24

809 39 2
                                        

Bumalik na ulit kami sa trabaho dahil lunes na naman. Nasa opisina kami ngayon at may kaniya-kaniyang ginagawa.

Siya ang umaasikaso ng mga kailangan permahan dahil marami na naman. Habang ako naman ang sumasagot ng mga tawag at may binabasang ibang papeles.

Kahit ganito lang yung trabaho ay nakakapagod din lalo na at babad din ang mga mata namin sa harapan ng computer.

Halos mapatalon naman ako sa gulat matapos na lumitaw ni Emilia. Nakakatakot talaga kapag bigla na lang silang lumilitaw mula sa kung saan.

"What's with the visit, Emilia?" Tanong ni Vladimir na hindi man lang nagulat.

"Am I not welcome here anymore?" Tanong ng babaeng dumating.

"Maupo ka muna." Binigyan ko ito ng upuan. Ngumiti naman ito saka naupo.

"Thank you. Mabuti pa 'tong si Leo at pinaparamdam na welcome ako rito. Samantalang ikaw, you're such a cold beast."

"Yeah. Yeah. So, what's with the visit?" Nagtaas na ng tingin si Vladimir at tiningnan na ang bisita.

Pero hindi niya man lang kinamusta.

Napailing na lang ako at nakinig lang sa kanilang dalawa.

"The Nux needs us." Saad ni Emilia.

"Really? But all he needs is Zin, the second Nux, right?"

"But we still need to do our duty, Vladimir. Don't forget that. The Claus de Jeira Family is planning to betray the Clan. At dahil isa ka sa pitong bampirang mandirigma ay kailangan ang presensya mo ro'n." Saad ni Emilia habang nasa akin ang paningin. Alam kung malaking problema ang sinabi niya pero parang wala lang naman iyon sa kaniya--sa kanila.

"Those families really getting into my nerves. Nang nakaraan ay pamilya ng mga Greeco ngayon naman ay sila naman." Halatang naiinis si Vladimir dahil sa pagkunot ng noo nito. "Where they are now?"

"At the Palace. Causing a scene."

"Did the two Nux already saw them?"

"Not yet."

"Can I bring Leo?" Tanong pa ni Vladimir.

Nanatili pa rin na nasa akin ang paningin ni Emilia. Mula pa siya kanina na nakatingin sa akin at maski isang beses ay hindi niya inaalis ang paningin niya. "Ofcourse, you can. But do you want him to see you kill those vampires?"

Nagulat naman ako dahil sa sinabi niya at napalunok. Kill... Vladimir will kill someone.

"Hindi mo pa ba sinasabi sa kaniya ang totoo, Vladimir? You know that Leo have the right to know the truth, right?"

Napalingon naman ako kay Vladimir at nakita kung nakatingin na rin ito sa akin. "Is it true, Vladi?" Tanong ko sa kaniya.

"Yeah." Sagot nito dahilan para mapakuyom na lang ang kamay ko na nasa ilalim ng mesa. "It's my job to kill the vampires who betray the Nux and the Clan. Me and Emilia... It's our job." He didn't deny. So it is really true.

"You're afraid to us now?" Tanong ni Emilia.

"Y-You didn't killed innocent people or vampires, right?" Umaasang tanong ko.

"We didn't. We only kill those who is proven guilty." Sagot ni Emilia.

Nakahinga naman ako ng maluwag at nahilot ang batok ko. "Kaya kayo napapahamak eh. Ang delikado pala ng trabaho niyo." Alalang saad ko.

"Whoah... That's the reaction I didn't expect. I thought you will be afraid of us." Humahangang saad ni Emilia. Nasa akin pa rin ang paningin.

"Don't get too judgemental kasi, Emilia." Singhal sa kaniya ni Vladimir na bigla na lang lumitaw sa gilid ko at niyakap ako. "Maraming salamat dahil hindi ka natakot sa amin--sa akin."

VLADIMIR AND HIS SECRETARY [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon