Chapter 11.
Date.
Akala ko ay magiging maganda na talaga ang buong araw na ito dahil sa simula pa lang ay maganda na talaga ang sumalubong sa akin... pero bakit naman sumabay ang hindi magandang balita sa amin?
Si Mama. Dinala siya sa hospital dahil nahimatay sa sobrang pagod sa pagbubuhat at pagtitinda. That thought made my jaw clenched and let my tears fall into my cheeks. Hindi ko na alam kung paano tatanggapin ang nangyari sa sarili kong ina. I also can't stop myself but to blame Kuya Russell on what happened.
'Di ko man nakikita ang sariling ekspresyon ng mukha, alam kong hindi na ito maipinta kanina pa. Gusto kong magwala pero tama bah 'yon? Dapat ko pa ngang ikalma ang sarili para sa kapatid ko. Pinili ko nalang na maiyak at humagulhol sa inuupoan.
"Ate, kumalma ka please..." narinig kong saad ni Harvey na nasa backseat ng kotse ni Evan.
"P-paano ako kakalma, Harvey kung malalaman mong nasa hospital si Mama? Huh? Paano ako k-kakalma?" humihikbing tanong ko habang tinatakpan ang mukha gamit ang dalawang palad.
I heard my little brother let out a heavy sigh. "Hindi pa naman natin alam kung... kritikal bah si Mama. Huwag ka nang umiyak 'dyan, please." Harvey's voice were begging.
Marahas akong huminga, pinipigilan ang galit pero hindi ko talaga mapigilan. "Pwede bang tumahimik ka nalang? Nag-aalala ako kay Mama, Harvey! At alam mong mawawala ako sa sarili kapag gano'n! Tumahimik ka nalang, nakikiusap ako--"
"Ako rin naman, Ate ah?! Nag-aalala din ako kay Mama! Sa tingin mo ikaw lang ang nag-aalala sa ating dalawa?! Pareho lang tayo!" umatras bigla ang dila ko nang tumaas na ang boses ni Harvey sa pagsasalita. Nanginginig ang mata kong niyuko ang ulo. "Kaya nga pinapakalma kita para patatagin 'yang sarili mo! Nag-aalala ka nga, inuuna mo naman ang galit mo." natamaan ako sa huling sinabi niya at biglang nanghina.
Mariin akong lumunok nang maraming beses habang patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko. I stared at my hands that until now, it's trembling.
Tama si Harvey... nag-aalala nga ako pero hinayaan ko namang sakupin ang utak ko sa galit.
"Hey, huwag kayong mag-away... how will you face Tita Blanca if the two of you aren't in good terms?" muli akong natamaan sa pagsabat ni Navi. "Arrie, please... you need to calm down like what Anthony just said. You need to be tough for yourself and for him." maingat na dugtong niya.
Sa kaunting hiya na naramdaman ay hindi ko na magawang tingnan silang dalawa sa backseat. Kahit na ganoon ay patuloy pa rin ako sa paghikbi pero minuto ang lumilipas ay kumakalma na nang tuluyan ang sarili ko.
Minutes passed and Navi spoke again.
"Also you, Anthony. Kailangan mo ring kalmahin ang sarili mo, your sister needs you as well so bago pa tayo makarating sa hospital ay dapat na kayong magkabati. Naiintindihan n'yo bah iyon?" Navi really has the point, tumango ang sinaad niya at piniling tumahimik na.
I glanced at Evan who's just seriously driving and staring infront. Alam kong naririnig niya kami kaya alam kong pinili niya nalang na tumahimik at pagtuonan ng pansin ang pagmamaneho. Makikita mo sa mukha niya ang pag-aalala ngunit seryuso nga lang.
Huminga ako nang malalim saka bahagyang nilingon sina Harvey at Navi na gaya ko, tahimik rin.
My brother was facing in the window while Navi was looking at me, smiling. I couldn't smile back to her kaya bumalik ako sa posisyon kung saan ako kanina at muling huminga nang malalim.
BINABASA MO ANG
Just A Promise
Storie d'amorePublished: June 3, 2021 Finished: February 20, 2022 (Book Cover isn't mine. It was made by my amazing friend.) Hananiah Arrie, ang babaeng takot umasa sa mga pangakong naririnig kanino man. She feared believing in promises since his father died beca...