13

1.1K 57 1
                                        

Matapos ang inuman ay isa-isa namang nagpaalam ang mga kasama kung uminom. Pero nanatili ang paningin ko sa isang lalaki na tinulungan ng babae na makatayo.

What are doing to yourself, Leo? Iinom ka tapos hindi mo naman pala kaya.

Bumuntong-hininga na lang ako saka tuluyan ng naglakad papunta doon. Napatingin naman sa akin si Karol. "May kailangan po ba kayo, Sir?" Nakangiting tanong pa nito at inayos sandali ang buhok.

Pero bigla na lang gumalaw si Leo dahilan para muntek itong matumba dahilan para mabilis ko naman itong saluhin. Until-unti naman itong nagtaas ng tingin sa akin habang sumisinok pa. "Who's this handsome guy infront of me?" Tanong pa nito at kinapa ang mukha ko.

Handsome guy, huh?

He's cute when he's drunk.

"Naku, Leo. Bakit kasi uminom ka ng marami. Ano ba 'yan. Pasensiya na Sir Vladimir." Hingi ng paumanhin ni Karol pero ngumiti lang ako saka umiling.

"It's fine. It's fine." Saad ko lang naman at napatingin ulit kay Leo pero laking gulat ko na lang ng nasa harapan ko na ito matapos tumiyad dahilan para magpantay ang taas naming dalawa. Parang tumigil sandali ang mundo at ang oras nang bigla na lang itong dumukwang at hinalikan ako. Sandali akong nagyelo sa kinatatayuan ko dahil sa labis na pagkabigla pero napakurap-kurap din ng bigla na lang malaglag ang ulo nito sa balikat ko. "Leo?" Paggising ko rito pero nanatili itong hindi gumagalaw.

Napatingin naman ako sa babaeng nasa gilid at nakita ko itong kumuha ng litrato pero agad din na ngumiti ng makitang tumingin ako. "Kayo na po bahala sa kaibigan ko, Sir Vladimir. Bye! Ingat kayong dalawa. Enjoy!" Bigla na lang itong tumakbo at pumara ng taxi at dali-daling sumakay dahilan para mapakunot naman ang noo ko.

"Humans are really weird." Mahinang saad ko at maingat na binuhat si Leo. "You kissed me. Naaalala mo na ba ako? O ginawa mo lang 'yon dahil lasing ka na? Bakit mo ginagawa 'to, Leo. You making me want to hold you tight again." Mahinang saad ko saka bumuntong-hininga na lang at pumunta sa kotse ko at isinakay si Leo sa likuran at ako na rin ang naglagay ng seatbelt sa kaniya. Nang matapos ay agad naman akong pumunta sa driver seat at minaneho na ang sasakyan paalis.

Panay ang buntong-hininga ko dahil sa nangyari. Hindi na mawala sa isip ko ang pagdampi ng labi nito sa labi ko. It makes me want to kiss him again...

Napailing na lang ako at ifinocus na lang ang atensiyon ko sa pagmamaneho. Baka madisgrasya pa kami mamaya dahil sa sobrang pag-iisip ko.

Pero nang nasa kalayuan na kami ng biyahe ay bigla na lang akong nagulat ng humalik sa leeg ko. Dahil sa pagkagulat ay muntek pang bumangga ang kotse sa poste mabuti na lang at nakabig ko kaagad ang manibela at naibalik sa linya ang kotse. "Damn. Calm down, Leo." Sita ko sa lalaking nananatiling humahalik sa leeg ko.

"I don't want to. I'm cold... I want to hold into someone's arms rightnow. Can you hold me?" Halatang lasing ito dahil sa boses nito at sa mga ginagawa nito. Pero hindi ko naman maiwasang hindi mapakunot ang noo.

Someone's arms?

Ginagawa niya rin ba 'to sa iba tuweng lasing siya?

Dammit! No!

Mabilis kung minaneho ang sasakyan at agad na itinigil iyon sa harapan ng condo at lumabas sa sasakyan at binuksan ang pinto sa likod. Agad ko namang hinawakan si Leo sa bewang ng bigla itong lumabas at yumakap sa akin. "Leo, calm down."

"You don't like my kisses, Sir? I can do better if you want." Saad nito dahilan para mapalunok naman ako pero agad din na pinigilan ang sarili.

"Let's go upstairs, okay? Para makapagpahinga ka na." Bigla naman itong umiling at yumakap lalo sa akin.

VLADIMIR AND HIS SECRETARY [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon