Lumipas ang tatlong araw at naisipan namin na bumalik sa orphanage. Hindi pa ako makahintay ng matagal pa dahil nag-aalala na talaga ako para kay Niko.
Sana ay maayos lang ito...
Nang makalipas na ilang araw ay hindi ako mapakali sa sobrang pag-iisip tungkol sa batang iyon. Natatakot ako sa mga puwedeng mangyari sa kaniya. Sa kung anong puwedeng gawin sa kaniya ng mga tao sa orphanage.
Ilang sandali pa ang lumipas ay narating na namin ang orphanage. Bumaba na ako sa kotse at agad na tinungo ang mismong orphanage at si Vladimir naman ay nakasunod lang sa akin.
Nakita naman kami kaagad ng dalawang nagbabantay rin ng mga bata. Isang lalaki at isang babae. "Pumunta po ba kayo para makita si Niko?" Tanong ng isang babae. Mukhang bata pa ito. Nasa early twenties pa lang ata siya.
"Yes. Where's is he?" Tanong ko sa kaniya.
"Andoon po siya sa loob at kausap ni Ma'am Melissa." Pagtukoy nito sa babaeng nagbabantay kay Niko palagi at siya ring nananakit doon sa bata. "Kukunin niyo na po ba si Niko ngayong araw, Sir?" Tanong niya.
"If he's fine to go with us then we will take him." Iyon lang ang isinagot ko sa kaniya at nagpaalam na at naglakad na kaagad papunta sa loob ng orphanage.
Nakita ko naman ang isang pinto na bahagyang nakabukas habang naglalakad ako. Napatigil naman ako at napasilip doon at nakita kung paano hatawin ng babae si Niko na ngayon ay nasa sahig at nakaupo lang.
Walang sali-salitang pumasok na ako sa loob at agad na tinulungan ang bata na tumayo. "What do you think you're doing with the kid, Melissa?" Tanong ko rito.
Halata naman ang pagkagulat sa mukha nito dahil sa biglang pagpasok ko at sa katotohanan na nakita ko ang ginagawa nito sa bata.
"I-It's not what you think, Sir Leo."
"I see it with my both eyes. Don't think to make some lame excuse!" Galit na asik ko at agad na yumuko at sinuri ang kabuuan ng bata. May pasa na naman ito sa gilid ng labi. At maraming latay sa braso at hita.
"H-He's being a bad kid that's why I'm teaching him a lesson, Sir Leo." Rason pa ng babae.
"Anong ginawa ng bata para saktan mo talaga siya. Ganiyan ba kayo magdisiplina ng mga bata rito? Tandaan niyo, hindi kayo ang mga magulang nila kaya wala kayong kahit katiting na karapatan para saktan sila. Kahit pa kayo ang magulang nila ay wala pa rin kayong karapatan. Puwede kang makulong dahil sa ginagawa mo, alam mo ba 'yon?" Mas lalo namang naging kabado ang babaeng kaharap ko dahil sa sinabi ko. "Alam ko na ikaw ang may gawa ng mga pasa at sugat ni Niko, Melissa. Alam ko rin na tumatanggap ka ng suhol mula sa Nanay ni Niko. Pero gano'n ka na ba talaga kasama para saktan talaga ang bata? At paano mo nasikmura na gawin 'yon, ha? Wala ka bang anak? Kung meron man, ganito ka rin ba sa anak mo?"
"M-Magpapaliwanag ako, Sir. M-Magpapaliwanag ako." Bigla na lang itong lumuhod sa harapan ko.
"Yes, you really have to explain, Melissa Dames." Boses iyon ni Vladi at bigla na lang may pumasok na pulis at hinuli si Melissa.
Maski ako man din ay nagtaka kung bakit may pulis. Nakatingin lang ako sa mga ito habang dala-dala si Melissa palabas ng kwarto kung nasaan kami ngayon. Nang mawala sila ay napunta naman kay Vladi ang paningin ko. Mukhang nakita naman nito ang pagtataka sa mukha ko kaya nagpaliwanag ito.
"Nang nakaraan kaya hindi ako sumasama sa'yo para puntahan si Niko ay para ilagay ang mga hidden camera sa iba't-ibang lugar ng orphanage. Madali lang para sa akin na gawin iyon kaya hindi nila nalaman. Nang mga nakaraang araw ay alam ko ang mga nangyayari rito pero hindi ko sinabi sa'yo dahil tiyak na mag-aalala ka sa bata at baka masira mo ang plano ko. Kanina bago pa tayo pumunta rito ay tinawagan ko na ang mga pulis para pumunta rito. Sinabihan ko na sila na hulihin na si Melissa simula pa noong mga nakaraang araw pero dahil hindi pa raw sapat ang ebidensya na hawak nila kaya wala pa silang magagawa. I am shock too to see them earlier. Pero sinabi nila na matibay na raw ang ebidensya nila kaya puwede ng hulihin si Melissa. Nakita raw nila na binigyan ng pera ng step-mother ni Niko si Melissa. Narinig din nila ang usapan ng mga ito. Maski ang step-mother ng bata ay mananagot din dahil sa mga pinaggagagawa nito." Pagpapaliwanag nito at bumaba ang paningin sa bata. Bumaba rin ang paningin ko kay Niko.
BINABASA MO ANG
VLADIMIR AND HIS SECRETARY [COMPLETED]
Vampirgeschichten[VAMPIRE WARRIORS SERIES 01] Leo Guevara is just a normal employee who is working to survive in life. His everyday life is simple... Working from eight in the morning to eight in the evening then going home and take some good rest. Just like that. B...
![VLADIMIR AND HIS SECRETARY [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/282486300-64-k745300.jpg)