Twelve

200 10 0
                                    

Chapter 12.

Can't Wait.


A date with Evander Crossley Lavoie is funny? I don't think so! Natutuwa ako pero hindi ako natatawa! I just feel pure happiness within me kaya hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ni Evan na pagtatawanan ko siya o ano. Maybe he thought I will laugh at him because this is unexpected.


Ito na bah ang simula niya sa panliligaw sa'kin? Sana nga ito na nga iyon.


Hindi ko mapigilan ngumiti nang malapad habang katabi siya ngayon. I know he's stopping himself to hold my hand and interlock it, we're still inside of the school premises and one of the rules here is 'No PDA'. Alam naman na ng lahat kung ano ang ibig sabihin no'n and I know Evan is too smart to understand. Nakakatuwa ring tingnan na pinipigilan niya ang sarili.


Bumaling ako sa kaniya at kasabay ng pagbaling ko ay ang pagsulyap niya din sa akin. My smile went more wide. "Is this your start in courting me?" matapang kong tanong na may ngiti pa rin sa labi.


His body stiffened for a while then he cleared his throat, mayabang niyang ipinamulsa ang dalawang kamay niya at mayabang akong tiningnan.


"Yes." he firmly responded.


Napakagat labi ako, 'di na mapigilan ang sariling kiligin. Kumurapkurap muna ako saka nagtungo sa harap niya at paatras na naglakad. "So... saan tayo pupunta ngayon? You see nasa loob pa rin tayo ng school so it makes me wonder kung saan mo 'ko dadalhin." nagkunware pa talaga akong walang alam kahit may ideya na ako.


Bumuntonghininga siya at sumilay ang magandang ngiti sa labi niya, umiwas agad siya ng tingin para hindi ko makita ang pamumula ng pisngi niya.


"Evan?" I teasingly called him and slowed my walk to make us stop from walking.


Wala nang masyadong tao rito sa nilalakaran namin. Malapit na kami sa likod ng building nila kaya hindi na ako nakaramdam ng pangamba para sa aming dalawa. I stared at him for the whole one minute. Nakaiwas pa rin siya ng tingin kaya pinili kong abutin ang mukha niya.


"Kinikilig ka bah?" natatawa kong tanong as if hindi ako makapaniwala.


Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa isang pisngi niya at marahan itong pinisil. I smiled very widely at him and chuckled a little.


"Ang cute mo pala kapag kinikilig 'noh? Tumatahimik tapos namumula pa ang pisngi," I burst out laughing when he coldly looked at me in my eyes. "Huwag mo nga akong tingnan ng ganiyan, iisipin ko tuloy na totoo kang kinikilig." asar ko na mas lalong ikinadilim ng paningin niya.


"Stop teasing me..." nahirapan pa siya na sabihin iyon.


"Nagsisimula pa nga akong asarin ka, pinipigilan mo na ako kaagad? Ang boring mo naman ka bonding," biro ko.


He just shook his head while putting my hand down, hawak niya 'yon at bahagya pang lumingon para sigurohin na wala nang taong nakatingin sa gawi namin. When he finally secured everything, he tightly hold my hand and pulled me. Dahil gusto ko namang magpahila, nagpaubaya na ako sa gusto niyang gawin.


"It's hot, we should find some place to stay." saad niya.


Mainit nga ang sinag ng araw ngayon pero hindi naman iyon nakakapaso sa balat. Nagpadagdag lang talaga ang kawalan ng hangin sa init kaya nasabi 'yon ni Evan.


Like what he said, nagtungo kami sa likod ng building nila at umupo sa bench kung saan may katabing puno. He let me sit down first bago tumabi sa akin. Nang makaupo ay hinuli niya na naman ang nananahimik kong kamay.


Just A PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon