SPECIAL CHAPTER

294 9 2
                                    

Author's Note:

I have nothing to say but I love you all and I always and will always will appreciate your support to me.

And you!

Yes, the one who's reading this...

Wala lang WAHAHAHAHA

So this is the Special Chapter of... Just A Promise. Happy Reading🌸❣

SPECIAL CHAPTER.

"Eris," I gently called my beautiful daughter as she ran out to our door. With her innocent green eyes like her father whom I loved, she looked at me. "I already told you not to run away right?" I reminded her.


Clementia Eris pouted her lips then carefully walked towards me. "I'm sorry, Mommy. Excited lang akong bumisita kay Daddy ulit." sumikip ang dibdib ko pero nagawa ko pa ring ngumiti. "I know miss na miss mo na rin siya, Mommy that's why I wanted to run fast so that we can visit Daddy immediately." hindi ko na nakayanan ang pamumuo ng luha.


My daughter is now 8 years old and she's turning 9 tomorrow. Bawat taon ay palagi kaming bumibisita kay Evan. And this day... we will visit the man I loved again.


I nodded my head and stifled a smile on my lips. "Okay okay... just don't run so fast, baka madapa ka niyan at ayaw ng Mommy La mo na masugatan ka." saad ko na nagpangisi lang nang malapad sa anak ko.


Hindi ko maipagkakailang nagmana si Eris sa ama niya. Pagdilat pa lang ng mga mata niya noong bata pa siya, doon ko na talagang nasabing kuhang-kuha niya ang mukha ng Daddy niya. Ang ilong ko lang ang namana ng anak ko.


Sumakay kami sa SUV na ang magmamaneho ay ang kapatid ko, si Harvey.


My handsome brother smiled widely when he saw his niece. He fastly opened his arms to hug my daughter, Eris chuckled then lifted her hands to his uncle. Napapailing ako at marahan na natawa.


"Kamusta ang maganda kong pamangkin?" malambing na tanong ni Harvey, karga-karga na ang anak ko. I raised a brow at him when he smirked.


"I am fine, Uncle! Happy na naman po si Mommy kasi nakakuha na naman ako ulit ng high grade sa lahat ng subjects!" matinis ang boses na sagot ni Eris.


"Ang talino naman talaga nitong pamangkin ko! Manang-mana sa uncle!" napangiwi agad ako sa sinabi ng kapatid ko.


Harvey opened the door of his car, pinauna niyang pasakayin si Eris at ako naman ang sumunod. "What? Mommy told me na nagmana ako ni Daddy sa pagiging smart ko! 'Di bah, Mommy?" napangisi ako sa depensa ng anak ko.


I just nodded.


"Chos! Matalino rin naman ako, Eris kaya posibleng nagmana ka sa akin." pamimilit talaga ni Harvey.


Napairap nalang ako at hinayaan silang dalawa na ipagpatuloy ang pag-uusap nila habang bumabyahe patungong cemetery. I stared at the window where I see what's happening outside. Hindi masyadong mainit, makulimlim lang ang kalangitan which is masasabi kong baka uulan maya-maya.


Nabaling muli ang atensyon ko kay Harvey nang tumawa siya nang napakalakas, sinadya niya 'yon, alam ko. He always do that para hindi ako matulala sa kawalan.


Tinaasan ko siya ng kilay. I was just thinking of something!


"Why are you laughing, Uncle? Wala naman akong sinasabing funny." nagtataka na si Eris sa pagiging baliw ng uncle niya.


"Gusto ko lang tumawa, Eris para happy." ngisi niya at tumawa na naman na parang bruho.


Muli akong napailing at pinasandal nalang ang anak ko sa aking dibdib. Hindi naman masyadong malayo ang nilibingan ni Evan. It's just a few miles away from our house, naging malayo lang dahil sa traffic.


Just A PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon