Chapter 4.
Pity.
"What happened?" he was serious when he asked kaya hindi ko alam ang isasagot, ni hindi ko nga siya matingnan nang diretso sa mata.
Pagkatapos ng nangyaring pamamahiya sa akin ni Ma'am Avecilla ay wala nang sumunod sa kaniya na lecturer dahil nga sa urgent meeting ng dean. Ang mga kaklase ko naman ay nahihiya nang lumapit sa akin, ang iba pa ay tinatawanan pa ako. Inaasahan ko na 'yon, kaya nga wala akong masyadong kaibigan 'di bah?
I already expected na mag-e-early lunch lahat ng estudyante sa school at nang tumunog ang bell ay nagtungo muna ako sa cafeteria para librehan si Milani. So far ay gumaan muli ang pakiramdam ko dahil sa kaklase ng kapatid ko.
And after treating Milani some drinks... Evan the great, his usual actions, hinila niya ako papunta sa likod ng school kung saan ako tumakbo no'ng inaway niya ako.
"I'm talking to you, Niah." agad akong natauhan nang magsalita siya ulit, halatang naiinip na.
My lips protruded and sighed heavily. "Pinagsabihan lang ako ng teacher namin kanina dahil sa pagiging tulala... 'yon lang, wala namang nangyaring iba pa," 'di ko alam kung tama bah ang sinabi ko pero bahala na.
"Really?" taas ang isang kilay na paniniguro niya, I nodded my head. "You are not sure in your words you're saying, Niah. I even heard how your classmates laughed at you." nakita ko ang pagtagis ng bagang niya kaya kinabahan ako bigla.
Huminga muli ako nang malalim at umiwas ng tingin. "Huwag na nga natin pag-usapan ang nangyari kanina..." nahihiya man ay sinabi ko iyon, bahagya siyang natigilan.
Bumuntong-hininga siya. "Fine, I'm sorry," he sincerely stated.
Ngumiti ako. "Pero teka nga... sigurado ka bang napadaan ka lang kanina sa classroom namin?" kumunot ang noo niya. "Ang sakto kasi ng timing mo." natatawang dugtong ko.
"The dean asked me to call all the teachers in your building so hindi lang ako napadaan lang, I have my purpose why I went there," seryusong tugon niya. "Anyways, where's your little brother?" pag-iiba niya.
"Nasa bahay... may sakit," tipid na sagot ko.
His facial expression suddenly softened. "So you will be alone going home later?" mahinang tanong niya.
Bahagya akong natawa. "Alam mo? Pansin kong concern na concern ka sa'kin. Ayos lang naman ako kapag mag-isa, sanay na nga 'di bah?" natatawang sabi ko.
Tumalim ang titig niya sa'kin kaya mas lalo akong natawa. "Hay naku, Evan! Ayos lang talaga ako, Mang Carlos always fetch me every afterclass so you don't have to be that concern to me." hindi ko talaga mapigilan ang sariling matawa kaya mas lalo ring tumalim ang titig niya sa akin.
Cute niya rin ah? Sarap kurotin!
Marahan siyang huminga at tama bah 'yung nakita ko? Umirap siya! Para siyang tangang umirap at ngumuso.
"I just don't like seeing you alone," parang may kung ano sa puso ko nang marinig ang mga salitang binitawan ng bibig niya. Nanindig rin ang balahibo ko dahil sa lamig ng simoy ng hangin.
Wirdo akong natawa at mabilis na napaiwas ng tingin. Gusto kong hawakan ang dibdib ko dahil ngayon, ang bilis na ng pagtibok ng puso ko pero hindi ko magawa... baka magtaka siya kung bakit ko hinahawakan ang sariling dibdib.
Pinakiramdaman ko rin ang pisngi ko, shoot! Ang init! Napakainit na parang sasabog na bulkan! Arrie! Kumalma ka nga! May gusto ang kaibigan mo sa lalaking kaharap mo ngayon! Hindi ko mawari... hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko sa sitwasyon na 'to!
BINABASA MO ANG
Just A Promise
RomancePublished: June 3, 2021 Finished: February 20, 2022 (Book Cover isn't mine. It was made by my amazing friend.) Hananiah Arrie, ang babaeng takot umasa sa mga pangakong naririnig kanino man. She feared believing in promises since his father died beca...
