Nagising ako kinaumagahan dahil sa tunog ng alarm clock ko. Balak ko na sanang aabotin iyon pero hindi ako makagalaw. Napamulat naman ako at napangiwi nang makitang yakap-yakap ako ni Vladimir at sobrang lapit ng mukha nito. Hindi ko naman maiwasang hindi ito titigan.
Maputla ang balat kaya puting-puti siya sa itim niya na polo. May kahabaan ang pilik mata. Makapal na kilay. Matangos na ilong. At pahugis puso na labi. Malaki rin ang adam's apple niya.
"Are you done analyzing my face, Leo?" Tanong nito dahilan para magulat naman ako at mapabalik ang tingin sa mukha niya at nakitang nakatingin na rin ito sa akin. "Good morning." Bati nito at bigla na lang akong hinalikan sa labi dahilan para mapangiwi naman ako saka bumangon.
"Umuwi ka na at magbihis. May trabaho pa tayo mamaya---"
"I will heal you first." Saad niya matapos akong higitin dahilan para mapabalik ako sa kama. "Then I'll go home to changed and pick you up. Para hindi ka na gumastos ng pamasahe." Dagdag niya pa.
"Pero baka anong isipin ng mga katrabaho ko kapag sabay tayong pumunta doon at sayo pa ako sumakay. Baka isipin nila na pinapaboran mo 'yung bago mong secretary." Saad ko pero nagkibit-balikat lang siya.
"I don't care what will they think. I done nothing wrong. At kung paboran man kita ay akin na 'yun. Wala na sila doon." Sagot niya at hinaplos ang leeg ko. Kahit kaunti ay hindi man lang ako nakaramdam ng sakit. "What a gorgeous secretary." Saad nito para samaan ko naman siya ng tingin.
"Why do you keep calling me gorgeous?"
"Because you are gorgeous to me. And I'm not joking or fooling around." Saad niya dahilan para maibaba ko ang paningin ko.
"Everyone who calls me that wants me on their bed naked." Mahinang sambit ko ng maalala ang kabataan ko.
Dahil palaboy-laboy lang sa kalsada at walang maayos na tirahan ay nakasalamuha ko ang iba't-ibang klase ng tao. Merong mga matatandang sakay ng mayayamang sasakyan at tumitigil sa harapan ko. Kunwari bibili sa akin at pupurihin ang mukha ko pero gusto lang pala nila akong bilhin at at utuin para sumama sa kanila. Marami akong nakakilala na ganoon kahit sa paaralan. Mula sa kaklase hanggang sa mga teachers at professors ko. Merong isang beses na akala ko hindi na ako makakaalis dahil ikinulong ako nito sa kabinet. Pero mabuti na lang at nakatakas pa ako. Isa din 'yun sa dahilan kaya ayaw kung maging mahirap. Ayaw ko ng bumalik pa sa buhay na ganun. Masyadong nakakatakot. Ginawa ko lahat para maging lalaking-lalaki at hindi na tawaging maganda. Mula sa kilos, pananalita, tindig at kung ano-ano pang mga bagay. Naninindig ang balahibo ko at parang masusuka kapag naririnig akong tinatawag na maganda.
Pero bakit iba 'yung nararamdaman ko kapag nanggaling sa kaniya?
"But I don't want that. I called you gorgeous because you really are. I'm not that guy who will lie just to take advantage to someone." Saad nito at niyakap na lang ako bigla. Nagulat ako pero agad ring natahimik at hinayaan siya.
Para akong naging ligtas bigla...
"Thanks." Kusang kumawala sa bibig ko ang salitang 'yun saka ngumiti sa kaniya. "You must go now." Saad ko saka tumayo na.
Tumayo naman din ito at hinaplos ang pisngi ko. "Are you okay? You can take a rest for today if you're felling unwell." Saad niya kaya natawa naman ako saka umiling.
"Tsh. I'm fine. Umuwi ka na at magbihis kung gusto mo pa akong sunduin. Pareho tayong male-late mamaya kapag hindi ka pa umalis." Saad ko kaya tumango naman ito.
"Just call my name if you want me to comeback fast, okay? " Tumango naman ako. Hinalikan pa ako nito sa labi bago tuluyang umalis at naglaho sa paningin ko. Napakurap-kurap naman ako at napataas ang kamay at dinama ang labi ko.
BINABASA MO ANG
VLADIMIR AND HIS SECRETARY [COMPLETED]
Vampire[VAMPIRE WARRIORS SERIES 01] Leo Guevara is just a normal employee who is working to survive in life. His everyday life is simple... Working from eight in the morning to eight in the evening then going home and take some good rest. Just like that. B...
![VLADIMIR AND HIS SECRETARY [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/282486300-64-k745300.jpg)