Twenty- Four

220 13 0
                                    

Chapter 24.

Psychologist.

"I guess... you are not updated on what's hapenning to the other company building," komento ng lalaking katabi ko sa malamig na tono. Tumuwid ako ng tayo sa tabi niya at napayuko.

"P-pasensiya na ho talaga, Sir..." that's all I want to say to him.

Kilala ko siya okay?! Kilala ko itong gwapong lalaki 'to dahil bawat famous companies ay may kaniya-kaniyang magazines ng mga tagapagmana! But one thing I didn't know is he is now the new CEO of one of the known company! Isa rin siya sa mga director dito. 'Di ko lang agad nakilala dahil sa suot niyang eyeglasses. Sa magazine kasi, wala siyang suot na salamin!

Goodness! Napahiya ko na nga sarili ko! Parang binastos ko naman si Sir Rius dito!

"Nah it's okay," tugon niya at naramdaman ang paglingon sa'kin. "So you are Crossley's secretary?" he asked while looking at me from head to toe.

"Uh... Oo. Ako ho 'yung naiwan na secretary ni Ma'am Dani kaya noong mag retire siya kahapon, ako na ang secretary ni Sir Lavoie..." mahinang saad ko at dahan-dahan siyang tiningnan.

A small smile crept into his lips. "Hmm. I've been here for a couple of times to attend an important meetings but hindi kita masyadong nakikita," inosenteng wika niya sabay ayos sa suot na salamin. Hindi ako nakasagot dahil sa pagkatulala sa gwapong pagmumukha niya.

Biglang tumunog ang elevator dahilan para mapatingin ako sa pagbukas nito.

Tumikhim ako at nag-aamba nang pumasok pero nilingon ko si Sir nang makalabas ako. "Pwede na ho kayong pumunta sa conference room, Sir for the meeting. May kukonin pa akong papers sa office ng boss ko." I politely said while forcing my lips to form a smile! Naiilang ako na parang ewan sa presensiya niya.

He stared at me for a second. "I can help you," my eyes widened on his statement. Sinusubokan niya nang lumabas!

I raised my both hands to stop him. "Ahh... hehehe, ayos lang po Sir! Hindi naman maraming papeles ang kukonin ko kaya mauna na kayo!" wirdo pa akong natawa at nakita ko ang pagkagulat niya sa inaakto ko. Muntik ko na siyang mahawakan sa dibdib pero buti nalang ay napigilan ko ang sarili.

Kumurapkurap siya at napaatras, he chuckled softly. "Okay if that's what you want. I'll see you later in the meeting then?" nakangiting aniya. Napaisip ako at napangiti rin.

Makikita ko naman talaga siya mamaya! Oh my gosh... kinikilig ako!

After getting the procurement papers in my boss' office. I looked at my wrist watch at sampung minuto nalang ay magsisimula na ang meeting. Nagmamadali akong bumaba at hindi kalaunan ay nakarating naman ako sa conference room. Bago pa ako makapasok ay inayos ko muna ang pagmumukha ko to look presentable infront of them.

Pagkapasok ay naagaw ko ang iilang atensyon ng mga pamilyar na mukha. They are still the directors I have met when Ma'am Dani is still my boss. May ilan nga lang na bago sa paningin ko at 'yon ay ang lalaking nakasabay ko kanina na nakangiting nakatitig sa akin.

Nang matapos niya akong tingnan ay napunta naman ang tingin ko kay Evan na seryusong nakatitig-- ay hindi, nagpapalipat-lipat na ang paningin niya sa aming dalawa ng lalaking nakatitig sa akin.

His eyes drifted on mine. Tinaasan niya ako ng kilay na parang nagtatanong kung bakit ko nginingitian nang matamis ang gwapong lalaki na nakangiti pa rin sa 'kin. Patago akong umirap 'tsaka naglakad patungo sa kinauupuan niya. I put the papers one by one infront of the directors and went to the sofa where I can freely sit.

Just A PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon