"I'm too scared rightnow. You might regret that you choose to save me, Leo."
"No turning back, isn't it? I'm a vampire now. Just like you. I'm immortal. But it doesn't matter to me anyway. As long as I'm by your side, I'll be fine. My memories are back too. But I still hate you too for giving up on me so easily."
"Hurt me. I deserve it anyway. It's fine with me. Tatanggapin ko lahat ng sasabihin at gagawin mo sa akin basta mapatawad mo lang ako."
"Pinagaling na kita tapos sasaktan na naman ulit kita?" Nakangiwing tanong ko saka bumuntong-hininga at napatingin sa dibdib niya. "Ano bang nangyari sa'yo at gano'n na lang katindi ang naging mga sugat mo?" Tanong ko habang hinahaplos ang piklat sa dibdib niya.
"May nangyaring gulo sa palasyo at naging madugo ang laban."
"Anong nangyari sa iba? How about the Nux? Si Emilia? Kamusta sila?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.
"They're fine. I don't permit them to fight. Kami ni Emilia ang lumaban sa mga lobo na sumugod. Sobrang rami ng mga lobo at ang lakas din nila kaya gano'n na lang kalubha ang naging tama ko. Si Emilia naman ay may mga natamo rin na pinsala pero tiyak akong napagaling na siya ni Zin, the second Nux. Pero napatay rin namin ang lahat ng mga lobo na umatake sa palasyo."
Kaya pala hindi ko siya nakita nitong nakaraang mga araw...
"Dapat ay iniingatan mo ang sarili mo, Vladimir. At sana ay sumama ka na lang kay Emilia para napagaling ka rin ni Zin. Bakit dito ka pa kasi dumeritso?" Singhal ko sa kaniya. Naiinis ako dahil hindi niya man lang iniingatan ang sarili niya.
"I want to see you." Natigilan naman ako sa naging sagot niya. Nakatitig na siya ngayon sa mga mata ko at hinaplos ang pisngi ko. "Maybe I am really a selfish. I erased your memory para hindi mo na ako maalala pa. Para sana hindi na ulit kita guguluhin. Pero anong ginawa ko, lumapit pa rin ako sa'yo. Bakit ang hirap mong kalimutan na lang, Leo? Bakit ang hirap para sa akin na layuan ka?"
"Bakit mo pa kasi pinili ang mahirap na daan, Vladi? Noong sinabi na buburahin mo ang ala-ala ko noong mga panahon na masama kita sobrang naging masakit 'yon sa akin dahil ikaw ang huling tao na ayaw na ayaw kung kalimotan."
"I'm sorry. Ayaw ko lang na makita kang magsisi sa huli na naging parte pa ako ng buhay mo. Ayaw ko. Sorry..."
Hinawakan ko naman ang magkabilang pisngi niya at iniharap sa akin at agad na hinalikan siya sa labi. Nang maghiwalay ang labi naming dalawa ay nagtama naman kaagad ang mga mata namin. "Hindi ko pinagsisisihan na naging parte ka ng buhay ko, maliwanag ba? Kung anong iniisip mo ay yung mga sinabi ko sa'yo sa ospital. Kalimutan mo na iyon. Nasabi ko lang ang mga iyon dahil sa galit." Seryusong saad ko at bumuntong-hininga at yumakap sa kaniya. "I really miss this. I miss you." Bulong ko at hinigpitan lalo ang yakap sa kaniya.
Pero nagulat na lang ako ng tumayo siya dahilan para humigpit naman ang pagkakayakap ko dahil natatakot na baka mahulog. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Singhal ko sa kaniya at sinamaan siya ng tingin. Hinalikan niya lang naman ako sa pisngi saka ngumiti.
"I'll gonna lock the door. Baka may makapasok o makakita sa atin." Sagot niya kaya napatigil naman ako sa pagpupumiglas.
"Gusto kung uminom ng tubig, Vladi. Nauuhaw ako." Saad ko.
"Okay. Nasa ref ang tubig." Ibinaba niya na ako kaya nagsimula naman na akong naglakad patungo sa kusina pero hindi pa man din ako nakakarating ay bigla na lamang akong nahilo. Umikot bigla ang paningin ko dahilan para matumba ako sa sahig. Bigla na lang akong nagsimulang pagpawisan at mas lalong umiikot ang paningin ko.
Anong nangyayari...
"V-Vladi..."
"Leo? Leo! Anong nangyari?" Boses ni Vladi at naramdaman ko na lang ay tinulungan niya na akong makaupo. "Hey? Wake up." Nagmulat naman ako at napatingin sa kaniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/282486300-288-k745300.jpg)
BINABASA MO ANG
VLADIMIR AND HIS SECRETARY [COMPLETED]
Vampiro[VAMPIRE WARRIORS SERIES 01] Leo Guevara is just a normal employee who is working to survive in life. His everyday life is simple... Working from eight in the morning to eight in the evening then going home and take some good rest. Just like that. B...