"Alis na kami, dad." Paalam ko kay daddy Leo. Wala si daddy Vladi dahil may inportante itong lakad.
"Hm. Mag-iingat kayo at huwag papasok sa gulo, maliwanag?" Binigyan ako ni dad ng isang maliit na ngiti bago napunta ang paningin sa lalaking nasa tabi ko. "Please take care of him."
"I will, sir." Magalang na tumungo ng ilang sandali ang kasama ko.
Matapos niyon ay umalis na kami. As always Cold is the one seating on the driver's seat. And I am right beside him and eating my sandwich.
"You eat a lot these past few days. Are you okay?" Sinulyapan ako nito bago ibinalik sa daan ang paningin.
"I just feel like I'm always craving for food. I always want something on my mouth. Is it bad?" Kinakabahang tanong ko.
"No, it's okay—"
"Wait." Putol ko sa sinasabi nito at saka nilingon ito at pinaningkitan ng mata. Tyempo namang huminto kami dahil pula pa ang signal light kaya nilingon din ako nito. "Are you implying something, Cold?" Tanong ko rito dahilan para matigilan ito.
"W-What do you—"
"Anong gusto mong sabihin, ah? Na tumaba ako? Na naging masiba na ako? Na pangit na ako?" Ramdam ko ang pagbagsak ng balikat ko at pagkawala ng ngiti sa labi ko.
Kaya ba palagi nitong tinitingnan ang kabuuan ko? Dahil napapansin na talaga nito na tumaba ako? Kaya ba palagi nitong pinipisil ang bilbil at pisngi ko? Kaya ba nasabi niya 'yon para iparating sa akin na mataba at pangit na ako?
"Hindi mo na ba ako gusto kasi kain na ako ng kain? Hindi mo na ba ako gusto kasi tumaba na ako?" Parang gusto ko ng maiyak.
Naibaba ko na ang hawak kung sandwich. Parang nawalan na ako ng gana na kumain. Ramdam ko ang pag-init ng mga mata ko.
Why do I get so emotional this past few days?
Kahit noong mga nakaraang araw ay bigla-bigla na lang nagbabago ang mood ko. Minsan nga ay nagagalit na lang ako kay Cold kahit wala namang siyang ginagawang masama. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Basta ito yung nararamdaman ko. Hindi ko mapigilan.
"Pangit na ba ako sa paningin mo? Ayaw mo na ba sa—"
Bago ko pa man matapos ang mga sinasabi ko ay dumampi na ang labi ni Cold sa labi ko. Hindi ko inaasahan iyon kaya mulat na mulat pa ang mga mata ko. Hindi ako nakagalaw. Napako ang paningin ko sa mukha ni Cold na ngayon ay unti-unti ng lumalayo.
Hindi ko man lang napansin na nabaklas na nito ang seatbelt. Hindi ko rin napansin ang pagdukwang nito para halikan ako.
Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko at tiningnan sa mga mata kagaya ng palagi nitong ginagawa noong nakaraan ng atakehin din ako ng mood swings ko.
"I love you." Ramdam ko ang damdamin nito nang sabihin iyon.
Ito rin ang unang sinasabi nito palagi sa akin kapag natapos ako nitong halikan. Ang tatlong salitang iyon ay labis na makapangyarihan.
"Kahit na mataba ako?" Parang batang tanong ko. Pinipigilan ang sarili na maiyak.
"Kahit ano pang mangyari ay hindi na magbabago 'yon. At kahit anong mangyari ay hindi na magbabago ang pagtingin ko sa iyo. Ikaw ang pinakamagandang nilalang na maging parte ng buhay ko. Ikaw rin ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko." Inilapit nitong muli ang mukha para halikan ako sa noo.
Niyakap naman ako kaagad sa kaniya saka nagtaas ng tingin. "Huwag mo akong ipagpapalit, ah?" Pakiusap ko pa sa kaniya.
"As if I will do that."
BINABASA MO ANG
VLADIMIR AND HIS SECRETARY [COMPLETED]
Vampire[VAMPIRE WARRIORS SERIES 01] Leo Guevara is just a normal employee who is working to survive in life. His everyday life is simple... Working from eight in the morning to eight in the evening then going home and take some good rest. Just like that. B...
![VLADIMIR AND HIS SECRETARY [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/282486300-64-k745300.jpg)