31

737 29 0
                                        

Lumipas ang tatlong buwan at naging maayos naman ang lahat. Tuluyan na akong gumaling at wala ng nangyari pang gulo.

The elixir of Zin and Klaire is now totally successful. It can bring back humans or any races who died just a few ours ago. Maybe around 7 to 10 hours is maximum. Pero hindi nila iyon sinabi sa iba. Tanging kami lang ang nakakaalam. Wala rin silang balak na ipaalam sa publiko dahil magdadala lang iyon ng gulo. Hindi na rin sinabi nila Zin kung ano ang ingredients kung paano gawin ang elixir. Tanging sila lang ni Klaire at Marcus ang nakakaalam.

Bumili rin si Vladimir ng bagong bahay para sa amin. Hindi kalayuan ang biyahe mula sa bahay papunta sa kompaniya at hindi ko na rin siya napigilan pa kaya wala na akong nagawa kung hindi ang pumayag.

And today, pupunta kami sa orphanage na siyang pinupuntahan namin ni Vladimir since nang mga nakaraang linggo. May nagustuhan na kaming bata pero hanggang ngayon ay hindi pa tuluyang malapit ang loob nito sa amin. He's fourteen years old and kinda... a troublemaker. Palagi na lang itong napapaaway kaya palaging nasasaktan. Palagi itong may pasa o sugat tuweng bibisita kami.

"Are you ready to go, sweetie?" Boses ni Vladimir kaya nilingon ko naman ito at ngumiti.

"Yeah. Let's go?"

"Hm. Let's go." Nakangiting saad nito matapos humalik sa pisngi ko.

Dumeritso na kami sa baba at binati naman kami kaagad ng dalawa naming katulong. They're Glare and Stare. They're serving for Vladimir. Kinuha sila ni Vladimir para hindi na ako magtrabaho pa kapag nakauwi na kami galing kompaniya. Ewan ko ba sa kaniya pero ayaw nitong masyadong napapagod ako. Meron na rin kaming dalawang guard na siya namang nagbabantay ng bahay. They're both vampires too.

"Pakikuha ko na lang mamaya ng order ko kapag dumating, Glare. Ito ang bayad doon." Bigay ko sa kaniya ng pera.

"What did you ordered this time, Leo?" Tanong ni Vladimir.

"Curtains." Sagot ko at hinarap siya. "Balak ko sanang palitan ang kurtina sa kwarto."

"Oh. I remembered now. Sinabi mo na pala iyon sa akin ng nakaraan. I'm sorry I forgot."

"It's okay. So, let's go now?" Aya ko sa kaniya. Nagpaalam na kami sa dalawa at tuluyang umalis na ng bahay.

It takes thirty minutes or more before we reach the orphanage. Medyo malayo kasi siya sa siyudad. Medyo marami ang mga batang ulila sa orphanage na iyon. Kadalasan ay wala ng mag-aalaga sa kanila dahil namatay na ang mga magulang nila o wala ng kukupkop sa kanila na mga kamag-anak nila.

Pero sa sitwasyon ng batang balak naming ampunin ay iba. Buhay pa ang pamilya niya... kaso sila ang kusang nagdala sa orphanage sa kaniya. Nagtaka kami kung bakit. Siguro ay masyado silang naghirap kaya nagawa ng pamilya niyo iyon. Naisipan namin na puntahan ang pamilya niya sa ibinigay na address ng isa sa mga nagbabantay sa mga bata. At naabotan namin ang isang pamilya... maayos naman sila at mukhang hindi naman naghihirap. Naisipan ko na kausapin sila at doon ko nalaman na pinaampon pala nila ang bata dahil anak siya sa labas ng Tatay niya. Hindi siya tanggap ng Nanay niya kaya naisipan siya nitong ibigay na lang sa orphanage.

Nakakalungkot lang dahil kayang gawin iyon ng isang magulang sa anak niya. Kahit na anak siya sa labas ay may karapatan pa rin naman siyang mabigyan ng pagmamahal.

Kaya kahit hindi man kami ang totoo niyang magulang... gusto namin iparamdam sa kaniya ang pagmamahal na hindi ibinigay sa kaniya ng mga magulang niya. Sana ay makapasok kami sa mundo niya.

Hindi ko susukuan ang batang iyon kahit na paulit-ulit niya akong itulak palayo. Kukunin ko ang loob niya hanggang sa pumayag na itong sumama sa amin. Hindi naman namin kasi siya puwedeng pilitin kung ayaw pa niya sa ngayon. Siguradong mas lalong lalayo lang ang loob niya sa amin.

VLADIMIR AND HIS SECRETARY [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon