Tahimik lang ako ngayon at nakikinig lang sa mga kasama mo na ang iingay dahil madami na ang nainom.
Paano akong mag-iingay eh may isang taong nakatutok lang ang paningin sa akin. Hindi ko man nakikita ko iyon ay ramdam na ramdam ko naman.
Sana kasi ay umuwi na lang ako at tumanggi kanina sa paanyaya nila. Sana ay wala ako dito ngayon. Pero baka magalit naman sila o magtampo kapag hindi ako sumama. At baka isipin ng CEO na iniiwasan ko pa rin siya hanggang ngayon.
Siguradong magiging awkward iyon kapag nagkataon.
Nagtaas naman ako ng tingin matapos bumuntong-hininga pero agad din na napunta ang paningin ko sa CEO na binigyan lang ako ng kaunting ngiti pero nanatili pa rin ang paningin sa akin. Ngumiti rin naman ako pero agad din na nagbaba ng tingin.
Pero ang awkward pa rin nito sa side ko!
Dammit.
Nagsalin naman ako sa baso ng alak at tinungga iyon at bumuntong-hininga saka nagsalin ulit sa baso at tinungga na naman ulit iyon hanggang sa magtuloy-tuloy na. Sobra akong nalunod sa pag-iisip kung paano ako makakaalis sa awkward situation na kinalalagyan ko ngayon. Panay ang pag-iisip ko kung bakit hindi inaalis ng CEO ang paningin sa akin. Bakit hindi siya nagalit kahit na hinalikan ko siya, ako na hamak na employee lang niya. Bakit normal pa rin ang kilos nito kahit na ganoon na ang nangyari. Bakit parang ako lang yung affected sa nangyari. Dahil ako yung pisteng nanghalik? Pero bakit hindi niya kaya ako itinulak nang hinalikan ko siya?
Sa sobrang dami ng iniisip ay hindi ko na lang namalayan na naubos ko na ang isang bote ng soju. Bumuntong-hininga naman ako at kumuha ng panibago para buksan pero may pumigil sa kamay ko dahilan para mapunta naman sa taong nagmamay-ari ng kamay na iyon ang paningin ko.
"Stop drinking. Lasing ka na." Saad ng CEO na siyang pumigil sa akin na magbukas ng panibagong bote.
"Hindi pa ako lasing, Sir Vladimir. I'm very fine." Sagot ko naman at inagaw ang braso ko sa kaniya pero bigla na lang akong nahilo dahilan para mapahawak naman ako sa ulo ko at basta na lang na napahiga sa dibdib niya.
What's happening to me.
"That's really enough." Saad nito kaya napatingin naman ako sa kaniya at nakitang nasa akin pa rin ang paningin niya hanggang ngayon.
"Don't touch me." Singhal ko at tinapik ang kamay niya at tumayo. "Karol let's go home." Anyaya ko sa kaibigan pero makaraan ang ilang minuto ay hindi pa rin ito sumasagot. Tiningnan ko naman siya at nakitang wala na siya ngayon sa kinauupuan niya, maski ang iba naming kasama ay wala na rin. Nagpalinga-
linga pa ako sa paligid para hanapin ang mga kasama kanina pero wala na talaga ang mga ito. Tanging kami na lang ng CEO ang natira dito. "Nasaan na sila?"
"Umuwi na silang lahat. Kanina pa sila nagpaalam pero mukhang malalim ang iniisip mo kaya hindi mo na narinig pa iyon." Si Sir Vladimir ang sumagot sa tanong ko. Nakakabilib na narinig niya pa iyon dahil halos pabulong ko na iyong sinabi na ako lang ang makakarinig.
"Uuwi na ako---" Natigilan ako sa pagsasalita matapos mahilo at bigla na lang umikot ang paningin ko.
Isang bottle lang naman ang nainom ko.
"Let me help you. You already drink three bottles of soju. Hindi mo na kaya pang umuwi ng mag-isa." Narinig kung saad ng CEO dahilan para kumunot naman kaagad ang noo ko.
"Isang bottle lang ang ininom ko..." Unti-unting humina naman ang boses ko at tuluyang naputol ang sasabihin ko ng makita ang tatlong bottle ng soju na nakatayo sa harapan ng mesa kung saan ako kanina nakapuwesto.
What the...
Pero sa natatandaan ko ay isa lang ang nainom ko kanina.
"Mabuti pa kung ihatid na kita lalo na sa lagay mo ngayon. Baka ano pa ang mangyari sa'yo." Bumalik naman ang paningin ko sa CEO pero unti-unti rin iyong bumaba papunta sa posisyon namin. Agad akong napatayo nang makita kung gaano kami kalapit sa isa't-isa pero agad din akong nahilo dahilan para mapapikit na lang ako at natumba pero pagmulat ko ay lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makitang nakahiga na naman ako sa dibdib ng CEO.
BINABASA MO ANG
VLADIMIR AND HIS SECRETARY [COMPLETED]
مصاص دماء[VAMPIRE WARRIORS SERIES 01] Leo Guevara is just a normal employee who is working to survive in life. His everyday life is simple... Working from eight in the morning to eight in the evening then going home and take some good rest. Just like that. B...
![VLADIMIR AND HIS SECRETARY [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/282486300-64-k745300.jpg)