Chapter 6.
Something to Tell.
"Ano pangalan mo, ineng?"
Kumurap ako nang dalawang beses nang itinanong iyon ni... I don't know how should I address him but maybe I can call him Lolo Aaron? Aaron kasi ang tinawag ni Evan sa kaniya so... wala naman atang problema kung tatawagin ko siyang Lolo 'di bah?
"Hananiah Arrie Fuentes po, Lolo Aaron." tugon ko sa kaniyang tanong sabay ngiti, I saw how his body stiffened infront of me.
Narinig ko rin ang pagpipigil na pagtawa ni Evan na nasa tabi niya lang. I even saw how Lolo Aaron pinched Evan's arms to stop what he is planning to do.
"Kakilala mo, Arrie? Sino ho sila?" nakalabas na si Mama kung saan namin siya pinaupo ni Harvey at bakas sa mukha niya ang pagtataka sa mga panauhin na kausap ko ngayon. Tumabi siya sa'kin at nginitian sina Lolo Aaron. "Sino po sila?" ulit niya.
Napatitig si Lolo Aaron kay Mama at dahan-dahang tiningnan ang katabi. I thought there is something wrong with them but when Evan stood infront of my mother, handed his hand for a handshake... nagbago ang iniisip ko.
"Good evening, Ma'am. I am Evander Lavoie... s-schoolmate of your daughter and son. Nice to m-meet you... po." ba't nauutal siya?
I looked at Mama to see her reaction, kunot lang ang noo niya pero ang labi ay nakangiti. She accepted Evan's hand and she's the one who shook it. Tama bah 'yung nakita ko? Nakita kong lumunok si Evan!
"Oh? Nagagalak rin kitang makilala, hijo. Ang pogi-pogi mo naman..." manghang saad ni Mama at bumaling kay Lolo Aaron. "Apo niyo ho, Sir? Magkamukhang-magkamukha po kayo!" tanging pagtikhim lang ang ginawa nung matanda at tamad na tiningnan si Evan.
"Uh... h-he's my cook, Mrs. Fuentes not my grandfather." umawang ang labi ni Mama, mukhang nakaramdam ng kahihiyan.
Wirdong natawa si Mama. "Hala... pasensiya na, medyo may pagkakahawig kasi kayong dalawa pero 'di bale na, kalimutan niyo na ang sinabi ko." kagaya ng ina ko, pilit ring natawa si Evan saka tumango-tango.
Sinulyapan ko si Harvey na nakaawang ang bibig habang titig na titig sa harapan. Well, nagulat rin ako na nakita ko rito si Evan. Base kasi sa pagmumukha niya, hindi siya nagpupunta dito sa palengke.
Oo na. Napaka-judgemental ko.
Pinili kong hindi na pakinggan ang pinag-uusapan nila Mama at Lolo Aaron, 'di ko nga napansin na tapos na palang magpakilala si Evan sa kaniya. I glanced at him and I bet he's already staring at me for the whole time, umiwas ako ng tingin at nagkunwaring abala sa ibang bagay.
Tiningnan ko ang wrist watch na suot at nakitang alas siete na ng gabi at wala pa kaming hapunan ni Harvey. Pinauna namin si Mama na kumain lalo na't may sakit siya.
"Lagi akong bumibili ng patatas at carrots dito sa tindahan mo, hindi mo bah 'yon napapansin?" rinig kong tanong ni Lolo Aaron kay Mama.
"Naku! Marami-rami kasing namimili dito sa tindahan kaya hindi ko talaga napapansin ang ilan," 'yon lang ang huli kong narinig bago nagpaalam kay Harvey na bibili ako ng makakain namin at pagkatapos naming kumain, uuwi na.
Dala ang isang daan sa pitaka, nagtungo ako sa karenderya ni Ate Lotlot. Papatungo pa lang doon ay ramdam ko na ang presensiya ni Evan sa likod. He's now beside me, catching the way I walked. 'Di niya dala ang mga plastic na hawak niya kanina, maybe he leave it to our store.
BINABASA MO ANG
Just A Promise
RomancePublished: June 3, 2021 Finished: February 20, 2022 (Book Cover isn't mine. It was made by my amazing friend.) Hananiah Arrie, ang babaeng takot umasa sa mga pangakong naririnig kanino man. She feared believing in promises since his father died beca...
