Twenty- Eight

228 7 0
                                    

Chapter 28.

Kwintas.

Kinakabahan at napilitan akong lumabas ng banyo pero kahit na ganoon ay wala namang karea-reaksyon ang pagmumukha ko. Ang mga panaginip na nakita ko ay sa akin nalang 'yon, wala akong balak na ipagsabi sa iba lalo na kay Evan!

Bahagyang nang-init ang pisngi ko nang maalala na naghalikan kami sa panaginip na ako lang ang may gawa!

Kainis ka, Arrie... bakit ka pa bah kasi naaksidente? Buti nalang at binigyan pa ako ng chance ni Lord mabuhay sa mundong ibabaw. Ayaw ko pa kayang iwan si Harvey dito tapos wala pa siyang balak magjowa kaya mag-isa lang talaga siya kung mamamatay man ako! Whatever happened in my lucid dreams, kalimutan ko na 'yon. It's all part of my thing that I wanted to happen.

I have to keep in mind that nasa reality na ako.

Humihinga ako nang malalim habang marahan ang pagbukas ng pinto. As I opened the door, si Evan kaagad ang nakasalubong ko.

He is wearing his coat and necktie attire. He looked very fresh in his damp hair and his clean suit! Napatitig ako sa buhok niya at nang mapansin na tinataasan niya na ako ng kilay ay umiwas ako ng tingin saka nagkunwaring hindi siya nakita.

Sa pagkakaalala ko, nasa elevator ang huling pag-uusap namin and at the same day ay iyon rin ang oras na naaksidente ako. His eyes suddenly surveyed in my body.

Tinakpan ko agad ang sarili habang naglalakad pabalik sa kama ko.

"How are you feeling, Miss Fuentes?" he coldly asked as I sat down back to my bed. Matalim kong tiningnan si Harvey na nakaawang na ang bibig na palipat-lipat ang tingin sa amin ni Evan. I couldn't catch his attention dahil mas titig siya sa lalaking pormal na nakatayo sa harapan namin!

I can see that he brought something for us. Prutas at iilang mga branded bags. My face frowned a bit when I saw a famous brand paperbag. Feeling ko hindi para akin 'yon.

Titingnan natin.

"Ayos lang naman," tipid na saad ko at mas ginawa pang komportable ang sarili sa kama.

He cleared his throat and nodded. "I asked the doctor to call me once you wake up. She said that you're conscious now so I went straight here to have a look for you," may nagtatanong? Parang wala naman, ah? Share niya lang?

"Ahh... okay?" teka bakit parang tanong pagsagot ko? I sighed heavily. "Salamat, nag-abala ka pa. Pwede namang hindi mo nalang ako bisitahin," umakto pa akong nahihiya kahit natatakot na ako sa paraan ng pagtingin niya sa'kin.

Kainis! Dapat nga ay matakot siya sa 'kin kasi ang dami nang nagbago! 'Di siya updated sa buhay ko!

"You are my secretary, Miss Fuentes. It is natural that I will visit you here especially you got into an accident," worried siya kung ganoon? Bahala na nga siya sa buhay niya.

Buong kwarto ang tumahimik at ang tanging gumagawa ng ingay ay 'yung kaluskos ni Harvey sa paggalaw niya. He seems very uneasy. Maybe because sa cold presence na hatid ni Evan sa aming dalawa? I don't know, medyo nakakatakot rin kasi kung makatingin si Evan sa amin. Ibang-iba siya sa Evan na nasa panaginip ko. The real Evan looks very authorative, kung may masasabi ka mang mali ay baka tiklop ka kaagad sa pagtitig niya.

Sana tulog pa rin ako hanggang ngayon-- wait! Kailangan pa rin ako ni Harvey sa pag-aaral niya kaya huwag muna ako maging selfish sa ngayon. Kainis na buhay!

"I brought foods and clothes for you, saglit lang ako dito. I still need to help Aunt Dani for the papers you left in your table," nanlaki ang mga mata ko sa narinig. He pursed his lips and rolled his eyes.

Just A PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon