Thirty- Six

231 9 0
                                    

Chapter 36.

Nervous.

"Nasa baba ang iba, bakit?" si Karlisle ang sumagot na may nakakaasar nang ngiti na nakadikit sa labi. Kung hindi gumalaw si Evan sa tabi ko ay hindi rin mapuputol ang pagtitig niya sa'kin.

Evan cleared his throat. "I bet you already brought your things for our short vacation," malumanay na komento niya.

Manuel and Karlisle both nodded on his statement while Kyson is just looking down on Evan's hand who is still snaking my waist. Lumunok ako nang isang beses at wirdong ngumiti para 'di nila mapansin ang pagkailang ko.

The five of us decided to go downstairs and Karlisle was right.

Pagkababa namin at pagpasok sa salas ay nadatnan kaagad ng paningin ko sila Navi, Raileigh na kasama ang asawa niya, sina Saul at Gio. All of their eyes landed on my waist. Mariin akong napapikit nang agad nilang napansin ang pagkakahawak sa'kin ni Evan which is nakakailang talaga sa pakiramdam.

Raileigh and Navi's mouth dropped open and after looking at Evander's hand on my waist, umangat ang paningin nila sa mata ko. Halatang nagtatanong kung anong ginawa namin ni Evan bago kami kinatok.

My cheeks burned while thinking what happened just earlier.

Hinalikan ako ni Evan...

He kissed me so passionately na muntik nang mapunta sa kama! I was about to stop him that time but heck! Naging blanko kaagad ang utak ko pagkalapat pa lang ng malalambot niyang labi sa labi ko!

I bit my lower lip and chose to look away from the gaze of our dear friends who's still silent for seconds now.

"So magtitigan nalang tayo na parang mga estatwa nito?" medyo napaigtad ako nang kaunti dahil sa pagbasag ni Kyson sa katahimikan na bumabalot sa pagitan naming lahat.

Parang lahat sila ay natauhan sa sinabi niya.

"Gosh! Sana hindi ka nalang nagsalita! Staring game na sana ang ginawa natin! Kainis ka!" napabaling ang paningin ko kay Karlisle na nagdadambang hampasin ang balikat ni Kyson pero 'di niya naituloy dahil agad napalag ni Kyson ang maputing kamay niya.

"Huwag mo 'kong hampasin, we're not close." masungit na saad ni Kyson na nagpasinghap kay Karlisle.

Narinig naman namin ang pagpigil sa pagtawa ni Manuel at Gio.

"Why? Did I say na close tayo?" pambabara ni Karlisle na ikinaugong ng nakakaasar na ungol nina Manuel at Gio.

I heard a 'tsk' from Kyson. After that ay naglakad na siya patungo sa kinauupuan nina Saul para makalayo kay Karlisle. Naputol ang pagtitingin ko nang maramdaman ang marahan na pagpisil ni Evan sa beywang ko. Tiningnan ko siya.

His dark stare met my eyes kaya minadali ko ang pag-iwas ng tingin. Ano naman ang problema niya? Wala naman akong ginawang kakaiba, ah? Baka sinusumpong na naman sa pagiging abnormal ang isang 'to?

"Arrie!" muntik na akong matumba sa kinatatayuan nang bigla akong hilahin ni Raileigh galing kay Evan.

"Hey. She's mine." lumingon ako kay Evan na nakanguso na. That shocked me a bit.

Raileigh scoffed. "Anong 'she's mine'? Ikaw bah nanay nitong kaibigan ko? Ha?" nanlaki ang mata ko sa sarkastikong tanong niya. Bakas na bakas sa mukha niya ang pagkainis na ipinagtataka ko.

Bago pa makapagsalita si Evander sa isasagot ay nahila na ako nang tuluyan ni Raileigh patungo kay Navi na nakatayo na malapit sa isang pintoan palabas sa isang balcony. Raileigh's husband called her but my dear friend pretended that she did not hear anything.

Just A PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon