Chapter 33.
Suspected.
"Good morning..." bati niya sa aming dalawa ni Harvey.
Hindi ako maka react dahil sa gulat na nandito siya. My eyes landed on the paperbag he's holding. Kumurapkurap ako nang ilang beses saka ibinalik ang tingin sa mukha niya. He's wearing a simple jeans and a peach hoodie paired with a black shoes.
Dahan-dahan kong binalingan ng tingin si Harvey na ngayon ay nakangiting nakatitig kay Evan. I gulped and tried to reach his elbow but I failed, mabilisan siyang lumapit kay Evan para batiin din ito.
"Good morning, Kuya Crossley. Binibisita mo si Mama?" magiliw na tanong ng kapatid ko.
Evan firmly nodded and looked at me.
Harvey chuckled a little, drifting his eyes to Mama's grave. "Oh Mama? 'Di namin alam na may manliligaw pa pala kayong napakagwapo!" biro niya na siya lang ang natawa.
'Di pa rin ako makapagsalita habang pinagmamasdang naglalakad palapit ang hindi inaasahang bisita para lumuhod sa harapan ng lapida ng mga magulang ko. My mouth was half-opened while watching him getting the thing he brought from his paperbag.
There was a designed scented candle and a small boquet of white roses.
Nakatulala lang ako sa kaniya. He started to pray silently. Katahimikan ang bumalot sa aming tatlo nang maramdamang nakatitig sa akin si Harvey. I looked at him and raised my brows. Bigla niyang itinaas ang kamay at pinorma ng thumbs-up. Kumunot ang noo ko at nagtaka.
He mouthed 'okay ka lang?'.
Tumango naman ako. If he is preferring that I am not fine that Evan is here, nagkakamali siya. Nagulat lang ako sa hindi inaasahang pagkikita namin rito. When he came back here a week ago, 'di ko inisip na bibisitahin niya si Mama.
I don't know what to do especially that Evan is here. Nasindihan niya na ang dalawang kandila na siyang dala niya. Napansin kong kay Mama niya lang inilagay ang dala niyang rosas.
Huminga ako nang malalim at bahagyang umatras saka doon na umupo. Ang kapatid ko naman, tumabi sa kaniya. Napatingin ako sa lapida ni Mama at tipid na napangiti.
He visited you, Mama...
A couple of minutes passed until Evan finished his prayers. He breathed heavily and suddenly looked at me. Medyo napaigtad ako sa paglingon niya pero hindi ko pinahalata. Ngumiti siya kaya ngumiti rin ako pabalik, tipid nga lang.
"I didn't inform you that I will visit Tita Blanca, ayos lang bah sa'yo na narito ako?" saglit na nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Agad akong tumango. "Oo naman... masaya si Mama na nandito ka," tugon ko.
He nodded and made his smile more wider reasoned why his dimple showed up. "I thought you're gonna push me away for being here," malumanay na sambit niya. Narinig ko ang exaggerated na pagsinghap ni Harvey at nawalan ako ng imik doon.
Tumikhim si Evan. "But my thoughts were wrong though," bawi niya sa sinabi. "How are you by the way? Your doctor informed me that you called her last week. May masakit bah sa'yo?" muli akong nagulat sa tanong niya at tuluyan nang natahimik.
I looked away. He was right, tinawagan ko nga ang doctor na gumawa ng operasyon sa ulo ko last week. I told her that my head sometimes ached without a reason. Kahit wala akong ginagawa ay sumasakit talaga siya dahilan para mahilo ako. She got alarmed when she heard it and told me to go to the hospital to have my consult. Wala lang akong oras dahil sa trabaho kaya heto... naghahanap ng timing para magpacheck-up.
BINABASA MO ANG
Just A Promise
RomancePublished: June 3, 2021 Finished: February 20, 2022 (Book Cover isn't mine. It was made by my amazing friend.) Hananiah Arrie, ang babaeng takot umasa sa mga pangakong naririnig kanino man. She feared believing in promises since his father died beca...