33

728 30 0
                                    

Nang makarating ay agad kung ipinaghanda ng makakain ang bata. Tinulungan naman ako ni Glare at Stare kaya mas mabilis akong natapos.

"Please prepare a bath for Niko, Stare. Maghanda ka na rin ng susuotin ng bata." Utos ko rito at agad naman itong yumuko ng bahagya para magbigay galang bago umalis.

"I already received the curtains that you ordered, Sir Leo. Do you want me to put that in your window for you?" Saad ni Glare.

"Ayos lang ba?" Tanong ko sa kaniya.

"There's no problem, Sir. Ako na ang bahala ro'n at manatili na lang muna kayo sa tabi ng anak niyo." Saad nito at yumuko at nagpaalam na rin sa akin.

Napangiti na lang ako at bumalik sa living room kung nasaan si Vladimir at Niko. Naabotan ko ang mga itong nagbabasa. Nag-aaral si Niko habang andoon siya sa orphanage pero sa pagkakaalam ko ay nasa ilang oras lang ang ginugugol nito sa klase. Nasa tatlong oras lang ata.

"Tumigil muna kayo sandali." Saad ko nang makalapit. Nagtaas naman ang mga ito ng tingin sa akin kaya ngumiti naman ako. "Kumain ka na muna, Niko." Inilapag ko sa mesa ang tray kung nasaan ang pagkain nito.

"Para po sa akin lahat ng 'to?" Tanong nito habang nakatingin sa pagkain.

"Oo. Para sa'yo iyan kaya kumain ka na para magkalaman na iyang tiyan mo." Sagot ko at naupo sa tabi ni Vladimir na agad namang umakbay sa akin.

"Do you eat properly when you're at the orphanage, Niko?" Tanong sa kaniya ni Vladimir.

"Depende po. Minsan nakakakain ako ng tatlong beses sa isang araw pero minsan ay hindi lalo na kapag mainit ang ulo ni Ma'am Melissa. At minsan inuutusan din siya ni Miss Gracy na huwag akong pakainin." Sagot nito at nagsimulang kumain.

"Kaya pala ang payat-payat mo." Malungkot na saad ko at bumuntong-hininga. "Kung meron kang gustong kainin ay sabihin mo lang sa amin, okay?"

"Okay po. Ang sarap po nito." Pagtukoy nito sa ulam.

"Ubusin mo iyan para mabusog ka." Saad ko at tumango naman ito at nagpatuloy sa pagkain. Inihiga ko naman ang ulo sa balikat ni Vladimir. "Maybe we really should buy vitamins for him."

"Yeah. And we will feed him healthy foods and all the food he wants." Saad naman ng katabi ko.

"Yeah. We will buy him all he needs. Everything he needs."

"Yes, let's do that." Nilingon ko naman siya pero nginitian lang ako nito.

"Wala na po bang ibang bata rito maliban sa akin?" Tanong ni Niko kaya napabalik naman sa kaniya ang atensiyon naming dalawa.

"Wala na, eh. Gusto mo bang may kalaro?" Tanong ko sa kaniya.

"Gusto ko lang po magkaroon ng kaibigan na ka-edad ko. Pero ayos lang naman po sa akin kahit wala. Masaya na po ako dahil napunta po ako sa inyo." Nakangiting sagot nito.

"Actually, may nakababatang kapatid sina Glare at Stare. Maybe he's around your age too." Saad ni Vladimir dahilan para sumilay naman ang isang masayang ngiti sa labi ng bata.

"Talaga po?" Tanong pa nito. Halata sa boses na excited na makilala ang tinutukoy ni Vladimir.

"Let's ask Stare first to confirm it." Saad ni Vladimir at pumitik. Bigla namang lumitaw si Stare sa harapan namin at bahagyang yumuko.

"Do you need anything, Sir?" Tanong nito nang umayos na ng tayo.

"You have a little brother, right?" Tanong ni Vladimir sa kaniya.

"Yes, Sir. Do you want me to call Cold, Sir?" They're names really are something.

"Yes. Bring him here. Niko wants to meet him."

VLADIMIR AND HIS SECRETARY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon