Fifteen

178 13 0
                                    

Chapter 15.

Aasa.

Dalawang araw ang lumipas matapos ang graduation ko ay nakahanap ako ng trabaho sa isang café. Actually, my boyfriend helped me to apply dahil family friend nila ang may-ari ng establishment but of course, hindi nga lang namin sinabi na may relasyon kaming dalawa.

Evan is still gonna tell his parents about me. Alam na ni Lolo Aaron na kasintahan ko na ang alaga niya, he was so happy for us na kulang nalang ay maghanda siya ng maraming pagkain na animo't may fiesta. Everytime I think about it, the more it makes my lips formed into a smile. Masayang masaya ako para sa aming dalawa ni Evan at pati na rin siya, he is also happy about us.

Ngayon, kasalukuyan akong nagse serve sa mga panibagong customer na pumasok sa café. I greeted them while handling them the menu. Saglit akong tiningnan no'ng lalaki at kung tama itong napapansin ko, paulit ulit niya akong tinitingnan. I'm wearing a simple uniform, uniporme na requirement sa pagiging waitress. Nakasuot rin ako ng brown cap and also a black apron. Maybe the customer saw something in my face... teka, mamaya ko nalang titingnan.

"Grabe, Arrie! Simula noong maging waitress ka rito sa café ni Ma'am Sanya, marami na ang bumibisitang customers!" agad napantig ang aking tenga sa sinaad ni Sheena, my co-waitress.

I just laughed lightly on her statement.

Hindi ko alam kung totoo bah 'yon, ikalimang araw ko pa lang rito at gaya ng sabi niya ay napapansin ko rin ang pagdami ng mga tauhan na pumupunta bawat araw para bumili ng kape o magpahinga man lang. Sheena must be thinking that I am a lucky charm here?

I don't think so. Apat kaming waitress rito at tatlo naman ang nasa kitchen area para sa mga cake na ibebake. Naalala ko pa noong unang araw ko rito, all of them are very friendly and nice to be with.

Ako nga lang 'yung pinakabata sa lahat.

"Table four, narito na ang order nila." Ate Brianna informed after putting the tray in the counter.

Kinuha ko 'yon at nagtungo na sa lamesa kung saan nandoon ang nag order. Dahan-dahan kong inilagay ang plato ng cake at tasa ng kape. I thanked them and immediately turned around para bumalik sa counter. Pumasok ako at tumabi kay Ate Sheena.

She's busy counting the sales and the money. Cashier siya kaya literal na iyon ang ginagawa niya. Nang mapansin ako ay mabilis niya akong kinausap.

"'Yung sumusundo sa iyo na matangkad na lalaki tapos sobrang gwapo, boyfriend mo bah 'yon, Arrie?" muntik na akong mawalan ng balanse sa tanong niya. She noticed my reaction because she laughed. "Uy... so boyfriend mo nga siya?"

My lips protruded. "Ate Sheena... atin atin lang 'to, ah?" she almost screamed but thankfully, she managed not to.

Naipikit ko nang mariin ang mata ko nang pinalo niya ako bigla. "Sana all! Ako nga, bente tres na ang edad! Wala pa ring nabibingwit! Eh wala rin naman kasing nagpapabingwit kaya ayon! Hindi na ako nagbalak, nakakapagod kaya maghabol!" natawa ako sa sinabi niya. "Pero ang swerte mo ha? Ang gwapo no'ng jowa mo, 'di ko alam kung nakita ko na bah siya sa mga magazine tungkol sa mga business pero feeling ko, pamilyar siya sa'kin!" I blinked twice.

Hindi rin naman na kasi kataka-taka na pamilyar sa mata niya ang maamong pagmumukha ni Evan but my boyfriend chose not to introduce his self yet. Pagka graduate niya nalang raw siya magpapakilala.

Bumuntonghininga nalang ako at piniling hindi na magsalita. Ate Sheena changed our topic, tungkol 'yon sa sales ng café sa nagdaang buwan. So far, while listening to her, naaaliw ako at nagkakaroon ng interes. In her discussion, I just listened until another customer came in.

Just A PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon