Tatlong araw ang nakalipas at hindi ko na ulit nakita pa ang CEO. Ewan ko pero parang may kakaiba.
Simula ng nakaraan noong inihatid ako nito ay madalang ko na lang itong makita at kung magkita man kami ay ngiti o tango lang ang ibinibigay niya. Ngiting hindi na umaabot sa mga mata niya.
Bakit kaya?
May nagawa na naman ba akong masama noong nakainom ako?
Wala na ring may naglalagay ng kape sa table ko. And I fell sad about it.
Parang may kulang na sa pang-araw-araw ko.
Panay ang buntong-hininga ko at halos hindi ko naaayos ang mga pinapagawa sa akin. Panay ang mali ko pero mabuti na lang at hindi ako pinapagalitan.
"Mabuti pa maghilamos ka muna, Leo. Para ma-preskuhan ka at makapagpahinga." Napatingin naman ako kay Karol at nakita kung nakatingin na ito sa akin habang nakakunot pa ang noo.
"I'm okay." Sabi ko at nagpatuloy sa pagta-type.
"Hindi mo ako maloloko, Leo. Sige na, magpalamig ka muna para naman nawala 'yang mga malalalim na iniisip mo."
Napabuntong-hininga na lang ako at itinigil ang ginagawa saka tumayo at sinunod ang sinabi ni Karol.
Mabuti pa nga siguro kung maghihilamos muna ako. Para makapag-isip na rin ako kung ano ba dapat ang gagawin ko.
Nang makarating sa banyo ay agad naman akong naghilamos pero bigla kung narinig ang nag-uusap sa tabi ko.
"May sakit daw ang CEO."
"Saan mo naman nakuha 'yan, pre?"
"Sa manager namin kanina."
"Totoo ba 'yan? Baka mamaya eh gawa-gawa mo lang 'yan."
"Gago, nagsasabi ako ng totoo base sa narinig ko."
Hindi ko na pinatapos ang usapan nila. Tuluyan na akong lumalabas sa banyo at basta na lang na tinungo ang elevator at tinungo ang floor kung nasaan ang office ng CEO.
May sakit? Kaya ba hindi ko na siya nakita ng mga nakaraang araw?
Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay agad na akong tumakbo papunta sa office ni Sir Vladimir. Pero hindi ito kusang bumukas kahit na nasa harapan na ako ng pintuan. Naglakad naman ako palapit sa pinto at tiningnan kung naka-lock ba pero pagpihit ko ng doorknob ay agad akong nakarinig na may nag-click at bumukas ang pinto. Dahan-dahan naman akong pumasok sa loob at nagpalinga-linga sa paligid.
"Sir Vladimir?" Pagtawag ko habang nagpapalinga-linga sa paligid pero agad na nanlaki ang mga mata ko ng makita itong nasa sahig sa labas ng banyo at halos maligo na sa sarili niyang dugo.
Natataranta ko naman siyang nilapitan at agad na tiningnan ang pulso niya. Buhay pa siya. "Sir Vladi? Sir?" Pagtawag ko habang mahinang tinatapik ang pisngi niya pero hindi talaga siya gumagalaw o nagising man lang. "Anong gagawin ko? Anong gagawin ko? Mag-isip ka, Leo! Mag-isip ka!" Singhal ko sa sarili at napasabunot pa sa sarili kung buhok.
Tumayo naman ako at buong lakas na binuhat siya papunta sa sofa. Hindi ko na ininda ang bigat niya. Hindi ako tumigil sa paglalakad hangga't hindi kami nakakarating sa sofa. Maingat ko siyang inihiga doon at agad na naghanap ng first aid kit. Halos halungkatin ko na lahat ng drawer para lang makapaghanap ng first aid kit. Sa huli ay may nakita naman ako sa me banyo. Bumalik na ako sa sofa at agad na hinubad ang suot niyang pang-itaas na damit na halos mawasak na.
Anong nangyari at bakit siya nagkaganito?
Napasinghap na lang ako dahil sa malaking sugat nito sa dibdib. Malaki pero hindi naman masyadong malalim. Marami pa siyang mga sugat pero mga maliliit na ang mga iyon. Pero lahat ng sugat niya ay buong ingat ko namang ginamot. At nang tuluyan ko ng malinis at magamot ang sugat niya ay pinaupo ko naman ito at sinimulang bendahan ang malaking sugat niya sa dibdib.
BINABASA MO ANG
VLADIMIR AND HIS SECRETARY [COMPLETED]
Vampire[VAMPIRE WARRIORS SERIES 01] Leo Guevara is just a normal employee who is working to survive in life. His everyday life is simple... Working from eight in the morning to eight in the evening then going home and take some good rest. Just like that. B...
![VLADIMIR AND HIS SECRETARY [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/282486300-64-k745300.jpg)