Matapos ang isang mahabang kadiliman ay unti-unti namang nagpakita ang isang maliwanag na daan.
Unti-unti kung iminulat ang mga mata ko at tumama ang paningin ko sa kisame ng isang pamilyar na lugar. Nasa palasyo ako. Bumaba naman ang paningin ko at tumama iyon sa isang taong yakap-yakap ako at ngayon ay umiiyak.
Hindi ko inaakala na mabubuhay pa ako...
Nagising na lamang ako kanina na nasa gubat na at nasa harapan ko ang dalawang bampira na sumugod sa akin sa opisina.
Doon pa lang kanina ay hindi na ako makapaniwala na nakuha ko pang magmulat muli. Siguro dahil bampira na ako kaya nakuha ko pang mabuhay kahit na bugbog na bugbog na ang katawan ko at bali-bali na ang halos karamihan sa mga buto ko.
Klarong-klaro pa sa isipan ko ang mga sinabi ng dalawang bampirang iyon kanina...
"Esmael can't kill us if he sees you still breathing. You need to be dying when he gets here. That's the only way." Saad ng isa sa mga lalaki.
"What do you mean?" Kunot-noong tanong ko rito. Naguguluhan na ako sa mga pinagsasabi nila.
"We are like brothers to Esmael. That's why he didn't killed us back then when we tried to attack the Nux." Sagot ng isa dahilan para matigilan naman ako.
Sila... Sila yung Claus de Jeira na tinutukoy ni Emilia? Brothers? Tinuturing silang kapatid ni Vladimir? Bakit?
"We're like family. That's why we kidnapped you. Because you're the only bait that can make Esmael forget that truth. You'll the only one that can make him kill us."
"Why do you want Vladimir to kill you?" Tanong ko sa mga ito.
"To erase the regret in his heart, Leo." Sumilay ang isang ngiti sa labi nito matapos sumagot. "I'm Tino and he's my brother Markiel. We hate humans... except you. I'm really glad that you love Esmael even he's a vampire. Thank you for staying by his side. But I'm sorry... I have to make you dying. If ever that you will be alive after this and you see Vladimir again please say that we're sorry, okay? Please say to him that it's okay even he forgot us. Because we will never forget him no matter what." Saad nito at bigla na akong sinakal dahilan para magpumiglas naman ako dahil unti-unti na akong nawawalan ng hininga na kakarampot na lang dahil hindi pa ako tuluyang magaling. Pero ilang sandali pa ay nawalan na ng lakas ang katawan ko at unti-unting natigil sa paggalaw at nagiging malabo na ang paningin ko na kinalaunan ay tuluyan ng pumikit.
Akala ko ay hindi na ulit ako didilat pa. Akala ko ay katapusan ko na talaga iyon. Nang mga oras na iyon ay hindi na ako umasa na mabubuhay pa at makakabalik pa ulit kay Vladimir.
Matagal akong binalot ng kadiliman sa isang lugar na hindi ko alam. Tanging kadiliman at ako lamang ang nandoon at magkasama. Pero sa mahabang kadiliman ay may bigla na lang liwanag ang nagpakita. Unti-unti akong lumapit sa liwanag na iyon at dinala ulit ako pabalik sa taong mahal ko.
"Please, wake up already, Leo. I'm begging you..." Pagmamakaawa nito at humigpit ang pagkakayakap sa akin. Ramdam na ramdam ang lungkot at sakit sa boses nito pero umaasa iyon.
Vladi...
"So you really came to save me." Saad ko habang nakatingin sa kaniya.
Alam kung darating siya para iligtas ako. Alam ko iyon at pinaghawakan ko iyon. At hindi nga ako nagkamali. Dumating nga siya at iniligtas ako. Even if it's too late... I appreciate that he came to save me.
Nilingon niya naman kaagad ako at bakas sa mukha nito ang pagkagulat. Nginitian ko naman ito at ipinahid ang luha niya. "I miss you too, Vladi." Usal ko.
Bigla niya naman akong niyakap ng mahigpit kaya hinagod ko naman ang likod nito. Finally, we're together again. "Please don't leave me again." Saad nito at hinarap ako.
BINABASA MO ANG
VLADIMIR AND HIS SECRETARY [COMPLETED]
Vampire[VAMPIRE WARRIORS SERIES 01] Leo Guevara is just a normal employee who is working to survive in life. His everyday life is simple... Working from eight in the morning to eight in the evening then going home and take some good rest. Just like that. B...