Nagising na lang ako na parang ang bigat-bigat ng buong katawan ko. Parang ayaw kung gumalaw. Pero nauuhaw ako. Napatingin naman ako sa katabi ko at mahinang tinapik ang pisngi niya. Unti-unti naman siyang nagmulat.
"What's wrong?" He asked wearing his husky voice.
"I want to drink water but my body feel so weak, Vladimir." Sagot ko at bumuntong-
hininga. Bumangon naman siya at dumeritso sa banyo pero maya-maya ay bumalik din at hinalikan ako sa pisngi.
"I'll go get you some breakfast and water. Just stay here and rest." Tumango lang naman ako at ipinikit ulit ang mga mata ko.
Hindi ko na namalayan ang pagdating niya dahil nakaidlip na naman ulit ako. Ginising niya na lang ako ng makarating siya. Tinulungan niya rin akong makaupo dahil pakiramdam ko ay wala akong lakas na gumalaw.
Napatingin naman ako sa linuto niya at napangiti na lang. Sinangag, tocino, itlog at hotdog ang nasa plato naming dalawa. Meron ding vegetable salad at fresh fruit juice sa gilid ng tray. May mga prutas din na nakahain sa kabilang bowl.
Nakakahangang marunong na siyang magluto ng pagkain ng mga tao. Kahit simple lang ang niluto niya ay sobra akong natutuwa.
"Let's eat. I want to taste this food lalo na at ikaw ang gumawa." Saad ko.
"Drink some water first." Binigay niya naman sa akin ang isang baso ng tubig kaya uminom naman ako at ibinigay na ulit sa kaniya iyon.
Kinuha ko naman ang kutsara at ang pinggan ko at nagsimulang kumain.
"Does it taste good?" Tanong niya na tila nag-aalala sa lasa ng niluto niya. Ngumiti naman ako saka tumango.
"Yeah. This taste good. Thankyou for preparing our breakfast."
"Kahit araw-araw pa kitang ipagluto."
"Talaga?" Natutuwang tanong ko at sumubo ulit ng pagkain.
"Hm. Back then I used to cook something for the first Nux but Zin is with him now. He didn't need my cooking skills anymore. Kaya ikaw na lang ang ipagluluto ko simula ngayon."
"Sure ka? Baka mapagod ka niyan?"
"Pft. As if tiredness can kill me." Natatawang biro niya pa.
"Pero huwag kang masyadong magpapagod, okay?" Tumango naman siya at ngumiti sa akin.
Nagpatuloy naman ulit kami sa pagkain at enenjoy ang niluto niya. Kahit papaano ay sumigla naman ako dahil sa mga pagkaing inihain niya. Kumain din ako ng salad at prutas at uminom ng maraming tubig. Sinabihan niya akong magpahinga na lang muna at huwag ng pumasok sa trabaho.
Nagpaalam siyang aalis muna dahil may kukunin daw siya kay Emilia at balak niya rin na kamustahin ang mga Nux. Ako naman ay bumalik na sa pagpapahinga at nakatulog na naman kinalaunan.
Hindi ko na alam kung ilang oras yung tulog ko. Alas dos na akong nagising at hindi pa bumabalik si Vladimir. Nagpalinga-linga naman ako at napahinga ng maluwag ng makitang may tubig sa taas ng mesa na nasa gilid lang ng kama.
Bakit kaya nanghihina ang katawan ko? Siguro ay masyado lang talaga akong pagod.
Napatingin naman ako sa kabuuan ng kwarto ko. Binalot ako ng katahimikan. Ngayon ko lang naramdaman na masyado pa lang malaki at tahimik ang kwarto ko kapag wala si Vladimir. "Sweetie." Mahinang usal ko at nagbabasakaling bumalik na kaagad si Vladimir.
"Miss me?" Nagugulat akong nagtaas ng tingin at nakitang nasa harapan ko na siya.
Did he hear me?
BINABASA MO ANG
VLADIMIR AND HIS SECRETARY [COMPLETED]
Vampir[VAMPIRE WARRIORS SERIES 01] Leo Guevara is just a normal employee who is working to survive in life. His everyday life is simple... Working from eight in the morning to eight in the evening then going home and take some good rest. Just like that. B...
![VLADIMIR AND HIS SECRETARY [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/282486300-64-k745300.jpg)