Side Story: Niko and Cold [Chapter Three]

427 23 1
                                    

"Argh." Daing ko habang hawak-hawak ang ulo ko. Andito pa rin ako ngayon sa kama at patuloy na tinitiis ang sakit ng ulo ko.

I drank a lot last night.

Masyado akong nawili sa pagtungga ng mga nilalagay ng mga kasama ko sa baso ko kagabi. Nakakahiya rin na hindi inumin iyon lalo na at sila mismo ang naglalagay.

"My head..." Parang sasabog ang ulo ko dahil sa sakit na nararamdaman ko, pumipintig at para akong lumulutang sa ere bigla. "Ayan kasi, Niko. Inom ka ng inom, hindi mo naman kaya." Sumbat ko sa sarili at nagpaikot-ikot sa kama ko.

Natigil lang ako sa ginagawa nang may kumatok sa pinto. Tiningnan ko ang pumasok at nakita si Cold na may dalang tray.  Malalim itong tumango ng makarating sa harapan ko at bumati. "Good morning, sir. I'm here to give you the medicine for your hangover."

"Thanks. Kailangan ko nga talaga niyan." Napalabi pa ako at bumuntong-hininga. "My head really hurts."

Ibinigay nito sa akin ang gamot at tubig na agad ko rin na ininom para mabawasan na itong sakit na nararamdaman ko. Nang matapos ay ibinigay ko ng muli sa kaniya iyon.

"I will take my leave now, sir. Just call me if you need anything." Tumango itong muli at tumalikod, balak na sanang umalis.

"Sandali naman. Bakit parang nagmamadali ka ata? At bakit panay sir na naman ang tawag mo sa akin? Akala ko okay ka na ng Niko ang tinatawag sa akin?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.

"It's more appropriate to call you sir especially that we are in this kind of relationship... sir. You're my boss and I'm your servant."

"Geez... Here you are and acting cold again." Nakangusong sabi ko habang nakatingin sa kaniya pero hindi naman nagbabago ang ekspresiyon nito.

"Do you need anything else, sir?"

"Bakit parang nagmamadali ka ata? Perhaps... did I do something bad last night?" Kinakabahang tanong ko sa kaniya.

Napatitig ito sa akin kaya mas lalo naman akong kinabahan. Bahagyang nakakunot ang noo nito at titig na titig sa akin.

"Wala ka bang naaalala sa nangyari kagabi?" Tanong nito matapos ang matagal na pagtitig sa akin.

"A-Ang naaalala ko lang ay masyado akong nawili sa pakikipag-usap sa mga kasama natin at nagtuloy-tuloy sa pag-inom. Pagkatapos niyon ay wala na akong maalala." Sagot ko at tumayo saka lumapit sa kaniya. "Anong ginawa ko kagabi? Pinahirapan ba kita sa pagdala sa akin pauwi? Sumuka ba ako? May mali ba akong ginawa?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya dahil natatakot talaga ako na baka may nagawa akong hindi maganda lalo na sa kaniya.

"You..."

Tumitig itong muli sa mukha ko na para bang binabasa nito ang laman ng isip ko. Pero ilang sandali lang ay tuluyan na nitong inialis sa akin ang paningin at humakbang ng isang beses, umatras.

"You fell asleep while we're on our way home, sir. You done nothing wrong." Sagot nito at umatras pa ng isang beses muli bago mababang tumango. "I'll take my leave now. Breakfast will be ready in a few minutes. Should I bring your breakfast here, sir?"

"You're acting like your old self again, Cold. Sigurado ka ba talaga na wala akong ginawang masama sa'yo kagabi?"

"Yes, sir."

"Are you sure?"

"Yes, sir."

"Okay. But can you please stop calling me sir? Call me Niko. Please?"

"I can't do that, sir--"

"Of course you can. Tinawag mo na akong ganiyan ng nakaraan, eh." Angil ko at napanguso na lang. "We're like bro--"

VLADIMIR AND HIS SECRETARY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon