28

701 24 0
                                        

Natapos na ang meeting namin ni Vladi pero ako na lamang ang nakabalik sa opisina. May meeting pa kasi na pupuntahan si Vladi, panibagong meeting. Urgent lang iyon dahil bigla na lang tumawag ang isa sa mga business partners niya at gusto raw makipag-usap. Hindi na ako sumama pa dahil marami pa akong dapat gawin at hindi naman kailangan ang presensya ko roon.

Uminom muna ako ng tubig dahil pakiramdam ko ay nanuyot ang lalamunan ko sa pagsasalita kanina. For about more than thirty minutes yata akong nagsasalita kanina. I'm explaining stuffs. Pero kahit papaano ay enjoy ko naman ang trabaho at gamay ko na rin dahil dati ay palagi ko na rin iyong ginagawa. We, marketing specialist reports directly to marketing  manager. Minsan ay kasama ko si Karol pero kadalasan ay ako talaga ang gumagawa niyon.

Matapos na uminom ng tubig ay napatingin naman ako sa oras at bumuntong-hininga dahil eleven thirty na pala. "Sana maisip ni Vladi na kumain." Usal ko at ibinalik ang paningin ko sa laptop.

Nagsimula na ulit akong magtrabaho. Mamaya na lang ako bababa para bumili ng pagkain tutal ay busog pa naman ako.

Maya-maya ay may tumawag naman kaya sinagot ko na iyon. Noon ay iilan lang ang tawag na sinasagot ko pero ngayon ay ako na ang sumasagot ng lahat ng iyon. Para na rin mabawasan ang trabaho ni Vladimir at para hindi na rin ito ma-distract.

May ilang papeles akong kailangan na permahan at meron din akong mga papeles na kailangang namang gawin.

Nakaupo lang ako pero nakakangakay rin kaya nakakaramdam ako ng pagod pero ayos lang naman dahil nag-e-enjoy ko naman ang trabaho ko. At tumitigil din naman ako sandali kapag nangangalay na talaga ang kamay ko. Sabi ni Vladi ay hindi ko naman kailangan na magtrabaho ng sobra. And he also said that I can't worn myself too much.

Nang tumuntong ng twelve ng tanghali ang oras ay tumigil ako sa pagtatrabaho at napagdesiyonan ng bumaba para bumili ng makakain. Hindi pa naman ako gutom pero bibili na lang ako ngayon para makakakain kaagad ako kapag nagutom na ako. Hindi ko na kailangan pang lumabas mamaya.

Dahil elevator ang sinakyan ko ay ilang sandali lang at nakababa naman ako kaagad. Dumeritso na ako sa labas at pumunta sa pinakamalapit na restaurant para bumili ng makakain. Hindi ko na kailangan pang sumakay dahil nasa harapan lang ng kompaniya ang restaurant na pinakamalapit. Kailangan lang na tumawid ng kalsada.

Bumili ako ng pasta, hotdog and juice. Binilhan ko na rin si Vladi dahil baka bumalik iyon sa kompaniya na hindi pa kumakain.

Bumalik naman kaagad ako sa kompaniya matapos na makuha ang mga pagkain at makapagbayad. Sumakay ako ulit ng elevator at ininom ang juice ko dahil nauuhaw talaga ako.

Ilang sandali lang ay nakarating naman ako sa taas. Dumeritso na ako sa opisina at nang makarating ay ibinaba ko na ang dala sa table ko pero agad din na napalingon sa likuran nang may maramdaman na presensya ng ibang tao.

"Sino kayo?" Tanong ko at naging handa sa maaaring gawin ng mga ito.

Hindi sila tao... Iba ang amoy at aura nila.

They're vampires.

"Sino kayo?" Pag-uulit ko sa tanong pero bigla na lang sumugod ang isa sa kanila at balak sana akong hulihin pero mabilis ko itong naiwasan.

Nagulat na lang ako dahil sa bilis na taglay ko. Ibang-iba at malayong-malayo sa normal kung bilis.

Ganito ba kapag isa kang bampira...

Naibalik ko naman ang atensiyon ko sa mga bampira nang makitang sumugod na naman ang mga ito.  Pero sa pagkakataong ito ay mas mabilis na at mas malakas na ang ginagamit nilang lakas. Nasasangga ko ang ibang atake nila pero ang iba ay natatamaan pa rin ako. Napasulyap naman ako sa balikat ko at nakitang nasugatan ako roon.

VLADIMIR AND HIS SECRETARY [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon