Thirty- Four

205 9 0
                                    

Chapter 34.

Mom.

"I can't sleep..." I whispered to him while letting him caressed my hair. Nakahiga ang ulo ko sa braso niya at hindi ko alam kung paano naging ganito ang posisyon namin. He heaved a sigh and hugged me more tightly.

Kanina pa ako tumigil sa pag-iyak pero kapag naaalala ko ang mga sinabi ng doktor sa'kin ay hindi ako mapakali. For now, 'di ko pa alam kung nasaan si Harvey dahil hindi naman sinasabi ni Evan. He just wants me to rest and have a peace in mind. Nakatulong sa damdamin ko ang pagtabi niya sa'kin sa pagtulog but still... bigla akong nagkaroon ng takot sa pagtulog.

"Sleep, Niah... you need to rest--"

"Hindi nga ako makatulog." puna ko sa kaniya.

Bumuntonghininga siya ulit at iniba ang posisyon. Mas lalo niya akong niyakap dahilan para mapadikit ang mukha ko sa dibdib niya. My lips protruded and tried to breathe lightly to make myself at ease.

"Don't think too much about it, we'll do anything para gumaling ka. Keep that in mind," malumanay na aniya at inusog pa ang sarili sa katawan ko.

My lips trembled and nervousness filled me again. "P-paano kung kagaya ako ni Mama? Paano kung dahil rin sa gamot m-mama--"

He immediately cut me off. "Shhh... just sleep, Niah. Everything is going to be fine. You just need to be tough and think positively that you're gonna fight it. Huwag kang masyadong mag-isip ng negatibo, mas lalong nakakasama 'yon. Just trust yourself." saad niya.

Huminga ako nang malalim at nawalan ng imik. Ganoon rin siya kaya natahimik kaming dalawa habang pinakikinggan ang hangin na hatid ng airconditioner ng kwarto. Marahang tinapik ni Evan ang beywang ko so I looked up to his face to see his expression.

"Salamat..." naramdaman ko ang pagkatigil ng katawan niya pagkarinig sa sinabi ko.

Tinitigan niya ako. "For what?" nagtatakang tanong niya.

I blinked twice and chose to look at his chest. "Ang dami mong nagawang mabuti sa amin ni Harvey... kahit noong buhay pa si Mama, inalagaan mo kaming tatlo." 'di ko alam pero dire-diretso kong sinabi iyon sa kaniya.

Hindi siya nagsalita kaya kinuha ko na ang oportunidad na magsabi ng totoong nararamdaman ko. I let out a small smile in my lips and sighed deeply. Natigil siya sa paghaplos sa buhok ko, mukhang gusto ring marinig ang mga gusto kong sasabihin.

"Alam mo bah? Noong una nating pagkikita pagkatapos ng maraming taon, akala ko ay pahihirapan mo 'ko..." bulong ko. "Gusto ko pa ngang pilitin si Ma'am Dani na huwag muna siyang mag retire para hindi ka maging boss ko but I then realized that I was so selfish to think about those things. Ako na nga ang nakipaghiwalay sa'yo noon... ako pa ang may ganang mag-isip ng masasama sa'yo." I licked my lips to make it wet.

He stayed silent but his hand is still caressing my waist. Naramdaman ko ang maingat na paggalaw niya.

"After the night I ended our relationship... hinanap kita," I said honestly and that made his breathe hitched. Napaangat ang tingin ko at sa gulat ay nakita kong nanginginig ang balikat niya.

Umiiyak siya.

Tipid akong ngumiti saka binalik ang tingin sa dibdib niya. Parang may sariling utak ang kamay ko dahil hinayaan ko itong hawakan ang kaniyang dibdib. Ilang beses akong huminga nang malalim para ihanda ang sarili sa susunod kong sasabihin.

"I tried to find you to the place where you made me a woman pero... nagulat ako nang madatnan na wala nang tao doon..." humina ang boses ko at mas naging depina ang paghikbi niya.

Just A PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon