Nagpasalamat ako sa dalawa na nagdala ng mga pinamili namin bago sila tuluyang nawala na lang bigla sa dilim.
"Paano niyo nagagawa 'yon?" Tanong ko saka naupo sa sofa habang nakatingin kay Vladimir.
"Yung alin?"
"Yung nawawala na lang kayo bigla tapos sumusulpot rin kung saan niyo gusto."
"Oh... It's natural for us to that." Sagot nito at bigla na lang naupo sa tabi ko. "Why? Interested on me now?" Tanong nito at hinalikan ang labi ko. Wala na sana akong balak na tugunin iyon pero bigla na lang nitong itinaas ang isang kamay at masuyong hinaplos ang tenga ko. Napapikit naman ako at tinugon ang halik nito hanggang sa makaadikan ko na ito at parang ayaw ko ng tumigil. Nang tumigil ito sa paghalik ay napamulat naman ako at nakitang nakangisi na ito. "Look at you chasing my lips and sitting on my lap again." Sambit nito pero wala na ako sa sarili ko. I want more... I want to kiss more...
This is why the reason I don't want to start a kiss with him. Kapag nasimulan na ay parang ayaw ko ng matapos pa.
"Please... Kiss me again." Saad ko habang nakatingin sa kaniya.
"Kiss me first." Saad nito kaya agad naman akong dumukwang at hinalikan siya na agad niya namang tinugon at hinawakan ang batok ko at pinalalim ang halik na iyon hanggang sa tuluyang kaming mangailangan ng hangin.
"I want some blood, Leo." Saad nito habang nakayakap sa akin.
"What if I don't give you?" Tanong ko sa kaniya. Napataas naman ito ng sa akin at napunta sa leeg ko ang paningin saka nag-iwas ng tingin.
"Edi maghihintay ako hanggang sa bigyan mo na ako." Sagot nito.
"Hindi mo'ko pipilitin?"
"Hindi. Masasaktan kita."
"Eh ano naman?"
"Ayaw kung saktan ka."
Namalayan ko na lang ay napangiti naman ako sa sagot nito pero agad din na itinago iyon. "Suck some." Saad ko.
"Talaga?"
"Ayaw mo?"
"Gusto." Agad na sagot nito.
"Bilisan mo na bago pa magbago isip ko." Saad ko kaya tumango naman siya. Agad akong tumagilid at maya-maya lang ay naramdaman ko naman na kinagat na ako nito. Hinayaan ko lang siya at hinintay lang na matapos ito. "May tao ka na bang pinatay?" Tanong ko sa kaniya matapos niyang gamutin ang sugat ba nasa leeg ko.
"Wala pa. The Nux will kill me if I did." Sagot nito habang hinahaplos ang leeg ko.
"May balak ka bang patayin ako?" Tanong ko sa kaniya. Nakita ko namang kumunot ang noo nito at bahagyang tumagilid ang ulo na para bang hindi maintindihan bakit ko natanong iyon. Bumuka naman ang bibig nito at handa na akong marinig ang sagot nito pero pagkurap ko ay namalayan ko na lang na nasa sahig na ako at natumba. Hindi ko naramdaman ang sakit ng pagbagsak ko. Nakatingin ako kay Vladimir na ngayon ay nagpapanic na at may sinasabi pero hindi ko naman marinig kung ano iyon. Napataas ang kamay ko para sana abotin siya pero bigla na lang nandilim ang paningin ko.
AGAD akong kinabahan nang makitang bigla na lang matumba si Leo mula sa kinatatayuan niya. Agad ko naman siyang nilapitan ng makabawi sa pagkagulat. "Hey, Leo. Anong nangyayari sayo?" Tanong ko pero nanatili lang itong nakatingin sa akin. "Tell me what's happening to you." Saad ko pero bigla na lang nitong ipinikit ang mata. "Shit! Anong gagawin ko? Mag-isip ka, Vladimir!" Singhal ko sa sarili at nasabunutan ang sariling buhok. "H-Hey, wake up already. Leo gumising ka na. Nag-aalala na ako sayo." Saad ko habang nakatingin sa mukha nito na nagsisimula ng mamutla. Nawawala na ang pagkupula ng labi nito. Agad akong nailing at biglang nag-isip ng dapat kung gawin. "Hospital... I need to take him to the hospital. " Saad ko at agad na binuhat si Vladimir at agad na dinala papunta sa kotse ko sa labas. Maingat ko siyang inihiga sa may likod saka pumunta sa driver seat at agad na iminaneho ang kotse paalis.

BINABASA MO ANG
VLADIMIR AND HIS SECRETARY [COMPLETED]
Vampire[VAMPIRE WARRIORS SERIES 01] Leo Guevara is just a normal employee who is working to survive in life. His everyday life is simple... Working from eight in the morning to eight in the evening then going home and take some good rest. Just like that. B...