11

1.1K 57 2
                                        

Napamulat ako dahil sa matinis na tunog ng alarm clock ko. Agad akong napabangon at napatingin sa oras. "Shit! Male-late na ako." Saad ko at dali-daling tumayo at nagsimula ng mag-ayos ng sarili.

Agad akong dumeritso sa banyo para maligo. Mabilis na ligo na lang ang ginawa ko dahil sa pagmamadali. Halos sampung minuto lang ang pananatili ko sa banyo at lumabas at saka nagbihis ng formal attire. Nang makitang maayos na ang mukha ko ay agad ko ng kinuha ang bag ko at agad na bumaba.

Cup noodles at tinapay na lang yung kinain ko. Iyon naman talaga ang palagi kung kinakain tuweng umaga. Palagi akong wala ng oras pa para magluto pa. Pagod na pagod naman ako para gumising ng maaga upang magluto.

Nang matapos na ay agad na akong naghanda para umalis. Sinarado ko pa muna ang pinto at tuluyan bumaba at pumara ng taxi. Hindi naman katagalan ay may dumaan ng taxi kaya agad na akong sumakay. Napatingin naman ako sa relo at may labing limang minuto pa naman ako.

Makaraan ang limang minuto ay nakarating na ako sa harapan ng kompaniya. Agad naman akong nagbayad sa driver saka bumaba na sa taxi at tinungo ang building namin.

Tumango naman ako sa guard ng mapadaan saka nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa marating ang elevator. Napatingin naman ako sa relo ko at nakitang may oras pa ako. Hindi ako male-late. Napataas naman ako ng tingin ng may pumasok sa elevator at agad nakita ang isang lalaki. Base sa porma at kilos nito ay halatang siya ang boss dito sa kompaniya. Hindi ko pa nakikita ang CEO namin kaya hindi ko alam kung ano ang itsura nito. Pero mas pinili ko na lang na magbigay ng respeto sa kaharap. Bahagya naman akong yumuko at pumunta sa gilid ng elevator. Nanatili lang naman akong tahimik at patingin-tingin sa oras. Sa hindi katagalang paghihintay ay bumukas naman ang pinto kaya agad na akong lumabas ng elevator dahil nasa floor na ako kung nasaan ako mismong nagtatrabaho.

"Oh, Leo." Parang gulat na gulat si Karol ng makita ako.

"Bakit mukha kang nakakita ng multo diyan?" Natatawang tanong ko sa kaniya saka naupo sa swivel chair ko at inilagay sa ilalim ng desk ko ang bag.

"Naliligaw ka ba, Leo? Doon ka na naka-assign sa taas. Secretary ka na ng CEO natin. Na-ospital ka lang eh hindi mo na naalala." Natatawang sagot naman nito habang nakatingin sa akin dahilan para mapakunot naman ang noo ko.

Sa taas? Floor ng CEO 'yon, ah? Tss. Impossible naman na maging secretary ako nito na hindi ko man lang alam. Na-ospital? Kailan ako na-ospital. Bakit hindi ko maalala. "Ano ba ang mga pinagsasasabi mo, Karol? Dito ako nagtatrabaho sa desk na nasa tabi lang ng desk mo." Sabi ko naman kaya napakunot naman ang noo niya.

"Totoo ang sinasabi ko, Leo. Secretary ka na ng CEO--"

"Hindi na ngayon. Ibinabalik na siya sa dati niyang posisyon bilang isang marketing specialist." Boses ng Marketing manager dahilan para mapunta naman ang atensiyon namin ni Karol sa kaniya. "This is your things, Leo." Bigay niya kaya agad ko namang kinuha iyon pero nagulat pa sa ngiti nito bago tuluyang magpaalam na aalis.

What's happening to that old lady?

"Anong nangyari? Bakit ka ibinalik dito?" Nagtatakang tanong ni Karol.

Napatingin naman ako sa table at napansin nga na wala na akong gamit doon. Tiningnan ko naman ang loob ng box at nakita ang mga gamit ko na andoon.

Totoo ba na naging secretary ako ng CEO? Tss. Baka pina-prank lang ako ng mga ka-department ko.

"Dahil dito talaga ako nababagay. Hanggang marketing specialist lang talaga ang kaya kung abotin." Sagot ko naman sa tanong ni Karol habang nilalagay sa desk ang mga gamit ko.

"Huwag mo namang sabihin 'yan, kaibigan. Tsaka ayos naman ang marketing specialist ah. Ang problema lang naman talaga ay yung pagod, puyat at sweldo." Nakangiwing saad nito saka napanguso. "Ito pala ang mga gagawin mo ngayong araw, Leo. Muntek ko ng malimutan. Ang dami kung iniisip kaya nalulutang na ako." Bigay niya ng folder na agad ko namang kinuha iyon.

VLADIMIR AND HIS SECRETARY [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon