It's Monday... at malalate na ako! Hindi pwede. Dapat makarating ako before eight or eight mismo. Dahil kung hindi ay siguradong tatalakan na naman ako ng department manager namin.
Napabuntong-hininga na lang ako habang napalinga-linga dahil ang tagal ng jeep na makarating sa kompaniya. Napatingin ako sa relo pero 07:50 a.m. na at ten minutes na lang ang natitirang oras ko para makarating sa desk ko. Dahil alam kong pagtungtong ng eight ay siguradong magra-rounds na si manager at magbubunganga na naman sa mga late.
Nang tuluyang tumigil ang jeep sa harapan ng kompaniya ay agad na akong nagbayad saka bumaba at dali-dali ng pumasok sa loob. Binati pa ako ng guard pero tango na lang ang nasagot ko dahil sa labis na pagmamadali. Hindi na ito ang unang beses na nalate ako at ayaw ko ng maulit pa dahil siguradong uungkatin na naman ng manager ang lahat ng tinatago mong kahinaan.
Nakita kung papasarado na ang pintuan ng elevator dahilan para agad akong tumakbo at pinigilan ang pagsarado nun saka dali-daling pumasok at pinindot ang floor kung saan ako baba. Napahinga na lang ako ng maluwag at napatingin sa oras at 07: 54 a.m. pa lang.
Pero hindi pa rin ako mapakali. Lalo na at parang ang tagal-tagal dumating sa floor ko ang elevator. Panay ang tingin ko sa oras at kamalasang parang mas bumibilis pa ang pagpatak nun pero nagpapasalamat naman ako ng dumating na ako sa floor ko. Agad na akong lumabas at dumeritso sa desk ko at agad na naupo.
"Safe si Leo." Saad ni Karol na kasamahan ko rin dito. Ngumiti naman ako saka inayos ang desk ko.
"Mabuti nga at nakarating ako bago mag-eight." Saad ko kaya natawa naman ito at itinuro ang marketing manager na paparating na kaya kaniya-kaniya naman kaming arte na abalang-abala na sa mga ginagawa. Baka mamaya eh putakan ka na naman na oras ng trabaho pero hindi nagtatrabaho.
Sinimulan ko ng gawin ang trabaho ko. Nakatutok na ang paningin ko sa computer na nasa harapan at may hawak na papel sa kaliwanang kamay.
Dumaan ang ilang minuto at nagulat kami ng makita ulit ang Manager na papunta na naman sa gawi namin. Nagkatinginan naman kami ng mga kasamahan ko pero agad ring nagsikibit-balikat.
Pero kamalas-malasang sa desk ko ito tumigil kaya napataas naman ako ng tingin at nakita ang maganda niyang ngiti.
What's happening to this old lady?
"You are now appointed as the new secretary of the CEO, Leo. Congratulations." Saad niya dahilan para magulat ako at mapatayo.
"P-Pardon?" Gulat na tanong ko dahil baka namamali lang ako.
"You are the new secretary of the CEO, Leo. Kaya simula ngayon ay doon ka na magtatrabaho sa office niya sa taas. So... Please prepare your things dahil ngayon at ngayon din ay lilipat ka na." Nakangiting sagot nito. Ang daming bagay na gusto kung ikagulat. Una ay ang ngiti ng manager. Ikalawa ay secretary na ako! Pangatlo ay tataas na rin ang sweldo ko!
"O-Okay." Iyon lang ang nasabi ko at agad na nag-ayos ng mga gamit ko at nilagay iyon sa box. Hinintay talaga ako ng manager kaya binilisan ko na ang kilos ko dahil baka bigla niyang bawiin ang desisyon.
Kaniya-kaniya ng paalam ang mga kasama ko na ikinatawa ko na lang dahil parang saan naman talaga ako pupunta. Lilipat lang naman ako sa taas.
Habang nasa loob ng elevator ay tahimik lang naman kaming dalawa ng manager kaya naisipan ko ng basagin ang katahimikang iyon. "Manager, bakit ako po yung napiling maging secretary ng CEO?" Tanong ko.
"Sa totoo ay hindi ko rin alam. Inutusan lang akong sabihin sa iyo iyon at papuntahin ka kaagad sa Office ng CEO." Sagot niya kaya napatango na lang ako saka natahimik na ulit.
Maya-maya pa ay bumukas na ang elevator at lumabas na kami. Nakasunod lang ako sa manager. Hindi pa ako nakakapunta sa office ng CEO dito sa taas simulan noon. Hindi ko pa din ito nakikita.
Makaraan ang ilang minutong paglalakad ay agad naming narating ang malaki at malapad na pinto. Tumigil si Manager at tumingin sa akin. "Pumasok ka na sa loob. Hanggang dito na lang ako." Saad niya.
"Hindi ka ba papasok?" Tanong ko dahilan para matawa naman ito.
"Wala pang nakakapasok sa loob ng opisina na 'yan maliban sa CEO at sa isa pang secretary nito na dati na talagang nagtatrabaho para sa kaniya. Hindi pwedeng pumasok ang kahit sino diyan hangga't hindi niya inuutos. Babalik na ako sa office ko." Saad nito at umalis na.
Naiwan naman ako at napabuntong-hininga na lang. Balak ko na sanang pipihitin ang door knob pero bumukas na lang bigla ang pinto. Automatic siguro...
Pagpasok ko ay sumarado ito kaya doon natuon ang atensiyon ko dahil sa pagkamangha. Agad namang bumalik ang tingin ko sa harapan at natigilan ng makita ang CEO at may iniinom itong pulang bagay mula sa wine glass na natapon dahilan para dumaloy ito sa gilid ng labi niya. Napalunok naman ako at nabitawan ang hawak kung box at balak na sanang umalis ng marealize kung ano ang likidong iyon.
Dugo... Umiinom siya ng dugo!
He is...
"How gorgeous you are." Nanindig ang balahibo ko nang bigla na lang itong maramdaman mula sa likuran ko at nakayapos na ang kamay sa katawan ko. Nawala siya sa kinauupuan niya at napunta sa likuran ko!
So... He's really a vampire?!
"Ah..."
Agad kung natakpan ang bibig ko ng biglang mapadaing ng pisilin nito ang dibdib ko.
"Even the noise coming from your mouth are pretty gorgeous, eh?" Pabulong na tanong nito sa mismong tenga ko dahilan para mapasinghap ako. Agad ko naman siyang itinulak at sinamaan ng tingin.
"What do you think you're doing, Mister?!" Galit na tanong ko sa kaniya.
"I'm just confirming how sexy and gorgeous you are. I've been staring at you awhile ago and I'm amazed how you took my attention. My eyes are glued at you, Leo." Sagot nito dahilan para matigilan ako ulit at agad na naalala 'yung nararamdaman kung mga titig kanina sa elevator na hindi ko na pinansin dahil sa labis na pagmamadali.
"You..."
"You're more gorgeous in a short distance though. I can see your gorgeous face clearly---"
"Don't call me gorgeous, you fucking vampire! Sasabihin ko 'to sa---"
"No, you can do that, Leo." Nakangiting putol nito sa sasabihin ko at hinaplos ang pisngi ko. "You can do nothing about it. You can't spill something you know to anyone. I can take your precious job in just a snap. You will die poor, Leo. No one will save you." Saad nito dahilan para matahimik ako at napayuko.
Ang trabaho ko ang tanging bumubuhay sa akin ngayon.
Kapag nawala 'yun ay mamamatay nga ako ng walang pera at walang kahit ano.
"Is it your first time seeing someone drinking blood, Leo? Are scared of me?" Tanong nito at itinaas ang mukha ko dahilan para magtama ang paningin naming dalawa.
"A-Are you planning to suck my blood and kill me?" Tanong ko, nilalabanan ang takot na nararamdaman.
"Yeah, I'm planning to suck your sweet-honey-blood. But killing you... I don't planned that yet." Sagot nito at bumaba ang daliri nito papunta sa leeg ko dahilan para mapalunok naman ako.
"A-Are you the CEO? Are you the one that appoints me to be your secretary?" Tanong ko pa ulit.
"My personal secretary, Leo. You are all mine now, gorgeous." Saad nito at bigla na lang inilapit ang mukha at bago pa ako makagalaw ay naangkin na nito ang labi ko dahilan para kumabog ng matindi ang puso ko at manlaki ang mga mata. Tumigil ang mundo ko at tanging siya lang ang nakikita ko.
A-Anong nangyayari...

BINABASA MO ANG
VLADIMIR AND HIS SECRETARY [COMPLETED]
Vampire[VAMPIRE WARRIORS SERIES 01] Leo Guevara is just a normal employee who is working to survive in life. His everyday life is simple... Working from eight in the morning to eight in the evening then going home and take some good rest. Just like that. B...