Chapter 2.
Niah.
Sa mga pelikula o pocketbooks na ang genre ay romance o kung ano pa 'yan, kung magkakabunggoan ang dalawang bida ay magkaka-in-love-an sila sa isa't-isa pero baliktad ata ang sa akin!
Dahil hinding-hindi ako mahuhulog sa isang gunggong na kaharap ko ngayon at nabunggo ko kanina!
Ang panget na nga niya, panget pa ang ugali!
Perfect combination!
"K-kilala mo siya, Arrie?" nagbago ang ekspresyon ko nang marinig ang tanong ni Darlene na gulat na gulat sa naging reaksyon ko nang makita ang gunggong na kaharap namin!
Umismid ako. "Wala akong balak na kilalanin ang gunggong na 'yan kaya hindi ko siya kilala," tamad na tugon ko at marahan naman siyang napasinghap, dahan-dahan niya pang tiningnan ang lalaki.
"Really? 'Gunggong'? Did you just call me 'gunggong'?" sa panget ng boses niya na parang daga ay napairap ako.
Napameywang ako at tinaasan siya ng kilay. "Ay hinde!" umakto pa ako na parang tanga habang nakaturo sa sahig. "Hinde ikaw ang tinawag kong gunggong! Kundi ang sahig! Panget na nga, bobo naman." binulong ko ang mga huling salita para 'di niya marinig.
Mahina akong siniko ni Darlene, natataranta na akong tiningnan. "Arrie... huwag mo siyang tawagin ng ganiyan..." saway niya pero hindi talaga ako nagpatinag.
The ugly man infront of us cleared his throat, mataray ko siyang ginawaran ng tingin. "Oh? Problema mo? Galit ka bah kasi tinawag kitang gunggong? Ha? Magalit ka na, masama naman talaga ang ugali mo 'di bah? Sinusungitan mo pa 'ko kanina! Saan na ang tapang mo ngayon--" natikom ko ang sariling bibig nang bigla siyang humakbang palapit.
Bigla akong nakaramdam ng kaba nang makita ang mata niyang nagpupuyos na sa galit. Kumurap ako nang dalawang beses at napahawak sa dibdib. Ang bilis ng tibok ng puso ko!
"Crossley... Arrie..." tawag pansin sa amin ni Darlene pero wala atang balak itong lalaki na pansinin siya.
Mas lalo akong kinabahan at mahinang napaimpit nang mahigpit niyang hinawakan ang magkabila kong balikat at mabilis na tinulak para mapasandal ang likod ko sa pader. Lahat yata ng laway ko sa bibig ay nailunok ko na dahil sa kaba. Idiniin niya bigla ang pagkakahawak sa kanan kong balikat.
"A-aray!" muntik ko nang maisigaw 'yon sa sakit hanggang sa nangilid na ang luha ko.
"Do you think I enjoyed the way you insulted me, kid? Who do you think are you tripping to?" naipikit ko na ang dalawa kong mata sa takot matitigan ang malalim niyang mga mata na nagpupuyos sa galit.
"Bitawan mo ako--"
"You're so brave to call me names without knowing that you already insulted my fvcking self and now," tumulo na ang luha ko sa pisngi. "I am just starting to fight back, you are already crying like pig." nanindig halos lahat ng balahibo ko sa katawan sa bulong niya.
Sa abot ng makakaya, buong-lakas ko siyang tinulak at pasalamat akong nagtagumpay ako. Lumuluha ang matang tiningnan ko siya, hindi man lang nagbago emosyon ng pagmumukha niya.
Pinahid ko ang luhang tumulo sa pisngi at walang sali-salitang tumakbo nang napakabilis.
Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko bah na ang lahat ng college student ay nasa cafeteria ngayon dahil nakakahiya talaga kung may nakakita man sa nangyari kani-kanina lang.
BINABASA MO ANG
Just A Promise
RomancePublished: June 3, 2021 Finished: February 20, 2022 (Book Cover isn't mine. It was made by my amazing friend.) Hananiah Arrie, ang babaeng takot umasa sa mga pangakong naririnig kanino man. She feared believing in promises since his father died beca...