May 15, 2022
Third's Point of View.
Nagising ako dahil sa malamig na tubig na bumuhos sa akin.
Damn it!
"Hahahaha! Gising mahal kong anak." Bungad sa akin ng demonyong mukha.
"Nasan ako?" Tanong ko sa kanya. nakagapos ako ngayon.
Matapos naming pumunta sa chapel ay sumakay ako sa kotse ko at biglang may tumakip ng panyo sa bibig ko at unti-unti na kong nawalan ng malay.
"Sa lugar kung saan kana mamamatay." Nakangisi nyang sagot sa akin.
"Tsk! Ang tagal mo naman akong patayin." Nakangisi ko ring ani sa kanya.
"Hahaha! Huwag kang excited thirdy.. bago ka mamamatay ay kailangan mo munang masaksihan kung paano isa-isang malalagutan ng hininga ang mga kaibigan mo." Saad nya na ikinagulat ko.
"YOU BULLSHIT! ANONG GAGAWIN MO SA MGA KAIBIGAN KO?! HUWAG NA HUWAG MO SILANG GAGALAWIN! LALONG-LALO NA SI NAOMI!" Sigaw ko sa kanya.
Papatayin ko talaga sya oras na may gawin syang masama kay naomi.
Pero imbis na sagutin nya ako ay tumawa sya ng malakas at iniharap sa akin at isang laptop at inopen ito..
"Yan, thirdy pagmasdan mo.." Saad nya...
DARN IT!
Isang camera na nakatutok sa eroplanong nasusunog..
"ANO YAN?! ANO YAN HUH?!" Gigil na gigil na sigaw ko.
Hindi pwede 'to. Hindi nya 'to magagawa!
"Ang eroplano ng kaibigan mong si matthew.. hahaha! Hindi kaba natutuwa? Kasalukuyan nang nasusunog ang katawan ng kahati mo sa puso ng babaeng pinakamamahal---"
"GAGO KA! DEMONYO KA! WALA KANG PUSO! DEMONYO KA! PAPATAYIN KITA!" Magkahalong galit at panghihinang sigaw ko sa kanya.
Nanginginig ako sa galit ngayon. Gustong-gusto ko syang patayin!
"Hahahaha! Thirdy. Thirdy. Thirdy. Akala ko ba matalino ka sa mga ganitong bagay? Sabi ko naman sayo kalabanin mo na lang lahat wag lang ako." Sya.
"WALA KANG PUSO! HINDI MO DAPAT DINAMAY SI MATTHEW! WALA SYANG ALAM DITO! HAYOP KA! PAPATAYIN KITA!" Nanggigil kong sigaw sa kanya.
"No.. there's more." Ani nya at inilipat ang laptop.
DARN IT!
Nasa bahay nila naomi at video.
"ANONG GAGAWIN MO KALA NAOMI?! HAYOP KA! HUWAG SILA!" Ako.
"Pagkatapos ng pinakamamahal mong babae.. isusunod ko naman si blair at pagkatapos.. ikaw na. Kaya relax ka lang at panoorin mo kung paano ko isa-isahing patayin ang iyong love of my love hahaha!" Mala demonyo nyang sambit.
__________
Naomi's Point Of View.
"Mommy, daddy, okay na po." Saad ko nang makababa ako dala-dala ang maleta ko.
Nakaready na rin sila maging si kuya.
"Good. Andrix, ikaw na muna ang bahala sa kapatid mo ha." Si mommy.
"Makakaasa po kayo mommy. Daddy." Sagot ni kuya.
Ano bang sinasabi nila?
"Mommy? Daddy? Ano po bang nangyayari? Bakit tayo aalis? Bakit si kuya muna ang bahala sa akin?! Hindi ko po maintindihan." Gulong-gulo kong tanong.
YOU ARE READING
The Three Popular Boys In Our Campus Are My Ex's [COMPLETED]
RomanceIceah Naomi Guevarra Torres has three ex-boyfriends that happened to be friends and her very strict brother's friends, too.