Chapter 25.
Pinagsisihan.
Sa sumunod na mga araw hanggang sa lumipas ang tatlong linggo ay wala man lang nagbago sa pagitan namin ni Evan. Like his usual attitude since he came back, malamig at seryuso ang tungo niya sa'kin. It's not a problem right? 'Di na kami nagpapansinan simula noong sinabi niyang nasa puso niya pa ako.
Wala naman atang problema na civil nalang kaming dalawa sa ngayon. He is my boss afterall and I am his secretary. Sa mundong ginagalawan namin ay dapat maging propesyunal kami sa isa't-isa.
I let out a large breathe and get the papers from the accounting department, pipirmahan pa ito ni Evan for approval.
"Good afternoon, Sir. Uh... the head of accounting department is asking for your signature for these documents. Bukas po ang due lahat ng 'yan, Sir... so I am suggesting na unahin--" he cut me off.
"Just put it there, I will sign that after reading this." malamig niyang ani na ikinaawang ng bibig ko.
He looked frustrated while reading kaya siguro ganoon ang pagkakasabi niya. I sighed heavily and followed his order. Matapos ilagay sa malapit na cabinet ang mga papeles ay pumosisyon na naman ako sa harapan niya. His eyes lifted at me. Nakataas ang isang kilay niya, nagtataka kung ano ang ginagawa ko.
Maliit akong ngumiti. "Uhm... I can see that you're stress, do you want to have some drink? Tea? Coffee? Juice? What do you want, Sir?" kumunot ang noo niya at sinandal ang likod sa swivel chair.
The side of his lip rose up and I suddenly felt uneasy because of that.
"How about coffee Hananiah? Is it available?" nanigas ako sa kinatatayuan nang marinig ang sagot niya. He looked serious when he asked.
Naalala niya pa 'yon?
I blinked twice. "Uh. Sir wala pong ganoong kape sa pantry natin so--" tumikhim siya dahilan para maputol na naman ako sa pagsasalita.
"I was just asking," pambabara niya na agad kong ikinainis. Ngumisi siya at umirap. He get again a paper from his desk and read it. "Still affected with my words huh?" he asked teasingly making my cheeks burned red.
Bumaba ang tingin ko sa ginagawa niya saka tahimik siyang tinalikuran. My knees was almost trembling as I sat down in my chair. Maraming beses akong kumurapkurap habang paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko ang mga sinabi niya tungkol sa kape. I glanced at his table but he's too focus on what he is doing.
Marahan kong ipinilig ang aking ulo 'tsaka ipinagpatuloy ang pagtatrabaho. So far ay walang nag-imbita ng meeting sa ngayon kaya buong araw akong nandito sa office. Kahit na walang meetings ay may mga papeles naman na dapat kong icheck bago ibigay kay Evander.
Alas dos nang makaramdam ako ng uhaw. Napagpasyahan kong lumabas muna para magtungo sa pantry. 'Di na ako nagpaalam dahil nauuhaw na talaga ako.
Ubos na ang tubig sa tumbler ko so I really need to go off to the pantry. May dispencer doon kaya doon ako kukuha ng tubig. Bago pa ako makalabas ng office ay nagsalita bigla ang lalaking nakaupo sa upuan niya.
"Get these papers and send it to the HR, they need these as soon as possible." natigilan nga ako sa pagbukas ng pinto at napalingon sa kaniya.
My jaw dropped when I saw a tons of papers prepared in his desk! Dadalhin ko 'yon?! Sa HR na nasa second floor pa! Pilit kong hindi ipagsalubong ang dalawang kilay habang naglalakad patungo sa mga papel. Sasamaan ko na sana ng tingin si Evan nang may panibagong papeles na naman siyang kinuha at sinimulan nang gamitin ang laptop niya. My jaw clenched and rolled my eyes.
BINABASA MO ANG
Just A Promise
Storie d'amorePublished: June 3, 2021 Finished: February 20, 2022 (Book Cover isn't mine. It was made by my amazing friend.) Hananiah Arrie, ang babaeng takot umasa sa mga pangakong naririnig kanino man. She feared believing in promises since his father died beca...
