"Mabuti at natapos na rin sa wakas. Nakakakaba talaga kapag may meeting pero 'yung board meeting eh mas nakakakaba pa pala." Saad ko saka bumuntong-hininga.
"Bakit ka naman kinakabahan? You done well kanina." Saad niya kaya sinamaan ko naman siya ng tingin.
Ako 'yung nagreport kanina. May copy naman ako na hawak ng sasabihin kaya hindi naman mahirap pero ang kaba ko hindi nababawasan. Si Vladimir na pagkatapos 'yung nagpatuloy matapos kung sabihin lahat ng nasa papel na ibinigay niya sa'kin.
"Ganito na lang. I'll treat you to a good restaurant. Kain tayo masarap para bumalik na agad 'yung lakas mo at hindi ka na magalit sa akin." Saad nito dahilan para mapaisip naman ako saka bumuntong-hininga.
"Sige, deal. Gutom na nga ako." Saad ko at napangiwi ng tumunog ang tiyan ko.
"Let's hurry. Mukhang gutom na gutom ka na." Saad nito at hinigit ako papasok sa elevator at nang sumarado ay bigla na lang ako nitong isinandal doon at bigla na lang inangkin ang labi ko.
"Mukhang ikaw 'yung gutom na gutom sa labi ko." Saad ko habang naghahabol ng hininga ng pakawalan niya ang labi ko.
"I'm sorry. I just suddenly want to kiss you." Niyakap ako nito na para doon pinapakita na sincere ito sa sinabi kaya palihim na lang akong natawa.
"As if it was your first time kissing me." Saad ko at hinawakan ito sa kurbata niya at inilapit ang mukha sa akin at hinalikan ito. Kita ko ang gulat sa mga mata niya pero ipinikit lang ang mata at mas lalong pinalalim ang halik na agad na niyang tinugon dahilan para mapadaing naman ako at napakapit ng mahigpit sa braso niya.
Napamulat ako nang tuluyan ng maghiwalay ang labi namin sa isa't-isa at parehong habol-habol ang hininga. "I like that kiss." Saad niya habang nakatingin pa rin sa labi ko.
"You look like you gonna swallow me whole." Saad ko habang napapalunok. Niyakap naman ako nito at hinalikan sa pisngi.
"I'm sorry." Saad nito at nanatiling nakayakap sa akin kaya hindi ko maiwasang hindi nakangiti pero agad ring itinago iyon ng humarap na sa kaniya.
"Then you should buy me a delicious food." Ngumiti naman ito at tumango.
"I will." Sagot nito at hinalikan ulit ako sa pisngi.
Ang hilig niya talagang halikan ako.
Maya-maya ay bigla namang bumukas ang pinto ng elevator kaya lumabas na kami at sumakay sa kotse niya.
"Masaya na akong makasakay dito. Hindi ko na kailangan pang bumili" Mahinang saad ko.
"I can give this to you if you want. I can just buy a new one." Sabi niya dahilan para mapangiwi naman ako.
"You don't have to. Like I said... Masaya na akong makasakay sa mga mamahaling sasakyan na ganito. Hindi ko na kailangan pang bumili at wala rin naman akong pera pambili." Asik ko habang nakatingin sa kaniya saka ngumiti.
"Ganito na lang... Ihahatid at susunduin na lang kita araw-araw. Para palagi kang makasakay sa mga ganito." Nakangiting saad nito dahilan para matigilan naman ako.
Ihahatid at susunduin araw-araw?
Para sa akin ay gagawin niya 'yun?
"Bakit?" Iyon ang lumabas sa bibig ko.
"Para maging masaya ka." Simpleng sagot niya at ngumiti.
Para... maging masaya ako.
"But you don't have---"
"But I want to. So please, hayaan mo lang ako." Putol niya sa sasabihin ko at itinigil na ang sasakyan. "Kahit dito man lang ay makabawi ako sa pagbibigay mo ng dugo mo sa akin. Mapasaya man lang kita." Nakangiting saad nito kaya tumango naman ako saka ngumiti.
BINABASA MO ANG
VLADIMIR AND HIS SECRETARY [COMPLETED]
Vampire[VAMPIRE WARRIORS SERIES 01] Leo Guevara is just a normal employee who is working to survive in life. His everyday life is simple... Working from eight in the morning to eight in the evening then going home and take some good rest. Just like that. B...
![VLADIMIR AND HIS SECRETARY [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/282486300-64-k745300.jpg)