29

749 31 2
                                        

"Goodbye." Paalam ng ka-meeting ko nang tuluyan na namin matapos ang pinag-uusapan namin.

Finally, natapos na rin.

Napatingin naman ako sa oras at five minutes before one na pala. "Sana kumain na si Leo." Usal ko at kinuha na ang cellphone na nasa table pero bigla ko na lang nasagi ang baso ng tubig dahilan para lumigid ito at malaglag sa sahig at nabasag sa maraming piraso.

Napatitig naman ako roon nang ilang sandali na ngayon ay nililinis na ng waitress.

"Vladi."

"Napalingon naman ako sa pintuan at nakita si Emilia na nagmamadali papunta sa akin."

"What are you doing here? Something happened to the Nux again?" Tanong ko na tanging kami lang ang makakarinig habang naglalakad palabas ng restaurant.

"Claus de Jeira Family abducted Leo."

Agad akong natigilan at nilingon ito pero seryuso lang ito.

"But I thought they're in underground jail already?" Tanong ko at nagmamadaling pumunta sa kotse ko.

"Nakatakas sila. They killed all the guards there. And now they take away Leo."

"Bakit ngayon mo lang sinabi 'to?"

"Dahil ngayon ko lang din nalaman. Kumalma ka nga, Vladimir. Ang importante ngayon ay mailigtas natin si Leo bago pa siya mapa---"

"Hindi siya mamamatay, Emilia." Naiinis na saad ko at mas lalong binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan.

"Every single one of Claus de Jeira Family has a strong power and ability, Vladimir. Alam mo 'yon dahil minsan mo na rin silang nakasama noon. At hindi malayong saktan nila si Leo dahil galit sila sa tao. They betray the Clan because they thought that the Clan betrayed them first for letting Zin to be the second Nux. Zin is count in both side since she has the blood of a vampire and human. But in Claus de Jeira Family's eyes Zin is still a human. Kaya nga gusto nilang patayin si Zin, hindi ba? At ngayon dahil nalaman nila na dati ring tao si Leo ay siya naman ay tiyak na papatayin---"

"I know that! Stop it already. Leo is a fighter. He will survive." Seryusong saad ko at itinigil ang sasakyan sa harap ng building at agad na ginamit ang kapangyarihan para mawala at sa isang kisap-mata mata ay nasa opisina na ako.

Kung puwede lang ay kanina ko pa ginamit ang kapangyarihan ko para makarating kaagad dito pero maraming makakakita niyon kapag ginawa ko. Mas lalong magiging komplikado ang sitwasyon.

Ilang sandali lang ay lumitaw na rin si Emilia sa tabi ko. Pero napunta na lang ang atensiyon ko sa magulong opisina. Halos lahat ng gamit ay sira na at madaming nagkalat na dugo sa sahig. At ang karamihan doon ay pagmamay-ari ni Leo. Hindi ako puwedeng magkamali.

"He lost so much blood."

"N-No. This can't be... Nasaan sila ngayon? Nasaan sila, Emilia? Kailangan nating iligtas si Leo. Leo is in danger, Emilia. We must hurry." Natatarantang saad ko habang nakatingin sa kaniya.

Leo...

Please wait for me.

I'll save you no matter what.

"I don't know. There's no traces of them. Pero inutusan ko na ang iba para ipagpatuloy ang paghahanap sa kanila."

"H-Hindi puwede. Kailangan nating mahanap kaagad si Leo. Kailangan ako ni Leo ngayon, Emilia. Siguradong takot na takot na ito ngayon." Para akong mababaliw at hindi ko na alam ang gagawin ko.

Mas lalo akong pinapakaba ng mga dugong nakikita ko na alam kung pagmamay-ari iyon ni Leo. Natatakot ako...

I'm scared to lose him...

VLADIMIR AND HIS SECRETARY [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon