Pagbalik ko ay agad kung naabotan ang mga doctor at nurse na pumasok sa loob ng kuwarto ni Leo na may dalang bag ng dugo. Agad akong pumasok at pumunta lang sa gilid. Nakita kung gising na si Leo at nakatingin lang sa doctor kaya hindi ako nito napansin.
Hinayaan ko lang ang mga itong gawin ang trabaho nila. Naghintay lang ako na umalis sila bago tuluyang lumapit kay Leo. "Are you okay? Nahihilo ka ba? May kailangan ka ba? May masakit ba sayo? Masakit ba ang braso mo? Tell me what's wrong. Because I'm really worried, Leo."
"I'm fine." Sagot nito at binigyan ako ng isang ngiti.
"Im sorry, Leo. It's obvious that it is my fault why are you here rightnow. Kaya ko mang pagalingin yung sugat ay hindi ko naman maibabalik yung nakuha kung dugo mo. Sorry... Sorry dahil kung hindi dahil sa akin ay hindi ka sana mao-ospital." Hingi ko ng patawad habang mahigpit ang hawak sa kamay nito. Pero nabigla na lang ako ng itaas lang nito ang mukha ko saka nginitian ulit.
"It's not all your fault, vampire. Tsaka hinayaan naman kita. Hindi mo naman ako pinilit."
"Don't say that. Kung hindi ako dumating sa buhay mo ay hindi mo naman aabotin 'yan at magiging normal lang ang buhay mo. Walang weird na mangyayari sayo. Walang bampirang iinom ng dugo mo. Walang bampirang mananakit sa iyo." Saad ko at hinaplos ang mukha nito saka bumuntong-
hininga at ngumiti. "Noon ay dugo mo lang talaga ang habol ko at wala ng iba. Naisip ko na baka kapag nasipsip ko ang dugo mo ay makokontento na ako at hahayaan ka ng makabalik sa dati mong buhay. Pero patagal na patagal na lumilipas ang oras ay parang ayaw na kitang pakawalan. I became selfish. Ayaw ko na mawalay sa iyo. Naging malapit ka na sa akin. Wala pang tao na pinag-alala ako kagaya ng pag-aalala ko sa iyo kanina. Parang hindi ko bigla alam ang gagawin ko. Parang na-bubu ako. Masyadong kakaiba ang idinulot mo sa akin, Leo. Ikaw lang din ang unang nilalang na nakapag-
patibok sa puso ko ng sobrang bilis at sobrang lakas. Labis mo akong pinahanga."
Napakunot naman ang noo nito at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. "A-Ano ang ibig mong sabihin, Vladimir?" Tanong nito habang nakatingin sa mga mata ko.
"Sa tingin ko ay nagugustuhan na kita, Leo." Saad ko at hinalikan ang kamay nito. "Kaya ayaw ko ng guluhin pa ang buhay mo. Ayaw ko ng gawing miserable ang buhay mo. Palalayain na kita. Hahayaan na kitang mamuhay na kagaya ng dati. Gusto na maging masaya ka at ma-enjoy mo yung buhay mo. Hindi na ako namamatay, Leo. Pero ikaw, oo. Kaya gusto ko na e-enjoy mo yung buhay mo habang may oras ka pa."
"A-Ano ba 'yang mga pinagsasabi mo, Vladi? Hindi kita maintindihan." Saad nito at nakita ko naman ang biglang pagtulo ng luha nito kaya ipinahid ko naman iyon.
"Gusto kita, Leo." Saad ko at niyakap siya ng mahigpit. "Gustong-gusto na ata kita."
"Paano kung sabihin ko sa iyo na gusto na rin kita." Saad nito. Seryuso ang boses at mukha pero tumulo na naman ang mga luha.
Ngumiti lang naman ako at ipinahid iyon saka hinalikan ang gilid ng mata niya. "Labis kung ikakatuwa iyon, Leo. Magiging masaya ako kapag nagustuhan mo rin ako."
"Mananatili ka ba kapag sinabi ko na gusto kita, Vladimir?" Tanong nito dahilan para hindi naman ako makasagot. Nanatili lang akong nakatitig sa kaniya. "Huwag mo namang gawin 'to, Vladi. Huwag ka namang umalis kung kailan naging mahalaga ka na sa akin." Tumulo na naman ang mga luha niya.
"Ikamamatay mo kapag nanatili ako sa tabi mo, Leo. Maikli lang ang buhay mo. Ayaw kung mas lalong pang paikliin iyon. Gusto pa kitang makita mula sa malayo ng matagal." Saad ko dahilan para umiling naman ito at hinawakan lalo ng mahigpit ang kamay ko.
"Mangako ka sa akin na hindi mo ako iiwan. Andito pa ako sa ospital oh. Kailangan kita. Kailangan ko pa ang tulong mo. Gusto mo ako, diba? Bakit iiwan mo ako kung gusto mo na pala ako? I don't want to be alone again, Vladimir."
BINABASA MO ANG
VLADIMIR AND HIS SECRETARY [COMPLETED]
Про вампиров[VAMPIRE WARRIORS SERIES 01] Leo Guevara is just a normal employee who is working to survive in life. His everyday life is simple... Working from eight in the morning to eight in the evening then going home and take some good rest. Just like that. B...
![VLADIMIR AND HIS SECRETARY [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/282486300-64-k745300.jpg)