Nang magising ako ay agad naman akong bumangon at napangiti nang makitang mahimbing pa rin ang tulog ni Vladimir. "Bakit ang gwapo mo kahit tulog ka, hm?" Tanong ko rito saka dumukwang at hinalikan ito sa gilid ng labi. Iniwan ko na muna siya at dumeritso sa kusina para makapagluto ng umagahan. Mahimbing pa ang tulog niya kaya ayaw ko naman itong gisingin kaagad. Linggo naman ngayon kaya hindi namin kailangan na pumunta sa kompaniya.
Una ko munang niluto ang hotdog at isinunod ang itlog at ham. Saka sinunod na niluto ang sinangag. Normal na breakfast para sa isang masaya at normal ba araw.
Normal, huh?
I'm a vampire and I'm living with a vampire. Pero normal pa rin iyon para sa akin. Nakakatawa lang na isipin na bampira na ako ngayon.
Napunta naman ang paningin ko sa bawang na hiniwa. Hindi totoo ang mga nakikita ko sa movies at mga naririnig ko sa iba na takot ang mga bampira sa bawang. Walang epekto iyon sa akin--sa amin.
Nang tuluyang maluto ang sinangag ay agad ko naman iyong inilagay sa malaking bowl at pinatay na ang apoy. Dinala ko na sa mababang mesa ko yung mga niluto ko saka sunod na naglagay ng tubig sa heater. Naghintay ako ng ilang sandali bago tuluyang kunin iyon at isinalin sa isang mangkok at nilagay ang noodles at ang seasoning. Vladimir likes to eat noodles.
Nang tuluyang matapos sa paghahanda ay doon ko lang binalikan si Vladimir para gisingin. Naabotan ko itong natutulog pa rin.
He said back then that vampires don't sleep like a human but there he is. Sleeping peacefully.
Lumapit naman ako at mahinang tinapik ang pisngi niya. "Wake up, sweetie. Food is ready." Saad ko. Yumakap naman siya sa bewang ko.
"Good morning, sweetie." Namamaos pa ang boses nito. It's more sexy than usual.
"Goodmorning." Tumango naman siya saka ngumiti at tuluyan ng bumangon. Dumeritso pa muna ito sa banyo at ilang sandali ay bumalik na at humalik sa labi ko. "Pumunta na tayo sa hapagkainan. Handa na ang pagkain." Aya ko sa kaniya.
"Sana ginising mo ako. Natulungan sana kita." Saad nito dahilan para mapangiti naman ako at umiling.
"Ayos lang. Simpleng breakfast lang naman ang ginawa ko."
"Simple or not as long as you're the one who made it. Masaya na ako."
"Ang aga-aga ay binobola mo kaagad ako." Natatawang saad ko. Yumakap naman ito mula sa likuran ko at hinalik-halikan ang pisngi ko.
"Totoo ang sinasabi ko, sweetie. Believe me, okay?" Malambing ang boses nito at humigpit pa ang yakap sa akin.
"Okay. Naniniwala na ako." Sagot ko at humarap sa kaniya at dumukwang at hinalikan ito sa labi. "Now, let's eat. Hindi tayo mabubusog kapag ganito lang tayo ng ganito." Natawa naman kami pareho dahil sa sinabi ko.
Pumunta na kami sa mesa at naupo na sa mat na inuupuan sa sahig kapag kakain. Mababa ang mesa na meron ako kaya sa sahig talaga umuupo o uupo ang mga kakain.
Habang kumakain ay nag-uusap naman kami tungkol sa mga bagay-bagay. Pinupuri rin nito ng walang tigil yung mga niluto ko na hindi naman gano'n ka espesyal. Simpleng umagahan lang iyon pero na-appreciate pa rin nito.
"Saan mo gustong pumunta ngayon?" Tanong niya pero nagkibit-balikat lang naman ako."
"Wala akong maisip eh. Ikaw? May gusto ka bang puntahan? Kung meron ay pwede naman kitang samahan." Presenta ko at nagsalin ng tubig sa baso at ibinigay iyon sa kaniya saka nagsalin ulit at ininom naman kaagad iyon.
"Wala rin akong maisip. Siguro ay dito na lang tayo sa bahay. Tutal ay masaya naman kahit dito lang tayo."
"Maglinis na lang tayo ng bahay, Vladi." Suhestiyon ko habang tinititigan ang mukha niya.
BINABASA MO ANG
VLADIMIR AND HIS SECRETARY [COMPLETED]
Vampiri[VAMPIRE WARRIORS SERIES 01] Leo Guevara is just a normal employee who is working to survive in life. His everyday life is simple... Working from eight in the morning to eight in the evening then going home and take some good rest. Just like that. B...
![VLADIMIR AND HIS SECRETARY [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/282486300-64-k745300.jpg)