"Want to go to the mall with me?" Biglang aya nito dahilan para mapatingin naman ako sa kaniya dahil baka nagbibiro lang ito.
"Ayaw mo pa bang umuwi?" Tanong ko sa kaniya.
"I want to go somewhere else. Palagi na lang kasing sa bahay mo ang punta natin kapag natatapos tayo sa trabaho." Napaisip naman ako sandali saka tumango.
"Sige. Pero daan muna tayo ng banko bago tayo pumunta ng mall." Wala na akong extra na pera at dumating na ang sweldo ko ng nakaraan kaya magwi-withdraw na lang ako.
"Okay, no problem. Let's go?" Aya nito kaya tumango naman ako at isinabit na sa balikat ko ang bag ko at saka sumunod sa kaniya.
Lumabas na kami ng opisina at nagulat na lang ako ng hawakan nito ang bewang ko. Napatingin naman ako sa kaniya kaya napatingin na rin siya sa akin. "May problema ba?" Tanong niya.
"Y-Yung kamay mo..." Naiilang na saad ko habang napapatingin sa paligid dahil baka may makakita.
"Why? Anong problema sa kamay ko?" Tanong niya pa ulit.
"N-Nasa bewang ko. Baka ano ang isipin ng iba kapag nakita nila tayo na nasa ganitong posisyon." Sagot ko pero nagulat na lang ako nang lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa bewang ko na para bang at ayaw niya na itong bitiwan.
"Walang makakakita sa atin dito. Don't worry too much and just be with me." Saad nito at bigla na lang ako hinigit at hinalikan at pinindot ang elevator para bumukas. Agad naman akong napakapit sa braso nito nang isandal ako nito sa pader ng elevator. Kusang tinugon ang mga halik nito kahit wala naman iyon sa plano ko.
Nang tuluyang maghiwalay ang labi naming dalawa ay napamulat naman ako at nakita na nakatingin ito sa leeg ko. "Hungry?" Tanong ko sa kaniya kaya napataas naman ang tingin nito sa akin habang ang kamay ay pinaglandas sa leeg ko.
"Yeah... Your neck is seducing me to take a bite." Saad nito kaya natawa naman ako.
"Ang leeg ko pa talaga, ah?"
"Yeah... It so soft and white."
"Then bite my neck already. Baka bumukas ang pinto at may makakita pa sa atin." Saad ko at tumagilid para hindi ito mahirapan.
"Just focus on me, Leo. Don't think about other people." Bulong nito sa tenga ko dahilan para manindig naman ang balahibo ko lalo na nang maramdaman ang halik nito sa leeg ko bago bumaon ang mga pangil nito.
Kahit ilang ulit niya ng ginagawa iyon ay nakakapanibago at nakakamangha pa rin. Sa isip ko kasi ay matinding sakit ang mararamdaman ko pero hindi. Para ka lang talagang kinagat ng langgam kapag bumaon na ang mga pangil niya pero pagkatapos nun ay wala na akong maramdamang sakit.
Nang tuluyan itong matapos ay agad naman nitong hinalikan ang parteng kinagat. Saka ako hinarap at bigla na lang akong hinalikan sa labi. Isang mabilis na halik na bumigla pa sa akin. "I already heal the wounds." Saad nito kaya napatango na lang ako.
Bumukas ang pinto ng elevator at agad naman kaming lumabas. Lumayo talaga ako ng bahagya sa kaniya dahil maraming tao ang madadaanan namin. Baka ano ang isipin nila.
Kahit anong isip ko na huwag silang pansinin ay meron talaga sa akin na hindi mapigilan na isipin ang sasabihin nila. Natatakot ako na mahusgahan kagaya noon. Ayaw ko na ng ganoong pakiramdam.
Nang makalabas na kami sa building ay agad naman naming tinungo ang kotse nito. Wala namang ibang empleyado na nakakakita sa amin at ayos lang naman kahit magkasama kami dahil palagi naman talagang magkasama ang secretary at boss kapag umaalis lalo na kapag may ina-anttendan na mga meetings.
Kagaya ng sinabi ko ay dumaan muna kami ng bangko pero siya ay naiwan sa kotse. Pero agad naman akong natigilan nang makita ang pera na nasa account ko. Ang laki! Napakurap-kurap naman ako at binilang ulit dahil baka namamalik-mata lang ako. Pero hindi talaga. Iyon talaga ang pera na nasa account ko. Agad akong nag-withdraw ng pera saka bumalik sa kotse at natulala pa sandali saka tumingin kay Vladimir. "Ikaw ba ang nag-transfer ng malaking pera sa account ko?" Tanong ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
VLADIMIR AND HIS SECRETARY [COMPLETED]
Vampirgeschichten[VAMPIRE WARRIORS SERIES 01] Leo Guevara is just a normal employee who is working to survive in life. His everyday life is simple... Working from eight in the morning to eight in the evening then going home and take some good rest. Just like that. B...
![VLADIMIR AND HIS SECRETARY [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/282486300-64-k745300.jpg)