Side Story: Niko and Cold [Chapter Five]

413 24 1
                                    

Nakabusangot ako habang nakatingin sa likuran ni Cold. Magkatabi kami ng upuan pero pagkarating ko kanina ay nasa ibang seat na ito nakaupo. Nasa unahan ito kung saan hindi niya ako makikita.

Marahil ay dahil sa sinabi ko kaya siya lumayo. Marahil ay nasaktan ito sa sinabi ko. Marahil ay galit talaga siya sa akin dahil sa ginawa at sinabi ko kanina.

'Paanong hindi magtatampo at magagalit si Cold sa'yo eh sinabihan mo ng mga hindi kaaya-ayang salita.' Isang parte ng utak ko ang nagsalita dahilan para mas lalo akong bumusangot.

Hindi ko ugali na mag-isip ng kung ano-ano kapag nasa klase ako pero ito ngayon at puro tungkol kay Cold ang laman ng isip ko. Simula pa nang nakaraan ay hindi na siya nawala-wala sa isip ko. Palaging tungkol sa kaniya ang mga tumatakbo sa isip ko.

Lalo na yung nangyari ng gabi na 'yon...

Nakagat ko ang labi nang maramdaman na uminit ang pisngi at tenga ko.

I... didn't actually forgot what happened that night.

I just wanted to know why he kissed me. I just want him to tell me the truth. But he chose to hide it. Maybe he really regret kissing someone like me that's why he didn't open that topic up until now. That's why he's acting like his old self.

Yes, I regret what we've than while we're on our way home because I keep on thinking of what will my parents think if they know what happened. But that regret immediately disappeared when I remembered what daddy Leo said to me from back then.

'Always choose things that can make you happy. Palagi mong piliin ang sinasabi ng puso mo. Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano dahil tiyak na mas lalo ka lang mahihirapan sa pagdedesisyon. Palagi lang kami ni Vladimir nakasuporta sa lahat ng gusto mo dahil kami ang mga magulang mo. '

Cold can make me happy. He always makes me smile and laugh. So I chose to notice  this feelings that I feel everytime I'm with him.

But it makes me sad everytime he acts like we didn't shared a kiss that night. Hindi ko maiwasan na magtampo sa kaniya dahil umaakto ito na para bang wala talagang nangyari sa amin. At dahil sa pagtatampo na iyon ay nasaktan ko siya... sobrang nasaktan ko siya.

Kung inamin ko kaya na naalala ko yung nangyari ng gabing 'yon... aamin din kaya siya na nangyari nga talaga iyon? Aamin kaya siya na hinalikan niya ako?

Gustong-gusto ko talaga na marinig ang dahilan kung bakit niya nga ba ako hinalikan. We're together for almost six years already. So I'm wondering why he only kissed me that night.

Is it just for experience? Is Cold planning to kiss somebody? A guy? Did he only use me to test his skills? Perhaps... is he planning to kiss another guy?

"No!" Sigaw ko dahil sa inis. Naiinis akong isipin na may hahalikan itong iba. I don't want him to kiss anyone. Ayaw ko. Hindi puwede. Iiyak talaga ako kapag ginawa niya 'yon.

"Why are you shouting, Niko? Is there something wrong? Are you not feeling well?"

Napakurap-kurap ako at nanlaki ang mata nang ma-realize ang ginawa ko. I totally forgot that I'm in a middle of the class rightnow. Ang teacher ko ay nagtataka habang nakatingin sa akin. Hindi ko ugali kasi na malutang at basta na lang sumigaw sa klase. Palagi akong focus tuweng oras ng klase kaya siguro puno ng pagtataka at pag-aalala ang mukha ng teacher. Ang ibang kaklase ko naman ay nagtatakang nakatingin din sa akin. Alam kasi nila na hindi ko pa 'to ginawa dati.

Napunta ang paningin ko kay Cold at nakita ko itong nakatingin na rin sa akin dahilan para agad kung naibalik ang paningin sa teacher namin. "I-I'm fine, Sir. I'm sorry." Hingi ko ng paumanhin at napalabi dahil pakiramdam ko ay kinakain ako ng kahihiyan.

VLADIMIR AND HIS SECRETARY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon