "Ayaw na kitang bitawan, Niah..." halos nanindig lahat ng balahibo ko sa katawan nang maramdaman ang mainit niyang hininga sa tenga ko.
'Di ako nakapagsalita kaya ang gunggong ay nakakuha ng oportunidad na pisilin ang bandang tiyan ko. I'm wearing a sweatshirt paired with jeans. Nakakainis dahil ang lakas pa rin ng epekto niya sa'kin. Kahit kaunting paghawak niya lang sa'kin ay para na akong mababaliw.
"Went silent huh?" pabulong na asar niya.
I rolled my eyes and tried to walk away from him but he didn't let me. Para kaming mga tanga na nakaharap sa dagat. May iilan namang tao na nandito at ramdam kong nakakaagaw ang posisyon namin ni Evan ngayon.
This man!
"Bitawan mo na ako, Evan. Ano bah," nanggigil na sabi ko habang kinukurot ang braso niya.
BINABASA MO ANG
Just A Promise
RomancePublished: June 3, 2021 Finished: February 20, 2022 (Book Cover isn't mine. It was made by my amazing friend.) Hananiah Arrie, ang babaeng takot umasa sa mga pangakong naririnig kanino man. She feared believing in promises since his father died beca...