Chapter 17.
Hijo.
"Kamusta ang Mama ko, Doc?" sinalubong ko kaagad ang doktor na lumabas galing sa isang kwarto kung saan naroon ang ina ko. "Ano ho bang nangyayari sa kaniya?" nanghihina na talagang ani ko nang makitang seryuso akong pinagmamasdan no'ng doktor.
Naramdaman ko naman ang presensiya ni Evan sa likod, hinahagod ako. I saw Harvey stood up from the benches, ganoon din ang ginawa ni Kuya Russell. All of us are now waiting for the doctor's respond. Siya pa rin ang doktor na nag-asikaso kay Mama noong nahimatay ito sa palengke dahil sa pagod. But what I feel right now is... hindi ko alam kung dahil na naman bah pagod si Mama.
Evan told me earlier na tinawagan siya ni Harvey. Bigla raw nag-iba ang paghinga ni Mama matapos itong umasikaso ng mamimili kanina sa palengke, ang inaalala ko ay baka may deperensiya si Mama sa puso o kung ano pa man na pwedeng maging konektado sa puso... that thought sent shivers down to my spine.
Hindi ko lubosang maisip na baka ganoon nga ang sakit ni Mama.
The doctor infront of us sighed very deeply, sinalubong niya ang aking titig bago sinagot ang tanong kani-kanina lang. "I am very sorry to say this pero base sa nakikita naming obserbasyon sa Mama ninyo ay nagka heart attack siya," nanginig ang tuhod ko sa narinig.
Nagpatuloy siya sa pagsasalita.
"She collapsed one month ago but we realized that we didn't check her heart condition, nahilo siya noon dahil hindi kinaya ng puso niya ang pagod na naramdaman niya," parang libu-libong punyal ang tumatarak sa aking dibdib habang pinapakinggan ang sinasabi ng doktor.
Huminga muna siya nang malalim. "And now, shortness of breathe naman ang nagpapakitang sintomas na masasabi na talaga naming may sakit siya sa puso. Your mother has a heart disease, Miss Fuentes at kung ipagpapatuloy niya ang pagtatrabaho ay aasahan na natin na araw-araw siyang makakaramdam ng sakit sa dibdib at iba pang karamdaman na pwede niyang maramdaman." tumakaa ang luhang nagpipigil sa mata ko.
"A-Ate..." my little brother called me.
I wiped my tears and faced the doctor. "M-may magagawa ho bah kayo para sa kondisyon ni Mama, Doc?" humihikbing tanong ko.
"For now, I can give her some antibiotics to lessen the pain in her chest but I'm more recommending that she should stay here in the hospital so that I can monitor her all the time," mariin akong napalunok.
Wala akong perang pambayad...
"Mahirap na kung palagi kayong sumusugod sa hospital kung inaatake siya. I already handled many heart disease cases for years, Miss Fuentes. You can trust me so just think wisely for your mother's condition." suminghap ako ng hangin at mas lalong naiyak.
Para sa kabutihan ni Mama ang sinasabi ng doktor ngayon kaya dapat kong sundin ang sinabi niya.
Ang problema lang kasi... hindi sapat ang perang nakukuha ko sa pagiging waitress sa café kung ibabayad ko ito pareho sa bills ni Mama rito sa hospital at sa tuition ni Harvey at pati na rin sa akin.
Think wisely, Arrie...
"Kung hahayaan kong palalabasin si Mrs. Fuentes sa hospital, mas lalong lalala ang karamdaman niya which can lead her to heart surgery," biglang tumigil ang paghinga ko sa narinig at hindi na tuluyang nakapagsalita. "I will wait for your decision two hours from now, Miss Fuentes. Magra rounds muna ako." the doctor tapped my shoulder before leaving us.
Pinapasok naman kami noong nurse sa room ni Mama pero pinili kong manatili muna rito sa labas. I let Kuya Russell and Harvey went in to the room, nagpaiwan naman si Evan sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Just A Promise
RomancePublished: June 3, 2021 Finished: February 20, 2022 (Book Cover isn't mine. It was made by my amazing friend.) Hananiah Arrie, ang babaeng takot umasa sa mga pangakong naririnig kanino man. She feared believing in promises since his father died beca...
