06

1.7K 70 4
                                        

"Saan mas gusto mo?" Tanong nito habang pinapapili ako sa mga iba't-ibang cup noddles.

Dumaan muna kami sa grocery store bago umuwi ng bahay dahil wala ng masyadong makakain doon. Sinabi niya na siya magbabayad kaya hinayaan ko lang siyang maglagay sa cart.

"Mas gusto ko 'tong maanghang kapag sa walang sabaw ang usapan. Pero itong seafood flavor naman kung may sabaw." Turo ko sa mga nagustuhan ko. Agad naman itong kumuha at naglagay ng naglagay sa cart.

"Masyadong... madami na 'yan, Vladimir." Mahinang bulong ko matapos lumapit sa kaniya ng bahagya.

"It's fine. Dalawa naman tayo ang kakain ng mga 'yan eh. Lalo na at mukhang gusto ko na ang mga pagkain niyo." Nakangiting saad nito at naglagay pa mga cup noodles bago kami tuluyang umalis doon at namili ng mga iba pang mga kailangan.

Nang madaan sa snack zone ay agad naman akong kumuha ng nga gusto ko. "What do you prefer. This choco flakes or this cookies?" Tanong niya habang hawak-hawak ang dalawang box. Agad ko namang ibinalik iyon sa kinunan niya.

"Not that foods. It doesn't taste good." Mahinang saad ko.

"Really? But in the picture it looks good though..."

Napangiwi na lang ako dahil nabiktima rin ako ng pagkaing 'yun noon.

"I swear, it really taste nasty." Saad ko kaya napatango-tango naman ako.

"Ituro mo na lang sa akin ang mga gusto mo at ako na ang kukuha." Saad niya kaya tumango naman ako at pinagtuturo ang mga gusto ko pero agad na nanlaki ang mga mata dahil sa dami ng nilagay nito sa cart. Pati ang ibang namimili ay napapatingin din sa kaniya.

May dalawang cart na kaming nakatambay sa harap ng counter na puno na ng pagkain. Pangatlo na 'to ngayon.

"Tama na muna 'to. Sobrang dami na talaga." Saad ko at hinigit na siya papunta sa counter habang siya naman ang may dala sa cart.

Natagalan kami sa counter dahil sa dami ng pinamili namin. Pagkatapos sumahin lahat ay si Vladimir nga ang nagbayad. Sobrang laki ng bill pero parang kagaya lang ng dati ay wala lang naman 'yun sa kaniya.

Kahit papaano ay nairaos naman namin na isakay lahat ng carton at plastic bag sa kotse niya. Ako na ang nagmaneho dahil kumakain na ito ng mani. Oo, mani. Maanghang na mani.

Kahit papaano ay marunong naman akong magdrive. Natuto ako bago ko makuha ang driver's license ko na ipinagpapasalamat ko.

"Leo, ano 'yang binibenta ng lalaki?" Tanong nito kaya binagalan ko naman ang pagpapatakbo ng sasakyan at napatingin sa itinuro niya.

"Oh, sorbetes? Ice cream." Saad ko kaya napatango naman ito saka napatingin sa akin.

"I want to try that sorbetes, Leo." Tumango naman ako at agad na iminaneho papunta sa gilid ng daan ang kotse at binuksan ang bintana.

"Manong pabili nga po dalawang tig bente." Saad ko.

Agad namang nagscoop ang lalaki. Iba't-ibang flavors bawat scoop. Maya-maya ay ibinigay na nito sa amin ang sorbetes.

"Here's my pay." Bigay ni Vladimir ng card niya sa matanda na napakamot na lang ng ulo habang nakatingin sa card niya.

"Ako na. Hindi tumatanggap ng card si Manong." Saad ko at kumuha ng pera sa bulsa at ibinigay iyon sa lalaki. "Do you like it?" Tanong ko.

"Yeah. It's sweet and cold." Namamanghang saad niya kaya natawa na lang ako saka agad ng pinausad ang sasakyan.

Hinayaan ko lang siyang kumain dahil mukhang enjoy na enjoy niya iyon. Halos ilang minuto pa ang nakalipas at tuluyan na kaming nakarating sa bahay.

VLADIMIR AND HIS SECRETARY [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon