EPILOGUE

995 32 2
                                    

"Are you ready, Sir?" Napalingon naman ako sa pintuan matapos marinig ang boses ni Cold.

"Yes, I'm ready." Inayos ko na ang suot ko at dali-daling lumabas ng pintuan pero nabunggo rin kaagad ako sa kaniya dahil nasa mismong harapan pala ito ng pinto. "I'm sorry, Cold." Hingi ko ng paumanhin habang hawak-hawak ang noo ko na tumama sa dibdib nito.

"Are you alright, Sir?" Nagulat naman ako nang bigla na lang nitong hinawakan ang baba ko at itinaas habang ang paningin nito ay nasa noo ko. "You're always doing that everytime you're going out."

"Pasensiya na at palagi kitang nabubunggo. Namula ba ang noo ko?" Tanong ko sa kaniya. Binitawan naman ako nito.

"No. It's okay. Why? Does it hurts?" Tanong nito.

"No. Hindi naman." Sagot ko at inayos ang suot ko.

"Let's head to the Hall of the Palace. Magsisimula na ang seremonya mamaya. You don't want to miss your fathers' marriage, right?"

"Ofcourse! It's the most important time for them. Let's go. Pumunta na tayo ro'n." Hinila ko naman ito at tumakbo papunta sa baba kung nasaan ang iba.

It's been a year since napunta ako sa bago kung pamilya. At simula nang sila na ang naging magulang ko ay napuno na ako ng pagmamahal. Ipinaramdam nila sa akin ang pagmamahal na hindi naibigay ng mga tunay kung magulang. Dinamitan nila ako. Pinakain. Pinaaral. At minahal ng buong-buo. Sobrang swerte ko sa kanila.

At ngayong araw ay araw ng kasal nila. My two fathers' marriage. It's just an intimate wedding. Tanging kami-kami lang. Kasama namin ang mga kaibigan nila dad. The two Nux. The other vampire warriors. Me and Cold. Only just us.

Nang makarating kami ay hindi pa naman nagsisimula. Pero hindi ko na rin muna ginulo ang mga magulang ko at naupo na lang sa upuan na para sa mga dadalo.

"Bakit hindi pa nagsisimula, Cold?" Tanong ko sa katabi.

"They're waiting for you dads obviously, Sir. Maybe they're still changing rightnow." Sagot nito.

"Oh! Andiyan na pala sila, eh." Masayang saad ko at itinuro ang mga magulang na kakapasok lang sa Hall kung nasaan kami ngayon. They're both wearing a black suit with a white long sleeves inside. A black bowtie and a pinned flower on their left chest.

Ang unang Nux ang magkakasal ngayon sa mga magulang ko. Actually, I really respect the Nux since I was born. Nakatatak na sa utak ko na bigyang respeto ito. Pero hindi ko inaakala na dalawa na pala an Nux ngayon. Nang una ko silang makitang dalawa ay sobra talaga ang gulat at paghanga ko. Halos lahat ng nandito ngayon ay hinahangaan ko sa iba't-ibang dahilan.

Naging tahimik naman kaming lahat matapos na magsimula ang seremonya. Tanging iyong mga magulang ko at ang unang Nux ang gumagawa ng ingay sa buong hall ng palasyo.

Nakinig lang naman kami. Nakatingin lang ako sa mga magulang ko na may paghanga sa mga mata. Makikita sa mga mata nila na mahal talaga nila ang isa't-isa. Makikita talaga na masayang-masaya sila sa isa't-isa. Nakakahanga talaga. Gusto ko rin balang araw na makahanap ng partner na kagaya ni Daddy Leo o hindi kaya ay kagaya ni Daddy Vladimir.

Umingay lang ang Hall matapos ang hindi naman katagalan na ceremony. Nagpalakpakan kaming lahat habang masayang nakatingin sa kanila. Nagsimula na rin ang batian pero mas pinili ko na lang na huwag munang lumapit at hayaan muna ang mga magulang doon sa mga kaibigan nila.

"Hindi ka lalapit sa kanila?" Tanong ni Cold kaya nilingon ko naman siya at nginitian.

"Mamaya na lang. Hayaan na muna natin sila sa mga kaibigan nila at mukhang nagsasaya pa sila." Sagot ko.

VLADIMIR AND HIS SECRETARY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon