14

1.1K 49 1
                                        

"Leoooo!" Agad na sigaw ni Karol ng makalapit ako kaya natawa naman ako.

"Ano?" Tanong ko sa kaniya at inilagay ang bag ko sa ilalim ng mesa pero napakunot naman ang noo ko ng makita ang isang cup ng kape sa mesa ko. "Kanino 'to?"

"Malamang sa'yo. Nasa desk mo eh." Sagot naman ni Karol.

"Kakarating ko lang."

"Baka may nagbigay sa'yo. Oh, kamusta kagabi?" Tanong niya kaya napatingin naman ako sa kaniya matapos maupo sa upuan ko.

"Kagabi?"

"Hindi ba hinatid ka ni Sir Vladimir?" Tanong niya dahilan para agad ko namang maalala ang kagabi.

Nakakahiya. Bakit ang CEO pa ang kailangang maghatid sa akin.

"Bakit ng ba siya ang naghatid sa akin?" Tanong ko sa kaniya dahilan para mapangiti naman ito at may ipinakita sa aking litrato dahilan para matigilan naman ako. "Saan mo nakuha 'yan? Bakit may ganiyan? Kailangan nangyari 'yan?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.

I kissed the CEO...

Goddamit! What have you done, Leo?!

"Lasing na lasing ka kagabi. Ako sana ang maghahatid sa'yo. But you keep on clinging to the CEO, Leo. Tapos hinalikan mo pa siya." Parang kinikiliti pa ito habang nagkukwento. "Kaya ako umexit na sa eksena hehe. Mukhang enjoy na enjoy ka naman sa bisig ng mga CEO eh." Nunuksong saad pa nito at tinusok-tusok ang tagiliran ko.

"Hindi ko alam ang nangyayari kagabi. Shit! Paano ko pa haharapin ang CEO nito?" I kissed him! Me, a guy, kissed him.

Baka sisantehin ako nito sa trabaho...

Pero kagabi...maayos pa ang pag-uusap namin. Nagkunwari lang ba siyang walang nangyari?

Nakakahiya!

"Good morning."

Natigilan ako at napako sa kinauupuan ko ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. Nang magtaas ng tingin ay nakita ko nga ang CEO na nakatayo sa harapan ko at deritsong nakatingin sa akin. Narinig ko pa na bumati ang mga kasama ko kaya bumati rin ako. "G-Good morning, Sir."

"You okay, now?" Tanong nito at nasa akin pa rin ang paningin.

Parang wala lang nangyari sa kaniya. Mas pinili niya na lang ba na kalimotan iyon? Dapat ba magkunwari na lang ako na walang nangyari?

"O-Opo, Sir Vladimir." Naisagot ko na lang at nakaiwas ang tingin at nagkunwaring may ginagawa sa mesa ko para lang maiwasan ang mga mapanuring mata nito.

"Drink some coffee. It will help you." Saad pa nito at tuluyang naglakad paalis at sumakay sa elevator.

Napatingin naman ako sa kape na nasa taas ng mesa ko at napalunok. Siya ba ang nagbigay nun? Bakit? Dahil ba sa halik?

Hindi. Hindi. Hindi. Wala lang ang halik na 'yon. Lasing lang ako kaya ko nagawa 'yon. Naiintindihan niya naman ata 'yon.

Ano ba kasing pinaggagagawa mo, Leo! Shit! Nakakahiya.

Dapat ata akong mag-sorry dahil sa ginawa ko? Pero malalaman niya ang totoo na alam ko n ang tungkol doon sa halik... Hindi. Hindi pwede. Nakakahiya!

Bakit ba kasi naparami ang inom ko kagabi?

Pinainom pala ako ng mga seniors kaya naparami ang inom ko.

"Yieeee. Concerned si Sir Vladimir sa'yo." Panunukso pa ni Karol. Ugali niya iyon. Palagi niya akong tinutudyo sa kung kani-kanino.

"Keep quiet, Karol. Baka may makarinig sa'yo." Bulong ko sa kaniya kaya hinawakan naman nito ang bibig pero itinuro ang picture na nasa cellphone kaya nanlaki naman ang mata ko.

VLADIMIR AND HIS SECRETARY [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon