Fourteen

175 11 0
                                    

Chapter 14.

Bouquets.

"Sagutin mo na si Crossley, anak." sinabi ni Mama ang nga katagang iyon isang araw matapos akong magtungo sa eskuwelahan para sa graduation practice namin.

Literal akong nagulat sa mga sinabi niya! One week and a half simula noong manligaw sa akin si Evan and I can't believe that Mama is now saying na sagutin ko na raw si Evan! Aaminin kong napakabilis napaamo ni Evander ang pamilya ko but is it enough to say yes to him? Well, wala namang masama 'di bah? Mama really like him in the first place so why not?

"H-huh? Anong ibig mong sabihin, Mama?" I stammered while putting my sling bag in the sofa.

Bumuntonghininga ang aking ina at tiim pa akong tinitigan. "Hay naku, ang sinasabi ko Arrie ay sagutin mo na ang nag-iisang manliligaw mo. Nasa tamang edad ka naman na kaya 'di na masama kung sasagutin mo na siya ngayon at ngayon na."

'Di ko mapigilang mapangiwi at mapaisip. "Mama naman, hindi mo bah napapansin na masyado pang... maaga?" muntik ko nang hindi maituloy ang huling salita.

Mama sighed again. "Nakikita mo naman na seryuso si Crossley sa'yo kaya ano pa hinihintay mo? Anong 'masyado pang maaga'? Gaya ng sabi ko Arrie, nasa tamang edad na kayong dalawa." napaiwas ako ng tingin.

"Ano kasi... Mama,"

Kumunot ang noo niya. "Oh? Ano 'yon?" mariin kong ipinikit ang mata ko.

"Oo nasa tamang edad na kaming dalawa ni Evan pero alam naman natin na kaming dalawa rin ay may kaniya kaniyang responsibilidad--"

"Anong responsibilidad ang ibig mong sabihin, anak?" napakagat labi ako nang pinutol ako ni Mama sa pagsasalita. I was forced to take a sit on our sofa habang siya ay nakapameywang na sa harapan ko. "Malapit nang matapos ang school year na 'to at ikaw, graduate ka na at magkokolehiyo na. Si Crossley naman ay magpo-fourth year college na sa susunod na pasukan. May summer pa, Arrie kaya may oras pa kayong dalawa ni Crossley para sa isa't-isa kung 'yan ang gusto mong malaman." mahabang paliwanag niya.

I harshly bit my lower lip and gasped for an air. "Maghahanap ako ng trabaho, Mama pagkatapos ng graduation ceremony namin..." that was so hard to tell her straightforwardly kaya inaasahan ko na ang gulat na gulat na reaksyon ni Mama.

Matagal bago siya nakapagsalita.

"Anong magtatrabaho, Arrie?!" napapikit ako nang mariin sa hiyaw na tanong niya. "Sinong nagsabing magtatrabaho ka? Ha?!"

"Kagustohan ko 'to, Mama... gustong gusto kitang tulongan sa bayari--"

"Hindi! Hindi ako papayag, Hananiah Arrie! Hinding hindi ako papayag na magtatrabaho ka! Nangako ako sa Papa mo na hindi ka pagtatrabahoin kung hindi ka pa tapos sa pag-aaral!" napatayo ako nang makitang hawak na ni Mama ang dibdib niya.

"Mama..."

Tinampal niya ang kamay kong akma pa sanang aalalay sa kaniya, napaatras ako nang galit niya akong tinitigan. "Nakukulangan ka bah sa mga ibinibigay ko sa iyo, Arrie?" bigla akong natauhan sa tanong niya. "Hindi bah sapat ang perang nakukoha ko sa pagtitinda sa palengke para lang maibigay ko sa inyong dalawa ng kapatid mo?" I gulped when I saw a pure pain in my mother's eyes.

"Hindi naman sa ganoon, Mama..." pagtanggi ko sa mga paratang niya.

Suminghap siya. "Kung gano'n, bakit ka maghahanap ng trabaho? Kaya ko pang tustosan ang bayarin rito sa bahay at sa susunod ninyong pasukan ni Harvey, Arrie. Kayang kaya pa ng katawan ko para gawin 'yon." mahina at kalmado na ang boses na aniya.

Just A PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon