"Kakain na ba tayo?" Tanong ko sa kaniya. Kakatapos lang naming umalis sa Greenhouse na isang botanical garden na andito lang din sa loob ng mall. Halos nanatili kami doon ng isang oras dahil sa paglilibot at pagkuha ko ng mga litrato ng bawat halaman na nagagandahan. Meron ding mga tauhan ang garden na nagtuturo kung ano ang mga halaman doon at kung ano-ano pa na labis na nakakatulong naman sa mga tao upang mapalawak ang kaalaman sa mga halaman. Sunod lang naman ng sunod sa akin si Vladimir. Sinasamahan ako nito kahit hindi naman talaga niya masyadong hilig ang mga halaman. And I really appreciate that. Lalo na nang makitang nag-enjoy din ito nang nasa kalagitnaan na kami. Mukhang napukaw ata ang interes niya ng mga halaman dahil sa pagsunod-sunod sa akin kanina.
"Sure." Sagot nito at dinala ako sa isang restaurant na hindi naman kalayuan mula sa pinanggalingan namin.
"Wait, let's sanitize first, Vladi." Kumuha ako mula sa bag ng sanitizer at nilagyan ang kamay ni Vladimir at ang kamay ko.
"Hygiene is everything." Sabay na sabi naming dalawa at pareho rin na natawa.
"Uhm..." Napatingin naman kami sa biglang nagsalita sa harapan namin at nakita ang isang babae.
"Do you need anything, Miss?" Tanong ko rito.
"Can I get your number?" Tanong nito habang mahigpit na nakahawak sa cellphone at namumula ang mga pisngi.
"He's already taken, Miss." Nagulat na lang ako nang bigla na lang maramdaman ang makisig na braso ni Vladimir na hinuli ang bewang ko.
"O-Oh... I'm sorry. I'm really sorry." Agad na hingi ng paumanhin ng babae na halatang mas lalong nahiya.
"It's fine. Here. Take it." Kumuha ako sa bulsa ng isang candy at ibinigay sa kaniya. "I'm sorry but I'm already taken. Just find someone more better guy out there, Miss. I know you will find him soon."
Halata namang nagulat ang babae pero nang makabawi ay ngumiti naman ito saka tumango. "Thanks for the candy. I have to go." Paalam nito kaya ngumiti naman ako. Pero hindi pa man ito nakakalayo ay humarap naman ulit ito. "You two look good together, by the way." Nagulat naman ako sa sinabi nito pero agad din na natuwa kinalaunan.
I feel the stares of other people since earlier. Different stares. Some of it are good while others are bad. But I didn't mind it at all just like Vladimir did.
Nakakatuwa na kahit papaano ay meron pa ring mga taong nakakaintindi at nakakaunawa.
"Let's go?" Napakurap-kurap naman ako at nagtaas ng tingin sa kaharap.
"Handsome."
"Oh, me?" Turo pa sa sarili niya
"Yeah."
"Thank you." Nakangiting saad nito na tila ba natuwa dahil sa sinabi ko.
"Let's eat. I'm really hungry." Aya ko sa kaniya.
Tuluyan na nga kaming dumeritso sa loob ng restaurant. Nag-order na kaming dalawa at hinintay iyon ng ilang sandali. Hindi katagalan ay dumating naman na ang order namin kaya nagsimula na kaming kumain.
"How do you know about the foods, hm?" Tanong ko sa kaniya. Pagtukoy ko sa pagkain ng mga tao.
"Zin, the second Nux, taught me alot about human food." Sagot nito at humiwa sa steak na nasa plato at sinubuan ako.
"You miss to eat steak?" Tanong ko sa kaniya at sinimulang nguyain ang steak na nasa bibig.
"Yeah. Do you like it?"
"If I said yes, you'll just give it to me. So, it's a no." But it's really good though. It taste good.
"You know me too well, huh?" Nakangiting tanong nito.
BINABASA MO ANG
VLADIMIR AND HIS SECRETARY [COMPLETED]
Vampire[VAMPIRE WARRIORS SERIES 01] Leo Guevara is just a normal employee who is working to survive in life. His everyday life is simple... Working from eight in the morning to eight in the evening then going home and take some good rest. Just like that. B...
![VLADIMIR AND HIS SECRETARY [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/282486300-64-k745300.jpg)