"So you really did what you've said, huh?" Boses ni Emilia. Pumunta siya ngayon sa opisina.
"That's the only way, Emilia. Kapag nanatili ako sa tabi niya ay parang inuunti-unti ko na rin siyang pinapatay. I want him to live a normal life that normal person does." Saad ko naman. Pero hindi ko pa rin maiwasang hindi malungkot. Lahat ng mapuntahan ng paningin ko ay si Leo agad ang naalala ko.
"Pero ikaw naman ang unti-unting pinapatay ng sakit ngayon?"
"Mas ayos na sa akin 'yon. Nakakamangha nga eh. Noon ay wala akong emosiyon. Hindi ko nararamdaman ang sakit o ang saya pero ng makilala siya ay nagbago lahat. Iyong tipong parang naging tao na rin ako. Pero ito rin ako ngayon at nasasaktan dahil sa desisyon na ginawa. Hindi niya na ako naaalala. Nang nakaraan... Nagkita kami sa elevator. Naalala ko bigla yung unang kita ko rin sa kaniya noon. Kagaya noon ay wala kaming kibuan. Parang bang hindi talaga kami magkakilala."
"Kakaiba talaga ang nagagawa ng mga tao sa atin. Kagaya na lang ni Zin na Nux na rin ngayon. Dahil sa kaniya ay nabuhay rin ang emosiyon ng Nux natin. 'Yon! Paano kung gawin mo na rin na bampira si Leo, Vladi? Sa pamamagitan nun ay hindi na rin siya mamamatay." Umiling naman ako saka bumuntong-hininga.
"Oo, gusto ko siyang mabuhay ng matagal, Emilia. Pero hindi ko alam kung gusto niya ba na mabuhay ng walang kamatayan. Kapag ginawa ko siyang bampira tanging iyong mahabang pagtulog ang magiging kamatayan niya pero sa huli ay mabubuhay at mabubuhay pa rin siya lalo na at makapangyarihang bampira ang kakagat sa kaniya kapag nagkataon. Mararanasan niyang paulit-ulit na masaktan kapag nakita ang mga mahal sa buhay na unti-unting namamatay habang siya ay nanatiling buhay. Magdudusa siya at ayaw ko n'on." Sagot ko habang nakatingin sa litrato ni Leo sa cellphone ko. Kuha ko iyon noong panahon na hindi siya nakatingin.
"Iyon lang ang problema. So, anong plano mo ngayon? Mananatili ka na lang nakatingin sa kaniya mula sa malayo?" Tanong nito habang inaayos ang mga papeles.
Siya na ulit ang bago kung sekretarya dahil wala na si Leo.
"Oo... siguro. Kung kaya ko..." Sagot ko at hinaplos ang screen ng cellphone habang nakatitig pa rin sa mukha ni Leo.
"Pwede ka naman sigurong lumapit sa kaniya paminsan-minsan eh. Binura mo na ang ala-ala niya, hindi ba? Ibig sabihin nun ay hindi ka niya naaalala at yung ginawa mo sa kaniya. Kung hindi mo na naman ipapaalam sa kaniya na bampira ka ay ayos lang naman iyon siguro. Hindi mo na lang rin siya puwedeng kagatin since ayaw mo na nga na bumalik siya sa ospital at mapahamak. Tsaka pwede namang mag-usap at magkita ang boss at employee by accident eh. Gawa ka na lang mga para-paraan para makasama mo pa rin siya kahit papaano bilang boss niya. Atleast hindi mo siya masyadong mami-miss." Nabuhayan naman ako ng pag-asa at agad na napangiti dahil sa sinabi ni Emilia.
"Oo nga naman. Tama ka. Bakit hindi ko nga ba naisip iyon?" Nakagat ko na lang ang labi ko para itago ang malapad na ngiti.
"Pero huwag ka na sanang mahulog pa sa kaniya, Vladi. Lalo na ngayon na hindi ka na niya naaalala. Masasaktan ka lang." Dagdag pa ni Emilia kaya unti-unti namang nawala ang saya ko saka bumuntong-
hininga. "Siya nga pala. Merong inuman ngayon ang mga employee mo. Kanina ay tinanong nila ako kung gusto mo raw bang sumama. Hindi naman tumatalab sa atin ang alcohol kaya puwede kang pumunta. Ewan kung sino ang gumawa nung mga ideya na kaya raw patayin ng alcohol ang mga bampira."
"Ayaw ko." Agad na sagot ko.
"Pupunta raw si Leo."
"Anong oras ba?" Tanong ko dahilan para mapailing na lang ito.
"Tss. Malala ka na, Vladimir." Natatawang saad pa nito saka umiling pa ulit. "9:00 PM. Kung gusto mong sumama ay bumaba ka na ngayon."
Tumayo naman ako sa kinauupuan ko at agad na inayos ang sarili. Kinuha ko ang coat na nakasabit sa coat rack saka tumingin kay Emilia. "Do I look good? Do I look presentable?" Tanong ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
VLADIMIR AND HIS SECRETARY [COMPLETED]
Vampir[VAMPIRE WARRIORS SERIES 01] Leo Guevara is just a normal employee who is working to survive in life. His everyday life is simple... Working from eight in the morning to eight in the evening then going home and take some good rest. Just like that. B...
![VLADIMIR AND HIS SECRETARY [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/282486300-64-k745300.jpg)