Naomi's Point of View.
"Diyan na lang po sa tapat ng milktea shop nila Jia, Dad." Saad ko kay Daddy Ice, sa kaniya kasi ako nagpahatid ngayon. Ayoko sumabay kay kuya baka magtagpo na naman ang landas namin ng mga ex ko.
"Magkaaway na naman ba kayo ng kuya mo?" Si Daddy na nakatuon lang sa paggilid ng kotse.
"Eh... hindi naman, Dad. Sige, Dad, bye na!" Ako at nagbeso kay Daddy.
"Oh–wait." Pigil niya nang lalabas na sana ako ng kotse.
"Why, Dad?" Ako.
"Your allowance." At ibinigay sa akin ang sobre.
"Omg! Ang Dad ko talaga! Thank you, Dad!" Ako at niyakap ko siya. Spoiled ako kay Daddy. Kahit anong hingin kong favor or kahit hindi pa ako humihingi binibigay na niya.
"You're welcome. Aral mabuti, okay" Tumango naman ako at tuluyan nang lumabas ng kotse at pumasok sa shop nila Jia.
Pagpasok ko ay wala pang customer kahit isa, maaga pa kasi. Ito ang isa sa mga branch ng milktea shop nila Jia, sila Tita Hazel at Tito Reys ang may-ari nito, ang parents niya.
Kapag maaga kaming pumapasok or may free time ay dito kami tumatambay.
"Heya!" Sigaw ko palapit kanila Jia at Leigh.
"Nami!" Si Jia at nagyakapan kami.
Si Leigh naman ay tinignan lang kami at tinuon ulit ang atensyon sa sino-solve niyang math. Study hard talaga 'to.
"Hoy, girl! Baka maging valedictorian ka niyan, ha." Sabi ko kay Leigh pero 'di niya 'ko pinansin.
"Haha, alam mo naman 'yan, study is life. Sana all." Si Jia at nagtawanan pa kami. Close na close talaga kami nito ni Jia, basta sa kalokohan kami ang nangunguna.
"Eh, kaya nga tayo pumasok ng maaga para mag review." Si Leigh na hindi tumitingin sa'min.
"Duh, aral na nga sa school aral pa rito. Haha." Si jia at nag appear-an pa kami habang tumatawa.
bahagya naman akong napatigil nang mapabaling ako sa labas ng shop at makitang patungo si Blair dito sa shop.
Oh my god!
Papunta ba siya rito?!
"Haha, buti pa kami ni Nami pa chill chill lang kahit puro line of 7 'yong grades, haha." Natatawa pa ring sabi ni Jia, pero hindi na 'ko natatawa ngayon
Oh my gosh! Patungo nga si Blair dito!
Agad akong tumakbo patungo sa pinto ng shop at binaliktad ang placard, imbes na 'OPEN' ang nakaharap ay ginawa kong 'CLOSE' at nilock ang pinto.
"Anong ginagawa mo Nami?" Si Jia, napaharap naman ako.
Nasa harapan ko na pala sila ni Leigh at nakatangin sa akin nang nagtataka.
"Ah... eh... masyado pa kaseng maaga Jia para magbukas ka, haha." Palusot ko.
"Ha? Pero may papasok ata–" Si Jia pero hinila ko na sila ni Leigh palayo sa pinto.
"Haha, wala 'yan, mamamalimos lang 'yan." Ako.
"Alam mo Naomi, alam naming weird ka minsan pero napapadalas naman ata." Si Leigh.
Nandito ako ngayon sa garden ng school. Na bore kasi ako, wala kasi akong kasama. Si Leigh umattend sa meeting ng mga presidents si Jia naman sa meeting ng mga SSG. Nandoon din si kuya. SSG officer rin kasi si kuya. 'Di ba sila may mga position dito sa school ako ito isang patatas lang.
Anyway, maganda rito. Maraming bulaklak, dahon at iba pa. saka malinis at malawak.
Napaupo naman ako at pinantayan ang mga dahon.
YOU ARE READING
The Three Popular Boys In Our Campus Are My Ex's [COMPLETED]
RomanceIceah Naomi Guevarra Torres has three ex-boyfriends that happened to be friends and her very strict brother's friends, too.