Chapter 3.
Thank You.
"Nasa'n na keychain ko?" nakangiting tanong ko sa kaniya nang makalabas kami ng mall at papunta na ng parking lot, medyo malayo-layo pa ang kotse niya kaya gusto ko munang sayangin ang oras na kausapin siya.
Itinaas niya ang nakapamula niyang kamay saka ipinakita sa akin ang keychain. "It seems so special to you," komento niya sabay abot sa akin nung keycahain.
Mas lumapad ang ngiti ko.
"Ah... Oo, bigay kasi sa'kin ito ng Papa ko." tugon ko.
Tiningnan niya ako. "Where is he now?" natigilan ako bigla sa tanong niya at nagdalawang-isip kung sasagutin ko bah o hindi.
Huminga ako nang malalim at malungkot na ngumiti. "He's now peacefully sleeping in heaven," siya naman ngayon ang natigilan. I even saw how his adam's apple moved when he gulped.
"Oh... I'm sorry about that," mahinang wika niya.
"Naku! Ayos lang, matagal na kasing patay si Papa kaya nasanay na ako... he died 5 years ago because of a car accident." saad ko.
Katahimikan ang bumalot sa pagitan naming dalawa, una na sana akong maglalakad pero 'di niya ako hinayaan dahil mabilis niyang nahawakan ang braso ko at ibinalik ako sa puwesto kung saan ako kanina. Ngumuso ako at may naisip.
"So Evander pala ang pangalan mo?" hindi siya sumagot. "Pwede kitang tawaging 'Evan' kung ganoon?" masiglang tanong ko, nanatili lang siyang tahimik at bahagya pa akong sinulyapan.
Ano bah 'yan, para naman akong tanga rito.
Humingos ako at patagong napairap. "Did you know? Ikaw lang unang tumawag sa akin ng 'Niah'? Ang Mama at kapatid ko kasi, Arrie ang tawag sa akin-- pati na rin ang ilan sa mga kaibigan ko." share mo lang, Arrie? Eh parang naging pipi naman 'tong kinakausap mo ngayon.
Tamad akong napabuntong-hininga at umirap na naman.
Hanggang sa makarating kami sa kotse niya ay wala pa rin siyang imik kaya walang imik ko ring sinuotan ang sarili ng seatbelt. My lips were still pouting as I leaned my back on my seat. Pinagkrus ko ang dalawa kong braso matapos kong ibulsa ang keychain. May 30 minutes pa ako bago magsimula ang klase ko sa afternoon period.
Maayos naman ang lunch ko kasabay si Evan at busog na busog pa nga ako! At ngayon ko lang napansin na kaleweteng tao pala siya (left handed). Napapansin ko rin kanina na sa tuwing susubo siya ng pagkain ay titingnan niya talaga ako.
Aaminin kong napakagwapo niya talaga.
Half-canadian nga 'di bah?
Napakatangos ng ilong niya, malalim pa ang mga mata at kung maliliwanagan man ito ng kahit anong liwanag ay doon mo lang mapapansin na may pagkaberdeng kulay ang mga mata niya.
So ano ngayon kung gwapo siya, Arrie?
Gusto mo na siya kaagad?
"What are you thinking?" muntik na akong mapatalon sa gulat nang sa wakas ay nagsalita na siya.
Dalawang beses akong kumurap. "W-wala naman... malapit na tayo sa school?" tumango lang siya at ibinalik ulit ang tingin sa kalsadang dinadaan ng kaniyang kotse. "Uh... salamat nga pala sa libre ha? Busog na busog talaga ako sa kinain natin." sinserong sabi ko.
Sinulyapan niya ako. "You're welcome, I might do it next time with you and to your little brother." my eyes widened when he said those words.

BINABASA MO ANG
Just A Promise
RomancePublished: June 3, 2021 Finished: February 20, 2022 (Book Cover isn't mine. It was made by my amazing friend.) Hananiah Arrie, ang babaeng takot umasa sa mga pangakong naririnig kanino man. She feared believing in promises since his father died beca...