"What happened? Bakit umuwi kayo kaagad? Wala na ba kayong klase?" Sunod-sunod na tanong ni Sir Leo nang makapasok kami sa living room.
"Niko is not feeling well, sir. So I bring him home for him to rest." Magalang na sagot ko.
"Ay ganoon ba? Sige, ihiga mo na muna siya rito at kukuha ako ng tubig na maiinom—"
"I want to go upstairs, dad. I want to be with Cold." Putol ni Niko sa sinasabi ng ama at mas lalong humigpit ang hawak sa akin.
"Oh sige... Tawagin mo na lang ako kapag may kailangan kayo, Cold. Ikaw na ang bahala sa anak ko. Mukhang mas kailangan ka niya ngayon. "
"Okay, sir."
Umakyat na kami sa taas at dumeritso sa kuwarto ni Niko. Maingat ko itong inihiga sa kama at ang akala ko ay bibitaw ito pero nanatili itong mahigpit ang yakap sa akin.
"Hindi kita iiwan kaya puwede ka ng bumitaw." Hinalikan ko ito sa noo at tiningnan ang kabuuan ng mukha niya. He's still crying.
"Natatakot ako, Cold." Nanginginig ang boses nito. Nakikita ko ang takot sa mga mata niya.
"But you don't have any reason to be scared. I'm always here. I'm not leaving you and I will never leave you, okay? Don't mind what Freya had said. Hindi mangyayari 'yon."
"How sure are you? What if one day makakilala ka ng babaeng makakakuha ng interes mo? What if one day makahanap ka ng mas mamahalin mo ng mas higit pa sa pagmamahal na mayroon ka ngayon para sa akin? What if —"
"Hindi mangyayari 'yon, Niko. We're already old and since we were young marami na ang umaaligid sa akin pero may nakakuha ba ng interes ko? May nagustuhan na ba ako? Wala, maliban sa'yo. Ikaw lang ang tanging nakakuha ng interes ko at minahal ko at mamahalin ko hanggang sa mamatay ako. Ikaw lang." Nginitian ko ito at hinalikan muli sa noo. "Sorry kung binibigyan kita ng rason para mag-doubt. I'm sorry."
"I'm sorry for being ugly, Cold. I'm sorry."
Natawa naman ako. Pinahiran ko ang luha nito at tiningnan ng deritso sa mga mata. "And who told you that you're ugly? Are they joking? You look so good kaya. Especially in my eyes. You're shining like a gem." Hinalikan ko ang gilid ng mata nito at sinunod ang labi niya. "That cannot be compared to anyone. You're special. You are one and only."
"Pero..."
"Ano ba ang gusto mo? I'll do it for you just to erase that doubt in your heart. I'm willing to do everything for you."
"I want you to be mine. Only mine."
Nakagat ko naman ang labi para pigilan ang ngiti na gustong kumuwala sa mga labi ko.
Oh, how good it feels when Niko claims ownership of me. It feel so good.
"Can you do that? Can you be mine, Cold? I don't want you to share to anyone. I'm being selfish but I only want you for myself." Nagsimula na namang tumulo ang mga luha niya.
"Of course. I'm willing and I really love to become yours, my lord." Muli ko'ng hinalikan ang labi nito ng buong puso saka nginitian siya ng matamis. "Please be selfish and claim me as yours. I'm more willing to give myself to you."
"I love you." Niyakap ako nito ng mahigpit dahilan para mapangiti na lamang ako at niyakap din siya.
"And I am yours."
Napangiti na lang ako nang unti-unting tumigil ang panginginig nito. Maybe he's really scared earlier. He must be traumatized.
"Cold."
"Yes?"
Hinarap ako nito at tiningnan ng ilang sandali ang kabuuan ng mukha ko bago ako nito masuyong hinalikan sa labi.
BINABASA MO ANG
VLADIMIR AND HIS SECRETARY [COMPLETED]
Vampire[VAMPIRE WARRIORS SERIES 01] Leo Guevara is just a normal employee who is working to survive in life. His everyday life is simple... Working from eight in the morning to eight in the evening then going home and take some good rest. Just like that. B...
![VLADIMIR AND HIS SECRETARY [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/282486300-64-k745300.jpg)