Andito na kami ngayon sa opisina at nasa tabi ni Vladimir. Binasa ko yung mga papeles dahil gusto niya raw na basahin ko.
"Are you tired?" Tanong nito kaya umiling naman ako.
"No, nauuhaw lang ako." Saad ko saka kinuha ang tubig na nasa mesa at ininom.
"Does it hurt if I bite you, Leo?" Tanong nito at hinaplos ng hintuturo ang leeg ko.
"Parang kinakagat lang ako ng langgam kapag bumaon yung mga pangil mo sa balat ko. Tapos wala na akong maramdamang sakit pagkatapos nun." Sagot ko at uminom ulit ng tubig.
"Pwede ba kitang kagatin?" Tanong niya kaya nagkibit-
balikat lang naman ako.
"Oo naman. Parang may karapatan naman akong humindi." Bumuntong-hininga naman ako pero agad naman nitong sinapo ang pisngi ko.
"May karapatan kang humindi kapag ayaw mo. Hindi kita pilitin. All this time... napipilitan ka lang ba?" Tanong nito. Napatitig naman ako sa kaniya at hindi nakapagsalita agad.
Napipilitan lang ba talaga ako?
Ayaw ko ba talaga sa mga ginagawa niya?
Pwede mo siyang itulak palayo kung ayaw mo, Leo! Kaya mong humindi kung hindi mo talaga gusto. Pero hindi! Hindi ka humindi o tumutol.
Gusto mo rin ang ginagawa niya...
"Leo?"
Napakurap-kurap naman ako at ibinalik ang atensiyon sa kaniya. Bumukas ang bibig ko pero walang lumabas na salita.
"Sabihin mo sa akin kung napipilitan ka lang. Sabihin mo sa akin kung ayaw mo. Hihingi agad ako ng tawad sayo." Saad nito habang patuloy pa rin sa paghaplos ng hinlalaki sa pisngi ko.
Magsinungaling ba ako at sasabihin na napipilitan lang talaga ako simula pa noon? O sasabihin ko na lang ang totoo sa kaniya na gusto ko rin ang mga ginagawa nito...
Nakagat ko na lang ang pang ibabang labi ko at yumuko at nanatiling tahimik ng ilan pang sandali bago tuluyang umiling ng mahina.
"Hindi ako napipilitan..." Mahinang sambit ko habang nasa mga kamay ang paningin pero unti-unti nitong itinaas ang mukha ko saka nginitian.
"I'm glad to hear that, Leo." Niyakap ako nito dahilan para kumabog naman ulit ang dibdib ko.
Nanatili lang kami sa ganoong posisyon ng ilang sandali habang ako ay panay ang lunok dahil sobrang lakas talaga ng kabog ng dibdib ko.
Natatakot ako na baka marinig niya at baka kung ano ang isipin nito.
Bakit nga ba kumakabog ng ganito katindi ang puso ko? Bakit palaging nangyayari 'to sa akin kapag kasama ko siya?
Ano ba talagang nangyayari...
"Kinakabahan ka ba?" Tanong nito at tiningnan ako sa mga mata.
"H-Ha? A-Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kaniya pero tinuro nito ang dibdib ko kung nasaan ang puso ko.
"Your heart is beating loud and fast. I can hear it clearly." Napalunok naman ako at balak na mag-iwas ng tingin pero hindi sumang-ayon ang katawan ko. Hindi gumalaw ang ulo ko para mag-iwas o maski ang mata ko. Nanatili lang itong nakatingin kay Vladimir.
"I-I just..."
"Hm?"
"I-It's just... my normal heartbeat." Sagot ko.
"Don't lie, Leo. It's too visible in your eyes." Saad niya pa kaya nagulat naman ako at kinabahan. "Why are you lying, hm?" Tanong nito at inayos ang buhok ko.
BINABASA MO ANG
VLADIMIR AND HIS SECRETARY [COMPLETED]
Vampiro[VAMPIRE WARRIORS SERIES 01] Leo Guevara is just a normal employee who is working to survive in life. His everyday life is simple... Working from eight in the morning to eight in the evening then going home and take some good rest. Just like that. B...
![VLADIMIR AND HIS SECRETARY [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/282486300-64-k745300.jpg)